Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney

The Contractual Wife 2: The Cold Hearted Attorney

"Bumalik ka na sa akin, Chantal.. pangako, walang anumang namamagitan sa amin ni Laurice.. kababata ko lang siya, isang kliyente.." nagsusumamo si Calvin kay Chantal. "Ano bang akala mo, Calvin? hiniwalayan kita ng dahil lang diyan? hindi siya ang problema, ikaw! ang pagtakas mo sa ating mga alitan at ang pag ignore mo sa akin sa tuwing nagagalit ka, ang pagiging malamig mo, iyan ang problema ko sayo! Ikaw ang nagmulat sa akin, kung gaano kapangit magpakasal, kaya ngayon, natatakot na akong magmahal!" saka nagmamadaling hinila niya ang kanyang kamay palayo sa lalaki. Nanatiling nakaluhod si Calvin. Ang kanyang malamig na emosyon ay napalitan ng lungkot.. umagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa loob ng maraming taon.. ngayon lang niya ulit naranasang lumuha. Alam na niya kung saan siya nagkasala, kaya susubukan niyang bumawi, upang muling bumalik ang pagmamahal sa kanya, ng kanyang dating asawa.. Kailangan niyang lumaban, dahil may ibang lalaki na na nagpapakita ng interes dito, at mukhang tagilid ang kanyang lagay.
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Chained To My Husband's Uncle

Chained To My Husband's Uncle

Tatlong taon nang ibinuhos ni Arielle Fuentes ang sarili niya sa asawa niyang si Lucian Davenhart — isang malamig at walang pusong lalaki. Akala niya, sapat ang pagmamahal niya para matutunang mahalin din siya nito. Pero nang malaman niyang may sakit siya, mas matindi pa ang natuklasan niyang katotohanan, hindi siya kailanman ang pinili ni Lucian. Isa lang talaga siyang kapalit ng babaeng minsang iniwan ito, at ngayo’y bumalik na. Nang humiling siya ng diborsyo, doon lang nagsimulang ipaglaban ni Lucian ang isang relasyon na matagal nang wala. At sa gitna ng gulong ’yon, dumating si Magnus Davenhart—ang makapangyarihang tiyuhin ni Lucian na may sariling mga lihim. Ngayon, si Arielle ay naipit sa pagitan ng dalawang lalaking parehong mapanganib. Makakawala ba siya sa pag-ibig na hindi kailanman kanya? O tuluyan na siyang malulunod sa pagitan ng dalawa.
Romance
1067 viewsOngoing
Read
Add to library
Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
Romance
1098.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Conrad Lexus Farris. All he wanted is to skip his toxic life away from the city for a while. Dawn Zelena Augustino. All she wanted is to finish her studies and find a great job to achieve her dreams in life. But when their paths crossed, kapwa nagulo ang payapa nilang buhay. Hindi man maganda ang una nilang pagtatagpo, naging daan naman iyon upang makilala nila ang isa't-isa. But the summer that made their heart extremely happy, was also the summer that made their heart empty. Akala ni Dawn, kaya niyang ibaon sa limot ang lahat. Ngunit paano niya magagawa iyon gayung sa init na kanilang pinagsaluhan, may nabuong sanggol na mag-uugnay sa kanila ng lalaking bigla na lamang siyang iniwan sa ere at naglaho na parang bula? At sa di inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Yun nga lang, hindi siya nito kilala. Malamig at arogante ito makitungo sa kanya na parang hindi na ito ang lalaking nakilala at minahal niya limang taon na ang nakararaan. Ayaw niya na sanang ipaalala ang masaya at mapusok na pinagsaluhan nila noon. Ayaw niya sanang umeksena sa buhay nito lalo pa't nalalapit na itong ikasal sa ibang babae. Kaso nang makita ni Conrad ang anak niya, di maipagkakaila na parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. At ang masaklap pa nito, ang bata mismo ang umamin sa lalaki. "You're my dad right? Mama has many photos of you together and told me a lot of stories about you!" Connor screamed in excitement. Napaawang si Conrad at di makapaniwala sa natuklasan! At nang magtama ang mata nila ng lalaki, alam ni Zele na ito na ang magiging simula ng kalbaryo niya.
Romance
1022.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

Stealing Elliot [Owning the Billionaire's Heart 1]

"Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa kompanya niya, pinasya niyang magpanggap bilang secretary ng fiancé nito. Ito lang naman ang sikat na bilyonaryong si Elliot Jon Mallary. Misyon niyang nakawain ang puso nito at saktan sa huli ayon sa kasunduan nila ni Juliette. Gusto kasi nitong maghiganti sa pamamagitan niya at makasama ang lalaking gusto nito. Ngunit habang unti-unting nalalapit siya kay Elliot, napagtanto niyang nahulog na siya rito. Hanggang pareho silang nagkagusto sa isa't isa. At nakalimutan niyang nagpapanggap lang siya. Hanggang dumating ang araw na natuklasan nito ang totoo tungkol sa kanya. Matindi ang galit nito sa kanya at napagdesisyonan nitong alisin siya sa buhay nito. Makakahanap ba ng paraan si Rosette upang ipakita ang kanyang tunay na pagmamahal o tuluyan na bang mawawala ang kanilang pagkakataon sa pag-ibig?
Romance
108.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Hidden Mafia Don

Hidden Mafia Don

Docky
"Knowing my real identity means DEATH." - Mafia Don Daven Verrano Costello **** Mahigit pitong taong naging consigliere ng Mafia Don sa bansang Italy si Daven Costello. Siya rin ang misteryosong CEO ng Philippines Bank Corporation (PBC) na may paid-in capital na 20 Billion Pesos. Nang mamatay ang boss ng kanilang mob ay nahirang siya bilang bagong pinuno. He's protective when it comes to his family's safety so he decided to keep it a secret. Ang akala ng marami ay isa lamang siyang hamak na secretary sa sarili niyang kompanya. Elera Luciano - ang nakamaskarang lider ng Asian Assasins at nagtatrabaho bilang General Manager sa PBC. Pinasok niya ang magulong mundo ng mafia para hanapin at pagbayarin ang taong pumaslang sa kaniyang tunay na ina. Dahil sa kalasingan, kalituhan at kapusukan, nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nina Daven at Elera. It was indeed a marriage before love set up dahil kapwa infatuation lang naman ang nararamdaman nila sa isa't isa bago pa may mangyari sa kanila. Nang magpakasal ang dalawa, naranasan ni Daven kung paano maliitin at ituring na parang basura ng kaniyang mga biyenan. Inalipusta, inapak-apakan at inalila. Maging si Elera ay itinuring na isang malaking kahihiyan ng kaniyang mga magulang. Hanggang isang araw, hindi na natiis ni Daven ang lahat. Nagimbal ang mundo ng angkan ng Luciano nang malaman nila ang tunay na katauhan ni Daven.
Romance
106.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Alera Pag-ibig Ng Bayaran

Alera Pag-ibig Ng Bayaran

Conan Akatsuki
Si Alera Cardinal. S'ya ang babaeng go lang ng go sa buhay. She can be your girlfriend, and she can be your mistress. Ang trabaho ni Alera bilang isang paid sl*t ay walang sinasantong sitwasyon at relasyon . She doesn't care kung may asawa ba ang lalaki or my girlfriend ito, malaking wala s'yang pakialam. All she needs is to ride that man and earned money. Of course, lahat ng lalaking nakaka-sex n'ya laging sinasabi sa kanya na mahal s'ya ng mga ito. She replied `` I love you too" pero it was a big joke. Hindi s'ya naniniwala sa pagmamahal dahil ang paniniwala n'ya ay hindi lumiligaya ang lalaki sa pagmamahal. Dahil kung marunong magmahal ang mga ito ay bakit nagiging kabit s'ya at nagiging pangalawang girlfriend ng iba. Alera is a wild stripper. Pero paano kung isang araw ay may isang Hitler Francisco ang mag pagpaparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal? Mababago ba ang paniniwala n'ya? Hitler nurture Alera a love na hindi nito pinaniniwalaan. Si Alejandro ay galit sa sl*t woman dahil magagamit ang tingin n'ya sa mga ito. But, except Alera. Pero paano kung isang araw na kung kailan malapit na ang kanilang kasal ay tsaka pa malalaman ni Alera na ang ama ng binata ay naging sugar daddy n'ya noon na naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa na s'yang dahilan ng binata to hate the sl*ts, at ngayon ay bina-blackmail s'ya ng ama nito. How will Alera escape sa sitwasyon at sabihin ang totoo sa lalaking mahal n'ya na s'ya pala ang dahilan kung bakit nasira ang masaya nitong pamilya. Paano n'ya gagawin iyon kung maaaring mawala ang taong mahal n'ya at nag iisang nagmamahal sa kanya. Maglalakas-loob ba s'yang magsabi ng totoo, o magpapa-alipin na lang s'ya sa ama nito as his secret sl*t in order to keep her secret.
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Perfect kind of Pain

Perfect kind of Pain

A girl that always smiling, jolly, she wants to be with her friends all the time. Azaria Bryn Garcia, she wants to be the best and make her parents proud. Even though she's always happy most of the time, in her beautiful smile there is a hidden sadness there. Until she met Steven Zayn Xiao, they became friends because they're classmates. "I'm tired of being like this" "Bakit hindi ko ramdam yung pagmamahal niyo?!" "Pati sarili kong pamilya, ayaw din sa akin" And this happened...
YA/TEEN
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Shadow

My Husband's Shadow

Rainisms
Lumaking ulila si Mikaela Castro, noon pa man ay pinangarap na niyang magkaroon ng isang malaki at masayang pamilya. Ang pangarap niya ay unti-unti nang matutupad ng maikasal siya sa batang congressman na galing sa angkan ng mga politiko na si Blaine Montreal. Si Blaine ang kaniyang first boyfriend ang kaniyang una sa lahat. Mahal na mahal niya ito at mataas ang respeto niya rito. Mahal na mahal din siya ni Blaine at gagawin nito ang lahat para maibigay lamang ang makapagpapaligaya sa kaniya. Ngunit, hindi niya inaasahan na ang labis na pagmamahal pala nito sa kaniya ay magdudulot ng isang malaking kasinungalingan. Lingid kay Mikaela si Blaine ay walang kakayahang magka-anak. Ngunit, paanong nabuntis siya ng kaniyang asawa kung isa pala itong baog?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status