Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BLIND HITMAN (SPG)

THE BLIND HITMAN (SPG)

WARNING: THIS STORY MAY CONTAIN SEXUAL AND STEAMY ACTIONS, FRAUDULENT AND CRIMINAL ACTS, FOUL WORDS AND OTHER ILLEGAL DOINGS. VIEWER DISCRETION IS ADVISED. Dahil sa isang engkwentrong naganap sa kanilang delikadong misyon ay nabulag si Ramiro Castillejo at siya’y inalis sa Black Underground Organization. He worked alone, he became an outcast. Sa kanyang galing sa pagiging assassin ay nabansagan siyang “The Blind Hitman” ng mga taong nakakakilala sa kanya ngunit meron siyang isang napakalaking problema, iyon ay ang organization na binalikan siya at ngayon ay nakikita siya bilang isang kaaway at isang malaking banta na dapat ng patahimikin at iligpit. Dahil sa pagbabanta ng organization sa kanyang buhay ay natagpuan niya ang sarili sa isa sa mga malalaki at maiimpluwensyang crime family sa Pilipinas, iyon ay ang Casa Clemente at ang tumatayong Don ay ang matalik niyang kaibigan na si Aarav Clemente. Pinangakuan siya nito ang kayamanan at proteksyon sa isang kundisyon, iyon ay ang patayin ang kalabang crime family ng mga Clemente, ang mga Fortez at ang main target nito si Don Octavio Fortez. Handa na sana siyang patayin ito at gawin ang pinapatrabaho ni Aarav ngunit isang babae ang sisira ng mga plano niya. Si Eleizha Fortez na nag iisang anak ni Don Octavio. Eleizha is smart, fun, sweet and a cheerful lady at hindi niya akalaing anak ito ng mafia boss dahil mabait ito at mapagmahal. Nagustuhan at tinanggap siya ni Eleizha sa kabila ng kanyang kapansanan at ngayon lamang siya nakaramdam ng ganon sa tanang buhay niya. Magawa niya pa kayang patayin ang tatay nito kung may espesyal na puwang na sa puso niya ang dalaga?
Mafia
1010.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Naive Bride For The Sophisticated CEO (Filipino version)

A Naive Bride For The Sophisticated CEO (Filipino version)

Authoress Ti Fe
Matapos ang pagkamatay ng kanyang mga magulang, si Amelia ay nabalian at nakulong. Kinuha siya ng kanyang mapagmahal na tiyuhin upang alagaan siya, ngunit hindi pa handa ang kanyang mga pinsan na tanggapin siya bilang pamilya. Ginawa nilang miserable at hindi mabata ang kanyang buhay. Pangarap niyang makatakas sa miserableng buhay na ito at magkaroon ng magmamahal sa kanya balang araw, ngunit tila napakaimposible. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago nang ihagis sa kanya ng kanyang tiyuhin ang isang sorpresang party, at nagkamali siyang nagnakaw ng isang halik mula sa isang mahalaga, kapansin-pansin ngunit mayabang na bilyonaryong CEO. Nagiging may utang na loob siya sa magarbong lalaking ito at kailangan niyang magbayad. Ngunit ano ang maibibigay ng isang mahirap na babae sa isang napakahusay na lalaki? Si James Parker ay isang sikat na bilyonaryong CEO, na pangarap ng bawat babae. Binubugbog niya ang sinumang babae na gusto niya. Ang mga babaeng ito ay kailangang maging maganda at sunod sa moda bago niya maisip na magkaroon ng anumang bagay sa kanila. Kung isasaalang-alang ang kanyang katayuan at kayamanan, hindi niya hahayaang mawala si Amelia, hindi pagkatapos na dumampi ang kaawa-awang labi nito sa mamahaling labi. Pinapanatili niya itong malapit sa kanya at pinahihirapan siya sa iba't ibang paraan para sa kanyang krimen. Ano ang gagawin ni Amelia kapag kailangan niyang maglakad patungo sa bilyunaryo na hindi niya nakitang kinabukasan, para lang mabayaran ang pagkakamaling nagawa niya? Makakamit kaya ni Amelia ang pag-ibig sa kanyang buhay na lagi niyang hinahangad? Ano ang mangyayari kapag nalaman niyang nagsinungaling siya sa buong buhay niya tungkol sa kanyang mga magulang?
Romance
4.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Chasing the Mafia Boss Lover

Chasing the Mafia Boss Lover

Thale01
Si Antoniette Ramos ay isang dalagang mag-isa na lamang sa buhay. Nag-iisang anak lamang siya nina Criselda at Antonio. Subalit ang buhay ni Antoniette o mas kilala sa nickname na Toni ay hindi normal gaya ng sa ibang tao. Halos kasi kalahati ng buhay niya ay panay na lamang siya tumatakas o tumatakbo sa mga taong ginawan ng kanyang ama ng atraso. Upang tuluyang makalayo sa mula sa mga humahabol sa kanya ay nagdesisyon siyang manirahan sa isla ng Siquijor kung saan ni isa man ay walang nakakakilala sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makikitang muli roon si Elton, ang lalaking sumagip sa kanya mula sa kapahamakan. Ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Elton ay nauwi rin kalaunan sa pag-iibigan ngunit sabi nga nila, walang sekreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay biglang nagpakita ang ama ni Toni sa kanyang pinapasukang restaurant. Hindi na nag-aksaya pa ang kanyang ama ng oras. Kaagad nitong sinabi sa kanya ang totoong pagkatao ni Elton. Bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Toni. Siya mismo ang humanap ng ibendensyang makapagpapatunay. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang litrato sa wallet nito. Hindi rin niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Elton at ng boss nito na si Franco. Doon ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit, muli siyang nalagay sa alanganin at muli ay nailigtas siya ni Elton. Subalit, pagkatapos niyon, lumayo si Toni mula kay Elton dahil para sa dalaga ay hindi sila nababagay sa isa’t isa. Pinili niya ang mabuhay nang malayo kay Elton kahit sa paglipas ng mga araw ay lalong humirap para sa kanya ang hindi makasama si Elton. Sa huli ay hindi rin niya natiis ang desisyong layuan si Elton. Muli silang nagtagpo, sa pagkakataong iyon ay nagsama sila kasama ang magiging anak nila.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

Sa ikatlong taon ng kasal ni Demux at Aimee. Hindi inakala ni Aimee na doon niya malalaman ang matagal ng gustong malaman tungkol sa kanyang asawa. Sa wakas natuklasan ni Aimee kung sino ang lihim at pinakatagong mistress ni Demux. Hindi na pala kailangan lumayo ni Aimee. Dahil ang babae ng kanyang asawa ay walang iba kundi ang kanyang hipag. Si Bella pala ang babaeng matagal ng hinahanap ni Aimee na siyang nagpapahirap sa pagsasama nilang dalawa. Nang gabing pumanaw ang panganay na kapatid Aimee wala man lang makikita na awa, simpatsa, lungkot at malasakit sa mga mata ni Demux. Kahit pa kitang kita sa asawa nitong si Aimee ang labis na sakit at pangungulila dahil sa pagkawala ng kapatid nito. Mula ng araw na ‘yun prinotektahan ni Demux at Aimee ang asawa ng kanyang kapatid na si Bella sa lahat. Ngunit isang ahas pala ang inaalagaan ni Aimee ng lubos. Dahil sa nalaman ni nais ni Aimee na malaman mula sa dalawa ang totoo, kinausap niya ang mga ito. Nalaman ni Aimee na planado talaga ang lahat. Imbis na kalinawan ang makuha sa paghahanap niya ng katotohanan, sakit at kawalan ng respeto sa kanyang sarili ang kanyang nakuha. Demux proposes an urgent divorce. Dahil wala naman ng nakikitang bukas si Aimee sa lalaki agad niya itong sinang-ayunan. Walang nakuha si Aimee mula sa asawa. But Demux make sure na nakuha niya sa babae ang lahat. Ngunit sa likod ng kabiguan at betrayal na nakuha ni Aimee may isang lalaki ang nag-aabang ng tyempo para makamit na ang pangarap na kaligayahan kasama ang babae. Ang lalaki ay kilalang Big Boss sa business world. And that man named Eleazar Medrano. The man who can make the universe scream in so much fear, sa isang bitaw lang ng salita.
Romance
106.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
WHAT IS LOVE? (Tagalog)

WHAT IS LOVE? (Tagalog)

isang college student ang nakipag one-nigh-stand sa lalaking hindi nito kilala dahil sa kalasingan.matapos ang gabing yun wala nasilang naging connection sa isa't isa.dahil sa tingin nila ay isa lamang itong kasalanan.makalipas ang ilang taon muli silang pagtatagpuin ng tadhana.hindi niya akalain na ang lalaking yun ay billionaire.at magiging boss niya.malinaw sakanila ang nangyare noon ngunit hindi nila matandaan ang isa't isa.nag-trabaho ang babae bilang secretary nito.kahit hindi niya alam na ang lalaking boss niya ay ang lalaking kumuha ng pagkababae niya.sa kagwapohan na katangian at mala Wattpad na appearance ng lalaki ay unti-unting nahulog ang babae.pilit niyang itinago ang nararamdaman niyang pagtingin sa kanyang boss.hanggat dumating ang oras nalaman niya na ang boss niya ang naka one-night-stand niya.Maraming hadlang sa pag ibig ni julia lalo nung dumating ang magulang nung lalaki.Na walang ibang gusto kundi maikasal ang kanyang anak sa mayamang babae.pilit siyang inilayo ng magulang nito.lahat ng kapangyarihan nito ay ginamit niya para lang paglayuin ang dalawa.umabot nasa pinapatay niya ang secretary nito at ipinatapon.Maraming kwento ang ginawa ng magulang para tuluyan ng kasuklaman ang babae.Makalipas ang dalawang taon muling nagbalik si julia para maghiganti sa mga umabuso sa kanya.at lalo nasa dati niyang boss/lover.inakala ng magulang ay patay na ito.pero ang hindi niya alam ay may tumulong dito para mag higanti.dalawang taon din itong nasa US.at kasama nadun ang plano niyang paghihiganti.ang tumulong sa kanya ay anak ng sikat na company sa US.binigyan siya ng position bilang isang vice-president.bumalik siya ng may matigas na puso at palaban.ginamit niya ang mapang-akit niyang kagandahan.ng saganon ay makuha niya ang lahat ng kayamanan nito at wala siyang ititira lahat sisimutin niya.
Romance
1017.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Accidentally Married to a Billionaire

Accidentally Married to a Billionaire

Para kay Tyra Reign Agustin, ang kasal ay isang mahalaga at sagradong seremonya na dapat pahalagahan ninuman. Samantala, iba naman ang pananaw ni Damien Alistair Prescott sa bagay na ito. Para sa kaniya, ang kasal ay walang importansiya at hindi dapat gaanong bigyan ng pansin. Nang makipaghiwalay si Tyra sa kaniyang dating nobyo na si Ethan Alexander Carter ay nakilala niya si Damien Alistair Prescott — isang hot bachelor CEO ng Prescott Nexus, na kilala bilang isa sa nangungunang maipluwensiya at makapangyarihang kumpaniya sa bansa. Ang kanilang unang pagkikita ay hindi pangkaraniwan. Suot ang pang-guwardiyang uniporme ay tumakas si Damien sa inihandang kasal ng kaniyang ina para sa kaniya, at sa kaniyang pagtakas ay nakasalubong niya ang umiiyak at lasing na si Tyra Reign. Dahil sa kagustuhang makatakas sa pangingialam ng kaniyang ina sa kaniyang buhay pag-aasawa ay walang pasubaling inalok ni Damien ng kasal si Tyra. Dala ng kalasingan at maling akala ay pumayag si Tyra na pumirma sa isang marriage contract. Sa kabilang banda ay naisip ni Damien na baka si Tyra na ang kaniyang hinahanap, dahil sa agaran nitong pagpayag sa kaniyang alok na pagpapakasal ay nagustuhan niya ito sa hindi malalim na paraan. Nakasuot lamang siya noon ng pang-guwardiyang uniporme ngunit nagawa pa ring sumang-ayon ni Tyra, para sa kaniya, ang babae ay ibang-iba sa nire-reto ng ina. Sa paglipas ng panahon ay nagkamabutihan sila, naging opisyal ang kanilang relasyon kahit pa hadlang dito ang pamilya ni Damien — lalo ang sariling ina nito. Ngunit dahil sa kaniyang pagmamahal kay Tyra ay nagawa niyang sumuway at labagin ang kagustuhan ng pamilya. Subalit ang kaniyang pagmamahal ang magbibigay rason kay Tyra upang iwan siya nito, bitbit ang isang sanggol na susunod na magmamana ng lahat ng mga kayamanan ng mga Prescott.
Romance
10569 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
456789
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status