Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Into The Dark

Into The Dark

Totoy
Lumaki si Syrie sa isang mundong kakaiba sa kung ano siya. Nabuhay siya na nakapalibot sa kaniya ay mga bampira. May matitilos na pangil, mahahabang kuko at mapupulang mga mata. Kakaiba sa dapat nakikita niya. Kakaiba sa dapat mundong kinabibilangan niya. Labis iyong pinagtaka ni Syrie na pinagtapat naman sa kaniya ng mga kinikilala niyang magulang. Napulot daw siya ng mga ito sa gitna ng gubat. Inabandona raw siya. Iminulat ng mga magulang ni Syrie ang isip niya na ang mga taong lobo ay kalaban.    Napatunayan iyon ni Syrie nang masaksihan niya kung paano pinatay ng mga taong lobo ang kinikilala niyang mga magulang. Ang mga taong lobong kagaya niya ang kumitil sa mga magulang niya. At buo ang puso niyang ipaghiganti ang mga ito. Hahanapin niya ang mga pumatay sa kanila. Hahanapin niya ang mga taong lobong may ukit na buwan sa kanilang mga braso.    Pero paano kung matagpuan niya ang lalaking pumatay sa mga magulang niya pero huli na dahil mahal na niya ito? Makakaya kaya ni Syrie na patayin ang lalaking minamahal o paiiralin ang pagmamahal na bumuhay sa buo niyang pagkatao?
Other
1014.1K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (28)
Baca
Tambahkan
Jenyfer Caluttong
Mahilig talaga ako sa mga story about sa mga lobo at Vampire kaya nga naghahanap ako ng book na pwedeng basahin ni recommended ng kapatid about dito sa story ng Into the Dark kaya sinubukan kong basahin at di ako nagsisi kasi parang dinala ako ni author sa mundo nila habang nagbabasa ako
Bhie Rambonanza In
based on what I read on this story I'm so excited to know more about vampire and wolf especially about what had happened from the past of Syrie, the story is very interesting and I'm so eager to read until the end of the story even I'm busy, sobrang galing ng author na to, ang lawak ng pag-iisip......
Baca Semua Ulasan
The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
Romance
10543.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
REVENGEFUL HEART

REVENGEFUL HEART

Sheena Santillian, isang simpleng guro na mula sa mahirap na pamilya. Hindi sinasadyang nalasing sya sa isang kasiyahan na naganap sa kanilang eskwelahan kasama ang ibang guro at kaibigan. Dinala sya ng mga ito sa isang pribadong opisina ng kanilang boss, upang mahimasmasan dahil sa pag aakalang out of the country ito. Ngunit bigla itong sumulpot at nakita ang dalagang natutulog sa kanyang opisina. Dahilan upang di sinasadyang may mangyari sa kanila at nag bunga ang minsan nilang pag sasama ng triplets na babae. Matapos maka panganak si Sheena ay nasunog naman ang hospital at sinabing kasama ang kanyang triplets sa mga nasawi. Masuwerteng naka ligtas sya, ngunit sunog naman ang kanyang kalahati ng mukha at katawan. Halos mawalan na sya ng pag asa ng may isang taong nag alok sa kanya ng tulong. Makalipas ang ilang taon ay muli syang nag balik upang maningil sa mga taong dapat pag bayarin sa nangyari sa kanyang anak. Ngunit natuklasan nyang buhay ang mga ito. Mabawi pa kaya nya ang kanyang triplets? Paano sya lalapit sa mga ito kung hindi naman sya kilala ng kanyang mga anak? At malaman pa kaya ng ama ng kanyang mga anak ang tungkol sa kanya kung may isang tao na palaging hadlang sa mga plano nya?
Romance
1021.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE GAME MAKER (SPG)

THE GAME MAKER (SPG)

BLACK MAFIA SERIES Warning: Hard SPG ️ The real Mafia does not valued honor and loyalty. Guns, drugs and money. He drawn by a lust for power. Tristan Geller o Dos ang tawag sa kan'ya ng mga kaibigan niya. Ang bilyonaryong walang kinatatakutan kung sino man ang kan'yang babanggain pagdating sa mga illegal na negosyo. Pinasok niya ang negosyo sa pagbibinta ng mga matataas na klaseng mga baril, pagbibinta ng iba't ibang klase ng drugs at pagpapatayo ng mga sugalan. Matalino, tuso at magaling maglaro pag dating sa mga kalaban niya sa negosyo. Pero paano kung ang katapat niya lang ay ang inosenteng babae na walang kaalam-alam sa mundo. Si Kath Antonio, na nagtatrabho sa kompanya ni Lewis Kingston. Naging magulo na ang mundo niya nang makilala niya si Tristan Geller dahil sa kanyang katangahan na akala niya boyfriend ng kaibigan niya nagtaksil, kaya sinampal niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi niya lubos akalain na sobrang yaman ng lalaking ipinahiya niya. Pinakidnap siya at doon nagsimula ang kan'yang miserableng buhay.
Romance
10300.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Hidden Heirs

The Billionaire's Hidden Heirs

Warning: This story is not suitable for young readers. It includes scene of abuse, violence, self harm and sexual assault. If these topics are triggering for you, please skip this story. Reading discretion is strongly advice. Eummeriah Ferrer, isang sikat at magaling na artista ng bansa. Masunurin din siya at palakaibigan. Lumaki siyang may pagmamahal sa mga tao, sobrang galing makisama. Ngunit hindi niya akalain na ite-take advantage ang kabaitan niiya. Makikilala niya si Gabrielle Sanchez, siya ang dahilan sa lahat ng gulo na nararanasanan niya. Ngunit ito din ang katuwang niya upang malaman ang totoong kulay ng mga taong minahal niya ng sobra. Makikilala nga ba ni Eumerriah ang tunay na katauhan ng mga tao? Maniniwala pa nga ba siya sa mga pinapakita ng mga ito o magsisimula na siyang pagdududahan ang lahat? Maniniwala pa ba siya sa pagmamahal pagkatapos malaman na kaya siyang pagtaksilan ng mga taong minahal niya ng sobra? Makukuha ba ni Gabrielle ang pusong sugatan ni Eumerriah para pagalingin? O maninindigan si Eumerriah sa bagay na alam niya ay tama.
Romance
108.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Dove of The Lost Lands

The Dove of The Lost Lands

cedriannakhaile
Sa Bayan ng Satrosa, ang bayan ng mga alipin. Hindi na bago sa mga katulad ni Yonahara ang matanaw sa araw at marinig sa gabi ang lamat ng kaharasan mula sa mga taong nasa posisyon sa mga katulad niya. Sa pagitan ng buhay at kamatayan, bilang alipin iyon ang tanging pagpipilian niya. Subalit paano kung maliban sa dalawang iyon ay may isa pa siyang pagpipilian? Manatiling alipin habangbuhay o maging reyna sa ibang emperyo kung saan ay dapo lamang siya? Sa lugar na puno ng dugo't mga yumao. Sa lugar na puno ng mga naligaw at naiwan, at sa kanyang pagbabalik. Kapayaan at kalayaan nga kaya'y lilipad at makakamtam mula sa matagal nitong karimlan?
Romance
102.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Hiding The Consigliere's Baby (Gorgeous Men Series 3)

Hiding The Consigliere's Baby (Gorgeous Men Series 3)

She is the future mafia heiress but because of her real father's identity and dangerous line of work, her family keep it to her. Being the unwanted daughter, Jaydah May Angeles, grew a rebel and a feisty woman, she is the epitome of a war goddess, walang sinasanto, palaban at hahamakin ang lahat para sa pag-ibig, sa kanyang pagrerebelde ay makikilala niya si Kent Saavedra, a good for nothing bastard na Consigliere ng isang Mafia Queen, minahal niya ang binata ngunit ito ay salawahan at hindi nakuntento sa iisang babae kung kaya't iniwan niya ito at lumabas ng bansa at doon ay nalaman niyang buntis siya at ito ang ama ng batang dinadala niya. Alam ni Jaydah na hindi tatanggapin ng mga magulang niya ang bata at ang lalaking kanyang pinakamamahal kung kaya't napagdesisyunan niyang itago ang kanilang anak sa States. Because of Jaydah's decision, she left Kent a broken man dahil totoong minahal niya ang dalaga. Kent hated her to death to the point that he became cold and arrogant. Five years later, Jaydah came back with her son and they met again. Sinabi ni Jaydah na ampon niya ang bata ngunit nalaman ng kanyang pamilya na nagsinungaling siya na siyang nagpasimula ng sigalot sa buong crime family na kinabibilangan ni Kent. Makatanggi pa kaya si Jaydah kung buhay niya na ang nakasalalay at ang mismong anak niya na ang nagmamakaawa sa Daddy nito na pakasalan siya?
Romance
103.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
Romance
10718 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Carmela Beaufort
Isang dakilang nakatatandang kapatid kung ilarawan Celes ng maraming nakakakilala sa kanya bukod sa maraming sakripisyong ginawa niya upang mabigyan lamang ng magandang buhay at mapag-aral ang mga kapatid na halos makalimutan na niya ang sarili, lahat 'yon ay ginusto niya dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Ngunit isang pangyayari ang gumimbal sa kanya nang may isang pangyayari ang naghatid ng matinding takot sa kanya na maaaring nasa kapahamakan ang mga ito. Dahil doon ay nagmamadaling bumalik siya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito nang mapag-alaman niyang ilang araw ng nawawala ang mga ito. Agad naman niyang hinanap ang mga ito hanggang sa napadpad siya sa isang malaking mansyon sa kanilang kabayanan. Sabi ng may-ari niyon ay hawak nito ang kanyang mga kapatid at hindi umano ibabalik kapag 'di niya sinunod ang gusto nito—na magpanggap siyang isa sa kanyang mga kapatid. Hanggang saan aabot ang pagsasakripisyo niya mabawi lamang ang mga kapatid, gayong kaakibat niyon ay lolokohin niya ang lalaking naiwan din noon sa Maynila?
Romance
103.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
822 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2021222324
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status