The Contract: Beginning of His Obsession
"To hell with the contract. This is my playground, Adelina... and you happen to be my favorite toy."
........
Dahil sa desperasyong maisalba ang ina, napilitan si Adelina Sanchez na pasukin ang madilim na mundo ng prostitusyon. Doon niya nakatagpo si Carter Vergara, at ang gabing kanilang pinagsaluhan ay nagbunga. Ngunit pinili ni Adelina na palakihin ang bata nang mag-isa dahil sa takot na hindi ito tanggapin ng lalaki.
Limang taon ang lumipas.
Muling pinagtagpo ng tadhana ang dalawa—pero hindi siya kilala ni Carter. Upang tustusan ang operasyon sa puso ng kaniyang anak—ang parehong sakit na pumatay sa kaniyang ina—tinanggap ni Adelina ang isang mapangahas na kontrata: ang maging surrogate mother nina Carter at ng asawa nitong si Fatima.
Ngunit ang kasunduang ito ay hindi dadaan sa siyensya—kailangang ibigay ni Adelina ang kaniyang buong katawan kay Carter hanggang sa makabuo sila ng tagapagmana.
Sa ilalim ng iisang bubong, magliliyab ang isang makasalanang ugnayan. Magsisimula ang isang obsesyong hindi na kayang kontrolin ni Carter—isang obsesyong kahit anong takas ni Adelina, pilit at pilit pa rin siyang mahahanap nito.