Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Isang kasal na nakatali sa papel. Isang kasunduan na may hangganan. At isang gabi na hindi dapat nangyari. Pitong taon na si Vaiana bilang secretary ni Kyro, at sa loob ng tatlong taon, si Vaiana ay naging anino ni Kyro de Vera—sekretarya sa umaga, asawa sa papel sa gabi. Alam niya ang lahat ng ugali nito, mula sa paboritong kulay ng suit hanggang sa mga lihim na hindi nito kailanman inamin. Pero isang gabing hindi niya matandaan ang tuluyang gumulo sa lahat. Nang magising siya sa tabi ng lalaking hindi dapat kanya, ramdam niya ang pait ng katotohanan—siya lang ang nagseryoso sa kasal na ito. Pero nang muli siyang harapin ni Kyro, may isang bagay itong sinabi na nagpayanig sa kanya: "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon." Sa isang kasunduang dapat ay walang damdamin, paano kung hindi na niya kayang itanggi ang sakit? At paano kung si Kyro mismo ang magsimulang magtanong—sino nga ba ang tunay niyang babae?
Romance
8.8654.8K viewsOngoing
Show Reviews (88)
Read
Add to library
Shiela
ano ba author mag 400 chapter na ang kwento mu.ne minsan wala pang kilig na nagaganap.baka nman paabotin mu pa hangang 1k nyan.dami muna sinali sa kwento nila para lng humaba.bat kaya hnd mu nlng gawan ng mga bagong kwento.ang mga sinasali mu.hnd nako magtataka sa mga susunod na mga bagong kwento mu
vzy
medyo nalilito lang ako sa characters mo author. sa kabanata 1, may pinapasok na magandang babae si vaiana para tumabi kay kyro di ba bago siya lumabas sa suite? sabi pa roon na “babaeng siya mismo ang tumawag”, e bakit kailangan pa oumunta ni vaiana sa bar para maghanap ng babaeng ihaharap kay kyro
Read All Reviews
Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Mafia Series: A Steamy Night With A Mafia

Amber Stories
Ibinenta ni Alathea "Thea" Fermin ang kanyang sarili sa isang secret pornsite para sa operasyon ng kanyang Lola na nagpalaki sa kanya. Isang nagngangalang Elijah Moretti ang nakatalik niya at umangkin sa kanya. Huli na nang nalaman niyang miyembro pala ito ng kinatatakutang Mafia sa bansa.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night, Bound Forever (SPG)

One Night, Bound Forever (SPG)

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
Romance
9.8419 viewsOngoing
Read
Add to library
NINONG KONSI (SPG)

NINONG KONSI (SPG)

Anim na taon ang nakalipas, muling nakaluwas sa Manila si Apple Gallardo upang makatulong sa kanilang business. Nang gabing din iyon ay niyaya siya ng matalik niyang kaibigan na pumunta sa bar para sa kanyang welcome back party. Kasagsagan na ng init at kasiyahan bumaba si Apple, may nakabagga si Apple, isang lalaking matipuno na siyang natipuhan niya agad. Zamuel Zimmerman, isang konsehal sa Kyusi. Ang pamilya niya rin ang may hawak na Internet provider sa buong Pilipinas. Ang lalaking nabunggo ni Apple ng gabing iyon. Nang dahil sa alak ay uminit ang katawan ni Apple nang makita ang binata, hinalikan niya ito na siyang may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Nang magising si Apple kinabukasan, nauna siyang umalis at hindi pinagsabi ang tungkol sa nangyaring one night stand sa kanya at ng lalaki. Sa hindi inaasahan, nakita muli ni Apple ang lalaking naka—one night stand niya. Nagpakilala ito at nalaman niyang barkada ito ng kanyang kuya at isa rin siyang konsehal, lalo naʼt Ninong pala niya ang lalaki. Sa pagkagulat niya ay gusto na sana niyang umalis pero nakita na lamang niya ang kanyang sariling umuungol muli habang sinasamba siya. Kaya inalok niya itong itago ang kanilang relasyon, kahit naguguluhan si Zamuel ay pumayag siya sa gusto ni Apple. Lumipas ang buwan, naging masaya ang tagong relasyon nilang dalawa. Balak na sana sabihin ni Apple ang tungkol sa kanila ni Zamuel, pero biglang dumating ang problema sa pagitan nila. Si Tanya — ang babaeng nakalaan na ipakasal kay Zamuel. Sa pagdating ng babae ay magbabago ang pakikitungo ni Zamuel sa kanya, lalo naʼt nalaman niyang ikakasal na sila. Ilalaban kaya ni Apple ang pagmamahal niya sa binata kung mismo ng lalaki na ang pumutol sa pagitan nila? Lalaban pa ba si Apple para sa salitang pag-ibig?
Romance
7.817.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Tycoon's Pampered Wife

The Tycoon's Pampered Wife

Nang sapilitang ikinasal si Rowan kay Sunny, malinaw sa kanya na ayaw niya sa dalaga-hindi lang dahil magkasalungat ang kanilang mga ugali, kundi dahil isa itong tusong babae! Ngunit hindi niya inaasahan na ang babaeng minsang tinutulan niya ay siyang magpapabaliw sa kanya, hanggang sa palagi na siyang sumusunod sa bawat gusto nito, kahit na sakit ito sa kaniyang ulo.
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Owned by the Possessive Billionaire

Owned by the Possessive Billionaire

Hoshi Rhodes
Elaina was saved by Silas Desmond ang kanyang bilyonaryong Padrino na sampong taon niyang hindi nakita. Dahil sa hindi siya nasanay sa kahirapan at sa takot na balikan siya ng mga taong pumatay sa kanyang mga magulang ay nakiusap siyang sumama kay Silas at pumailalim sa proteksyon nito kapalit ang mga dokumento na naglalaman ng lahat ng kanyang mamanahin mula sa kanyang mga namayapang magulang. Ngunit hindi sapat ang mga iyon para sa isang Silas Desmond sapagkat ninanais din nitong angkinin siya.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Waves of Temptation (Tagalog)

Waves of Temptation (Tagalog)

Adrasteia Zachry
Sandro Villanueva, a professional, handsome and hot diver accidentally saw a mysterious beautiful woman floating in a coast area. Si Aaliyah Garcia ang babaeng ‘yon, galing siya sa isang napakamayamang pamilya pero dahil sa pagpilit ng kaniyang mga magulang na magpakasal siya sa isang lalaking hindi naman niya mahal ay napilitan siyang tumakas na humantong sa sa muntik na niyang pagkalunod sa dagat nang tumaob ang speed boat na sinakyan niya. Laking pasasalamat niya sa pagkakasagip sa kaniya ni Sandro. Dahil sa kagustuhan niyang hindi bumalik sa poder ng kaniyang mga magulang ay minabuti niyang magpanggap na may amnesia. Minabuti ni Sandro na kupkupin muna ang babae hanggang sa bumalik na ang ala-ala nito at dahil na rin na-love at first sight siya sa taglay nitong kagandahan. Aaliyah wanted to change her life, at nakita niyang matutulungan siya ni Sandro para isakatuparan ito. They fall in love with each other, pero hindi magtatagal ang inaakala nilang masaya at tahimik na buhay nila sa isla. Aaliyah’s secrets will hunt her, this will shake their relationship. Will he still manage to look at her the same way after knowing everything or he will fight for their love?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
You're Hired! Carry My Child

You're Hired! Carry My Child

Sa pagbabalik ni Keith sa Pilipinas, isang surpresa ang inihanda ng kaniyang lola kasabay ng kaniyang ika-dalawampu't walong kaarawan, ngunit ang masayang selebrasyon na ito ay susundan ng mga trahedya na maglalagay sa buhay ng binata sa matinding panganib. Upang matiyak na may magmamana ng lahat ng yaman na mayroon ang kanilang pamilya, isang pasya ang naisip ni Keith—ang maghanap ng babae na walang kaugnayan sa kanilang pamilya upang maging ina ng kaniyang anak sa siyentipikong pamamaraan. Si Merrill—minsang nagligtas sa kaniyang buhay ang naisip niyang alukin. Tinanggap ng dalaga ang magandang offer at kalaunan ay nagdalang-tao. Habang nagkakagulo sa kompanya ng pamilya ng Lee, si Merrill ang naging pahinga ni Keith. Naging malapit sila sa isa't-isa, ngunit si Merrill ay may iba palang plano sa batang nasa kaniyang sinapupunan. Batid niyang sa pamamagitan nito, magagawa na niyang ipaghiganti ang kaniyang yumaong lolo. Sino ba talaga si Merrill? Mali ba si Keith ng pinagkatiwalaan? Sino ang mga nais manakit sa binata at bakit nais ipaghiganti ni Merill ang kaniyang lolo sa mga Lee?
Urban
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status