Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Minsan, Madalas (Life Series 1)

Minsan, Madalas (Life Series 1)

Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata. Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?
Romance
10194 viewsCompleted
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.533.0K viewsOngoing
Read
Add to library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
MALAYA (A Tagalog Story)

MALAYA (A Tagalog Story)

Malaya will never live up to her name. Hindi siya kailanman naging malaya at hindi magiging. Namumuhay siyang tila daga na nagtatago sa malulupit na mga pusa. Sa kagustuhang matakasan ang kinalakhang buhay at mahanap ang kalayaan, napadpad si Malaya sa isang malayong probinsya. Sa kanyang pagtakas, nasumpumgan niya si Thorin Fuentebella— ang binatang kumupkop sa kaniya. Sa pagtira niya sa mansyon nito, napalapit at minahal niya ang lalaki— na walang kaalam-alam sa tunay niyang pagkatao. Subalit nang dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang aminin ang lahat—ang tunay niyang pagkatao at dahilan ng kanyang pagtakas ay hindi niya inaasahang ang binata pa pala ang magtutulak sa kanyang balikan ang nakaraan na ayaw na niyang maranasan...
Romance
1058.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Here Comes the CEO’s Wife

Here Comes the CEO’s Wife

Ang huling tanda ni Alina, kulang na lang ay maglagay siya ng sign na “fresh grad for hire” sa kanyang noo dahil sa hirap makahanap ng trabaho. Kaya laking gulat niya nang magising siya sa langit—este sa ospital pa lang naman. Sumalubong ang mukha ng isang batang lalaki na ‘mommy’ ang itinawag sa kanya! Aangal pa ba siya kung sunod na pumasok sa eksena ang super hot nitong daddy? At parang hindi pa sapat ang pagkawindang, pagtingin sa kalendaryo’y mistulang bumaliktad ang mundo niya. Paano’y limang taon na ang lumipas mula sa huling tanda niya! Parang may nag-fast forward sa kanyang buhay at ngayon, wala siyang choice kung hindi humabol!
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO'S Secretary

The CEO'S Secretary

Bilang CEO ng Montenegro Cars Inc., kilala siya sa kanyang hindi mapaglabanang dominanteng presensya, na nagiging dahilan upang siya ay pagpantasyahan ng maraming kababaihan. Gayunpaman, kilala rin siya sa kanyang malupit na taktika sa negosyo. Ano ang mangyayari kapag nagkrus ang landas niya sa isang babaeng lampa at nakakainis na umabala sa isa sa kanyang mahahalagang board meeting?
Romance
1016.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaires Contract

The Billionaires Contract

Keira is a beautiful, smart, gorgeous, kind at mapagmahal na anak sa kaniyang mga magulang at kahit na siya ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay ay ni minsan hindi siya naging mapagmataas na tao sa kaniyang kapwa. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ni minsan hindi pa sumagi sa isip nya ang pagpapakasal. Pero sa nangyari sa pamilya nya ay kinailangan nyang magpakasal sa taong hindi pa nya lubusang kilala o nakita man lang. Ito ay anak ng isang kilalang bilyonaryong Businessman at ito ay si Daniel Blake Smith. Siya ay matipuno, matangkad at seryosong tao na halos lahat ng kababaihan ay talagang magugustuhan siya. Ngunit iisang babae lang pala ang magpapabago sa kanya. May maganda kayang kahahantungan sa pagitan nilang dalawa? Ano kaya ang maaaring mangyari kapag ang dalawang tao ay pinag-isa sa di inaasahang pangyayari? Mamahalin din kaya nila ang isa't isa o iisang tao lang ang magmamahal?
Romance
9.920.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Brave heart's desire (Filipino)

My Brave heart's desire (Filipino)

rosellemarie0530
Does her Brave heart's willing to endure the pain and hurt for the desire or for the agreement? Naranasan na ni Feona na mabigo at sobrang masaktan sa kanyang pagmamahal sa boyfriend na MVP celebrity basketball player na si James Alvaro. Dala ng kanyang mga dinaramdam napaaga siya ng R and R bilang isang babaeng opisyal ng sandatahan ng Pilipinas. Sa pinagdadaanang kalungkutan at betrayal nagawa niyang aliwin ang sarili sa bar ng isang kilalang hotel, nalasing at nakakilala siya ng isang estrangherong lalaki na ubod ng kisig at gwapo sa bar ng isang sikat na hotel na iyon. Sa nadaramang heartbreak ay nakalimot si Feona sa kalasingan. Ngunit nagulantang siya isang umaga nang magising sa isang di pamilyar na silid at nasa bisig ng lalaking kakakilala niya pa lamang. Hindi akalain ni Feona na muling magkukrus ang landas nila ng estrangherong lalaki. Paano kung may kanya kanya silang advantages at kondisyon para sa isa't isa nang dahil sa naganap sa pagitan nilang dalawa?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status