Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE RUNAWAY WIFE’S RETURN WITH SECRET BABIES

THE BILLIONAIRE RUNAWAY WIFE’S RETURN WITH SECRET BABIES

Ipinilit ng Lolo ni Travis Buenavides ang kasal niya kay Phoebe, pero para kay Travis, kontrata lang iyon na walang halong pagmamahal. Kaya mula sa simula, malamig ang trato niya sa asawa. Ngunit noong araw na inalok niya si Phoebe ng agreement, iyon din ang araw na ginamit siya ng babae! At pagkatapos ay bigla itong naglaho nang limang taon. Buo ang pangako ni Travis. oras na bumalik si Phoebe, hindi ito makakaligtas sa kanyang paghihiganti. Pagbalik ng runaway wife niya, sinimulan ni Travis na pahirapan ito. Pero isang nakagugulat na katotohanan ang nadiskubre niya, si Phoebe pala ang matagal na niyang first love, ang Elusive Doctor na matagal niyang hinahanap… at ina ng tatlong anak na itinago sa kanya. “Are you telling me… she’s my first love, the Elusive Doctor I'm looking for, and my wife?” “Yes, boss.” “Then what are you waiting for? Ready the car. I’ll bring her home.”
Romance
409 viewsOngoing
Read
Add to library
Dinala Ako ng Pag-ibig sa Kamatayan

Dinala Ako ng Pag-ibig sa Kamatayan

Nakulong sa elevator sa loob ng kalahating oras ang kababata ng asawa ko. Sa galit niya, ipinasok niya ako sa loob ng isang maleta at ikinulong ako sa loob. “Doble ang pagbabayaran mo sa lahat ng pagdurusang pinagdaanan ni Grace.” Napilitang mamaluktot ang katawan ko. Nahirapan akong huminga. Umiyak ako habang humihingi ng tawad, pero ang napala ko lang ay ang malamig na tugon ng asawa ko. “Pagdaraanan mo ang buong parusang ‘to. Kapag natutunan mo na ang leksyon mo, magtatanda ka na.” Pagkatapos ay kinandado niya ang maleta sa aparador. Sumigaw ako sa desperasyon at nagpumiglas para makawala. Tumagos ang dugo ko sa maleta at bumaha ang sahig. Makalipas ang limang araw, naawa siya sa akin at nagpasyang wakasan ang parusa. “Hayaan mong maging babala sa’yo ang parusang ‘to. Sa pagkakataong ito, pakakawalan na kita.” Hindi niya alam na inaagnas na ang katawan ko sa loob ng maleta.
Short Story · Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Wife For Sale

Wife For Sale

Bernadette Ortilano
Si Miguel ang sumalo kay Judy Ann noong panahong tinapon siya na parang basahan ng pamilya ng ex niya pagkatapos niyang manganak. Sa una ay maganda ang pakikitungo sa kanya nga asawa ngunit ng maging mabisyo ito ay siya na ang sumalo ng lahat ng gastusin. Nang dahil sa utang na loob ay mas pinili niyang mag-stay sa asawa ngunit hindi niya alam na nagawa siyang ibenta ni Miguel sa boss nito na lingid sa kaalaman niya ay ex ni Judy Ann na nanakit sa kanya noo. Sa muli nilang pagkikita ng asawa marami siyang natuklasan at isa na doon ay ang pagkakaroon nila ng anak na kambal na ang boung akala niya ay batang lalaki lang ang anak nila. Gusto siyang muling bawiin ng asawa kay Miguel dahil hindi nito dinagdagan ang hirit niyang dagdagan ang perang pinambayad nito Kay Judy Ann. Sino ba ang mas karapatan ang asawa o ang ex at may anak sila?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE ATTORNEY's WIFE

THE ATTORNEY's WIFE

Pagkatapos ng limang taong paninirahan sa New York, napilitang umuwi ng Pilipinas si Elysia Samonte dahil sa pamimilit ng kanyang ina.Nakapagtapos s'ya sa New York University at isa s'yang sikat na Modelo sa ibang bansa, lingid sa kanyang kaalaman naka-arranged marriage na pala s'ya sa lalaking nag ngangalangang Xavi Hernandez na s'yang kinababaliwan n'ya noon. Isa itong babaerong abogado, at ang tingin kay Elysia ay isang babaeng magaling mang-akit ng mga lalaki dahil isa 'din s'ya sa naakit sa ganda ng dalaga. Dahil sa pamimilit ng kanilang mga ina kaya napilitan silang magpakasal sa isa't-isa ngunit para kay Elysia at Xavi sa lamang na paligsahan ang kasal kong sino ang unang bibigay sa kanilang dalawa ay s'yang matatalo. Si Xavi Hernandez kaya ang unang mahuhulog sa mapang-akit na ganda at alindog ni Elysia? O baka naman si Elysia Samonte ang mauunang mahulog sa mapanlinlang na kilos ni Xavi?
Romance
9.588.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Hindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya lamang sa buhay. Pagkatapos nito sa kolehiyo at makapasa sa Civil Service Exam ay nakakuha siya ng magandang trabaho bilang isang Support Specialist sa BIR tuwing umaga at ang kanilang pangarap ng kaniyang mga kaibigan na makadevelop ng sarili nilang laro ang inaatupag niya tuwing gabi. Bilang pangako sa kaniyang magulang ay nag-iipon siya ng malaking halaga upang maipaayos ang kanilang munting tahanan na kaniya ring inaasam. Habang naghihintay sa kaniyang katrabaho sa isang fountain ledge ay may isang magandang dalaga na bumihag agad sa kaniyang puso't paningin. Paano kaya niya mapapasagot ang dalaga kung wala pa siyang kayang patunayan sa lahat? Lalo na't ang kaakibat ng pagmamahal sa dalaga ay kailangan lumalangoy rin siya sa dagat ng kayamanan. Mananaig pa rin ba ang puso sa isang taong mayroong pitakang butas?
Romance
10528 viewsCompleted
Read
Add to library
Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]

Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]

Vernice Zhōu- Isang babae na may pusong lalaki, isang anak na naghahangad ng attention mula sa kanyang ama. Isang tao na labis na kinasusuklaman ng kanyang angkan dahil sa pagiging babae nito. Naging nobya niya ang kababata na si Marjorie at halos buong buhay niya ay inilaan sa nobya. Isang matinding kasawian ang natamo ni Vernice ng matuklasan na niloloko siya nito at pumatol ito sa totoong may sandata. Sadyang malupit ang mundo para kay Vernice dahil pagkatapos siyang lokohin ng girlfriend ay natuklasan niya na ipinagkasundo siya ng kanyang pamilya sa isang mayaman na negosyante, bilang kabayaran sa utang ng pamilya at anya upang mawala ang kamalasang idinulot niya noong isilang siya sa mundo. Kung kailan handa na sanang tanggapin ni Vernice ang kasal ay saka naman nangyari ang hindi inaasahan. Isang gabing pagkakamali na siyang sisira sa marriage agreement ng kanyang pamilya sa pamilyang Hilton at siguradong tuluyan na siyang itatakwil ng kanyang angkan…
Romance
1019.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Pagkatapos ng pag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Amerika, bumalik si Aricella Vermillion sa Pilipinas para magbukas ng isang financial company kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Siya ay parehong shareholder at direktor. Siya ay kinidnap noong isang taon at iniligtas ni Igneel Mauro, isang pulubi. Upang mabayaran ang kanyang kabaitan ni Igneel, inalok niya si Igneel na maging asawa niya. - Ang tagapagmana ng pamilyang Rubinacci ay pinaalis sa pamilya 10 taon na ang nakakaraan para sa isang pagsubok na ibinigay ng pamilya. Naging pulubi sa loob ng 9 na taon sa ilalim ng interbensyon ng pamilya hanggang natagumpayan niya ang pagsubok. Matapos siyang mailigtas ay pumasok siya sa buhay ni Aricella at naging manugang ng pamilya ni Aricella. Ano nga bang mangyayari sa buhay ni Igneel sa puder ng bagong pamilya o pamilya nga ba ang turing sa kanya? Alamin ang kuwento ni Igneel at ni Aricella .
Romance
9.676.6K viewsCompleted
Read
Add to library
You Broke Me First

You Broke Me First

Diosa Mei
Nagkamali si Yhzel nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Menard. Naniwala siya sa matatamis nitong salita ngunit sa huli ay sinaksak siya nito ng patalim mula sa likuran. Pagkatapos nitong makuha ang lahat ng kayamanan niya ay saka nito inilabas ang mga sungay na hindi niya nakita dahil sa pagkabulag sa pagmamahal dito. Nalaman niyang matagal ng may relasyon sina Menard at ang sekretarya niyang si Sasha. Hinayaan niyang isipin ng mga itong patay na siya para sa kanyang pagbabalik ay pagbayarin niya ang mga ito sa kahayupang ginawa sa kanya. Walang puwang sa puso niya ang pagmamahal hangga’t hindi niya naipaghihiganti ang kahihiyang ipinalasap ng mga ito sa kanya at ang muntikan nang pagpatay ng mga ito sa kanya at sa kanyang anak. Ngunit mapipigilan nga ba ang puso? Kung sa tuwing kakailanganin niya ng lakas at masasandalan ay nariyan ang isang Rhett Montezar na handa siyang protektahan at ipaglaban sa kahit na sinong gustong manakit sa kanya?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Quit Playing Games (Tagalog)

Quit Playing Games (Tagalog)

"Sabihin na lang natin na pagod na ako sa paglalaro at nais kung tigilan na ito? Gusto kong mapalapit sa iyo dahil gusto kita. Nais kong malaman kung pareho ba tayo ng gusto o mali lang ang interpretasyon ko sa kilos mo?" "Hindi, tama ka," pag-amin niya. "Pero nitong hapon lamang ay sinabi mo na ako ay isang komplikasyon na hindi mo kailangan." "Over-analyzing is second nature to me. It’s helps me more often than I care to count. Ngunit hindi sa pagkakataong ito." "Parang hindi naman ganoon iyon," masuri niyang sinabi. "Marahil ay narealized mo lamang na walang magandang patutunguhan ang pakikipagrelasyon sa akin." "I don’t care about the future. Ang tanging mahalaga lamang ay kung ano ang narito at ang ngayon. " Humakbang siya patungo sa kanya, pagkatapos ay isa pa, hanggang sa halos malanghap na niya ang halimuyak ng kanyang balat. “Ano ang masasabi mo, Lara?" he asked hoarsely. "Handa ka bang makipagsapalaran sa akin?"
Romance
109.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
Romance
10990 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
25
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status