Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANNULMENT

ANNULMENT

Rainbowgoddess29
Disi-sais pa lamang si Assy no'ng nagkagusto siya kay Clavier Buenaventura na kaniyang boy best friend. Bago namatay ang ina ng binata ay ipinagkasundo itong ikasal sa ibang babae ngunit tumanggi si Clavier. Sa pamamagitan ng laro, ay nagpakasal silang dalawa upang bigyan ng katuparan ang hiling ng inang may sakit. Ngunit sa halos dalawang taon nilang kasal ay puro kalungkutan lamang ang natatamo ni Assy. Nag-file siya ng annulment at kaagad naman iyong pinirmahan ng asawa. Lumipad siya papuntang Canada at doon makikilala ang lalaking magpapatahan sa malungkot niyang puso. Makakamtan na kaya ni Assy ang tunay na saya sa kaniyang pag-alis? Paano kung sa kaniyang muling pagbalik ay naghihintay ang tao na tulad niya'y nasasaktan at nahihirapan? Kaya pa bang pagdugtungin ang naputol nang relasyon? Paano kung malaman niya ang dahilan ng pasakit na dinanas niya? Matuto kaya siyang magpatawad? O habangbuhay dadalhin ang pagkamuhi.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Maalindog na si Teacher Larson

Ang Maalindog na si Teacher Larson

Matapos mahuling may kasamang ibang babae ang kanyang ex-boyfriend, Erika Larson drowned herself to death one night, but was rescued by a man who looks like a greek-god. Isang gabi lang ang pinagsaluhan nila, ngunit pareho na nilang hinanap-hanap ang isa’t isa kaya naman gumawa na sila ng kasunduan—fuck buddies. No strings attached. No feelings involved. Isang kagalang-galang na guro sa isang prestigious catholic kindergarten sa umaga, at tuwing gabi naman ay isang nakakaakit na babae sa ibabaw ng kama ni Logan. Ngunit paano kung ang lalaking kinahuhumalingan niya ay siya palang ama ng isa sa mga batang estudyante niya? Hahayaan niya bang maging isa siyang kabit ng mayamang si Logan Vallejo, o tuluyan na niyang pakakawalan ito? Paano kung huli na ang lahat bago pa man siya makagawa ng desisyon?
Romance
1013.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Warlord series 1: Señorita Mafia

Warlord series 1: Señorita Mafia

Ano ang gagawin mo kung sa murang isipan nasaksihan mo na ang karumaldumal na sinapit ng pamilya mo? Pinatay sa harapan mo. Maghihiganti ka rin ba pagdating ng araw? Sa edad na sampung taong gulang nasaksihan ni Brianna Smith kung paano patayin ang kan'yang magulang at kambal na kapatid sa mismong harap niya. Nakita niya kung paano tumagos ang bala sa ulo ng mga ito. Sinunud siyang barilin ng mga hinding kilalang tao, pero sa kabutihang palad hindi siya tuluyang na sawi. Sa kan'yang pagbabalik bilang si Alexandra Lewis, dala ang galit na bumalot sa kan'yang puso na siyang nag-udyok sa kan'ya upang gumanti. Sisingilin niya ang buhay na inutang ng mga taong sangkot sa pagkamatay ng pamilya niya. "Buhay sa buhay Mr. Lim, pababagsakin kita! Pababagsakin ko ang systema mo, hindi lang systema ng katawan mo kun'di pati ng pinakamamahal mong kompanya! Take my hard revenge..."
Other
104.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Love in the Line of Fire

Love in the Line of Fire

Bata pa lamang si Anya ay ang pangarap nya lamang ay mamuhay ng simple at payapa. Pero mukhang 'di naaayon sa kanya ang kapalaran ng maging ulila at magpalaboy laboy sa lansangan. Hanggang sa ma kindnap siya ng pinaka malaking crime syndicate sa bansa. Kinailangan nyang gawin at sundin lahat ng iaatang na mission sa kanya upang mabuhay. Sa kabila ng lahat ay pangarap nya pa ring mamuhay ng simpleng tao lamang. Isang mission ang nilaan para sa kanya kapalit ng kalayaan nya. Ang magpanggap bilang ibang tao at maging fiance ni Christian Oliver Carter. Paano kaya matatagalan ni Anya ang ugali nito? Magagawa nya kaya ang mission na 'to kong ang lihim ng nakaraan ay mabubunyag? Paano kong hindi na naman sumang-ayon sa kanya ang kapalaran at gusto na namang guluhin ang buhay nya? Makakalaya pa kaya siya sa mundong ginagalawan nya?
Romance
107.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ikaw Lamang

Ikaw Lamang

Nagpakasal si Marga kay Franco the same day after their college graduation. They've been in love with each other since high school days. Mahal na mahal niya si Franco at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito, ngunit nalaman niya pagkatapos ng kanilang kasal na may sakit siya... Breast Cancer. Stage Two. Halos gumuho ang mundo ni Marga. Natakot siya sa magiging reaksyon ng kanyang asawa oras na malaman niya ito. Kaya ng gabing dapat ay honeymoon nila, tumakas siya at nagpakalayo-layo. After thirteen years, muli siyang nagbalik bilang isang successful CEO. Walang sakit, walang cancer. At sa pagtatagpo ng landas nila ni Franco, ang tamis at sakit ng nakaraan ay muling nagbabalik. Pero paano niya ito pakikitunguhan, kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nababakas niya ang tindi ng galit nito? At paano ba niya pipigilan ang kanyang pusong huwag mahulog dito gayong may asawa na ito?
Romance
108.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10572 viewsOngoing
Read
Add to library
His Innocent Courtesan

His Innocent Courtesan

Ms. Caffeine
Gusto lang naman ni Adaline na maging maayos ang buhay. Ngunit dahil sa labis na kahirapan na kaniyang kinamulatan, kailangan niyang tanggapin ang reyalidad. Nakipagsapalaran ito sa syudad ngunit alam niya na walang tatanggap sa kaniya dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa isang alok ng isang babaeng kagaya niya na nagmula rin sa hirap ay sinikmura niya itong tanggapin, alang-alang sa pamilyang pinangakuan niyang bibigyan niya ng magandang buhay. Labag man sa kalooban niya na gawin iyon ay wala na rin siyang ibang ginawa kundi mahalin ang trabaho; ang pasiyahin ang mga kalalakihan gamit ang kaniyang katawan. Dumating ang isang lalaking tinanggap siya sa kahit na gano'n ang kaniyang trabaho, itinuring normal kahit na maruming bagay ang tingin sa kaniya. Ngunit hindi sinasadyang nagdalang-tao ito at sigurado siya kung sino ang ama ng bata. Pero paano? Paano niya sasabihin sa taong iyon? Paano kung hindi maniwala ang lalaking iyon? Gagawin niya kaya ang panibagong kasalanan? o paninindigang mag-isa ang batang nasa sinapupunan?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
SECRETLY IN LOVE WITH YOU

SECRETLY IN LOVE WITH YOU

Simula pagkabata ay lihim ng minamahal ni Marycole si Rowan Martinez. Ngunit hindi ito makita ng binata, kahit na magpapansin siya dito ay dedma lang ang beauty niya. Hanggang sa sumapit ang debut niya at hiniling sa lalaki na maging last dance niya ngunit binigo siya nito. Mula noon ay iniwasan na niya ito dahil tanggap niya na kahit kailan ay hindi siya nito magugustuhan. Hanggang sa nagtungo siya ng ibang bansa upang tanggapin ang opportunity na maging isang sikat na modelo. Paano kung may pagkakataon na matupad ang matagal na niyang inaasam na pagibig? Susugal kaya si Marycole kung alam niyang simula noon ay hindi niya maaangkin ang puso nito. Paano niya paninindigan ang nakatago niyang pagmamahal sa lalaki kung araw-araw niya ito makakasama at makikita? Paano kung lingid sa kaalaman niya ay pareho silang may damdamin sa isa't -isa? Mananatili kaya nilang maitatago ang siyang sinisigaw ng kanilang puso? How does Marycole Barraca keep from Rowan Martinez that she is Secretly in love with him from a long time?
Romance
1094.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Contracted to a Single Dad

Contracted to a Single Dad

Si Lia Constantino ay isang ulila at bayarang babae na nagtatrabaho sa isang club upang suportahan ang kapatid niyang may malubhang sakit. Nang kailanganin ng kapatid ang isang kidney transplant na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso, hindi na alam ni Lia kung paano makakakolekta ng ganitong halaga. Hanggang isang gabi, isang misteryosong lalaki, si Dr. Rabino Castillon, ang CEO ng CST Medical Center at isang single dad na may kambal, ang lumapit sa kanya. Nag-alok ito ng limang milyong piso kapalit ng isang kasunduan: magiging asawa siya ng doktor sa loob ng isang taon at magpapanggap bilang ina ng mga anak nito. Dahil sa hirap ng sitwasyon, at para sa kaligtasan ng kapatid, pumayag si Lia. Ngunit habang nagsisimula silang magsama sa isang bahay, unti-unting nahulog ang loob ni Lia kay Dr. Rabino—isang lalaking mahirap maabot at wala ng interes sa babae. Ngunit kung kailan nahulog ang loob ni Lia sa binata ay siya namang pagbabalik ng dati nitong asawa. Ipaglalaban pa rin ba niya ang pagiging asawa, kahit na ang kasal nila ay isa lamang kontrata? At paano kung may sekreto palang tinatago ang kanyang asawa?
Romance
10654 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Escort

The Billionaire's Escort

"Hindi ko ibababa ang sarili ko at magtatrabaho sa ganiyang trabaho!" Ito ang salitang palaging sinasabi ni Alina sa kaibigan na si Breeze nang alukin siyang magtrabaho sa Midnight Haven. Ngunit nilunok niya lahat ng binitiwan niyang kataga nang gipit na gipit siya. Naging VIP escort siya sa isang gabi sa bilyonaryong si Eros Ramazzotti kapalit ng kalahating milyon. Sobra-sobra pa ito sa pang-tuition at thesis niya. Subalit paano kung dahil sa isang gabi na ito ay magbabago ang agos ng buhay niya? Paano kung biglang sumulpot ang lalaking pinagsilbihan niya ng gabing iyon at sumulpot sa apartment niya at inaalok na maging exclusive escort nito? Ano ba ang mas matimbang? Ang dignidad na gusto niyang ingatan kahit alam niyang nasira na o ang tawag ng laman na pilit sinisigaw ng damdamin niya pagkatapos niyang matikman ang sinasabi ng kaibigan niyang langit?
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status