Owned By Mr. Verano
"Mahal ko ang pamangkin mo dati."
"At ngayon, akin ka na. Nilaro niya ang puso mo, pero ako? Wawasakin ko kahit sino para sa'yo."
Hindi kailanman inakala ni Ysabel na ang kanyang pagluha dahil sa isang sirang relasyon ay magiging daan upang mapasakamay siya ng pinakamapangahas at pinakamakapangyarihang lalaki sa buhay ng ex niya. Ang sariling tiyuhin nitong si Leonardo Verano.
Tahimik. Malamig. Pero nakakabaliw kung tumingin.
Inalok siya ng kasal nito. Proteksyon. Kayamanan. Lahat ng nawala sa kanya, ibinalik, kapalit ng sarili niya.
Pero ang magmahal kay Leonardo ay may kasamang kondisyon.
At ang unang batas?
Bawal mong banggitin ang pangalan ng pamangkin niya, habang buhay.