My Crazy Rich Ninong
Akala ni Alexia simple lang ang buhay niya chismosa sa umaga, barista sa hapon, at certified marites sa gabi. Pero isang araw, sa kalagitnaan ng kanyang “tampo moment” sa Jollibee, biglang nagpakita ang isang lalaking naka-three-piece suit, may hawak na kontrata… at may sinasabing siya raw ang legal na tagapag-alaga niya?
Siya si Julian Alarcon. Billionaryo. CEO. Cold-hearted. At oo ang Ninong niyang matagal nang nawawala sa eksena. Pero teka, bakit parang hindi pang-Ninong ang mga titig niya? Bakit parang may sariling buhay ang mga kilig sa katawan ni Alexia? At bakit siya sinusundo ng limousine papunta sa isang mansyon kung saan ayaw siya pakawalan ng gwapong “Ninong” na ito?
Ang problema? Makulit si Alexia, madaldal, at walang preno sa bunganga. Pero si Julian… sanay sa katahimikan, respeto, at walang ka-cheapan sa paligid. So anong mangyayari kapag ang isang pabibo at makulit na babae ay pinilit tumira sa mundo ng sosyal, tahimik, at super serious?
Isa lang ang malinaw si Alexia ang babaeng kayang pasabugin ang mundo ng isang lalaking sanay sa kontrol. At si Julian? Baka siya pa ang unang mapusasan ng kilig.