Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Wild Night With Miss Intruder

A Wild Night With Miss Intruder

Birthday ng boyfriend ni Alison kaya excited siyang pumunta sa apartment nito. May surpresa kasi siya para dito, iyon ay ang pagpayag sa matagal na nitong inuungot sa kanya. Ang pag-aalay ng sarili dito na ilang beses na rin nilang pinag-awayan. Mahal na mahal niya ang lalaki kaya nagpasya siyang pumayag na sa kagustuhan nito, isa pa matagal na rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masusorpresa ng maabutan niya itong may katalik na babae at ang masakit bestfriend nya pa na si Jenny ang kaulayaw nito. Tahimik siyang umalis sa lugar na iyon at wala sa sariling naglakad sa kalsada habang patuloy siya sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver. Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver. " Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Ngumiti siya ng mapait dito at walang ano-ano'y sinabi. " Mr, p-pwede bang angkinin mo ako?"
Romance
1086.7K viewsCompleted
Show Reviews (26)
Read
Add to library
rjpasiano13
Kapanapanabik ang bawat chapter Ms. A, ipon lang ako ng coins para mabasa ko pa mga next chapter. Please continue nyo po, sana matapos nyo to at makagawa pa kayo ng maraming story. Nakakakilig talaga. God bless you author.
Lyn Gambito
mahal lan kc ang bayad sa coins ky hind namin masyado binabasa ang manga story don kmi sa mura lan ang coins kung mura lan sana ang bawat chapter u 5 peso bka marami mag basa sa story u mahal 26 bawat chapter u talagan kunti lan
Read All Reviews
The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle

Akala ni Evan ay tama ang desisyon niyang pakasalan ang lalaking pinapangarap niya---hanggang sa ang desisyong iyon ay nauwi sa isang bangungot. Naipit siya sa isang loveless marriage, muntik makunan ng dinadalang sanggol, at sa huli’y nakulong pa ng limang taon. Hindi naman siya masamang tao, ngunit hindi niya alam kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay niya. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, dahil ang dinadala pala niya ay hindi kay Kenneth. Isang pagkakamaling hindi sperm cell ng asawa ang naiturok sa kaniya sa ospital. Dahil sa takot, inilayo niya ang anak kay Kenneth at iniwan ang pangangalaga nito sa isang kaibigan. Paglaya ni Evan, nalaman niyang ang malamig at tahimik na tiyuhing si Kevin ay nagkaroon ng anak habang siya’y nasa kulungan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makaramdam ng kakaibang koneksyon sa bata. Mas lalo siyang naguluhan nang hindi na niya mahanap ang kaibigang pinag-iwanan sa sariling anak. "Ella, kapag nahanap mo ang file ng doktor na iyon para sa akin, I will divorce Kenneth immediately. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang taong inaasam ko buong buhay ko sa kulungan, hindi ako narito para makipag-agawan sa'yo sa asawa ko."
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
A Deal With Mr. Vitale (Billionaire's Possession) Tagalog

A Deal With Mr. Vitale (Billionaire's Possession) Tagalog

Narinig ni Amanda Moretti ang balitang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang lalaking hindi niya kilala—kaya tumakas siya mula sa tahanan ng kanyang mga magulang. Determinado siyang pumili ng sariling landas, nagsimula siyang mamuhay mag-isa at unti-unting binuo ang tahimik na kalayaang natagpuan niya sa kanyang maliit na apartment. Sa tulong ng isang bagay na siya mismo ang lumikha—isang app na ginawa niya upang matulungan siyang malampasan ang bawat araw—hindi lamang siya nakaraos kundi umangat pa. Lumago ang app, naging matagumpay, at kalaunan ay nakilala sa maraming lugar. Dahil sa tagumpay na iyon, nakilala niya ang isa sa kanyang mga kliyente—si Knoxx Xavier Vitale—isang lalaking hindi niya inakalang lubos na magbabago ng takbo ng kanyang buhay. Arogante at antipatiko. Sukdulan ang ugali nitong hindi tugma sa kanya. He kept on pestering her. Kaya nang inalok siya nitong magpanggap bilang nobya sa harapan ng mga magulang nito, sa una'y nagdadalawang-isip pa siya. Mentioning a hundred thousand dollars made her eyes sparkling of wealth. Napapayag siya nito. Ngunit mas may nakakagulat pang rebelasyon ang mangyayari kasunod.
Romance
84 viewsOngoing
Read
Add to library
Love is Onboard

Love is Onboard

Hindi inakala ni Zynteria na magtatagpo pang muli ang mga landas nila ni Kirito. Natagpuan niya ang sariling nagsisilbi bilang shef sa barko nito. Aminado siyang may pagtingin pa rin siya para dito pero hanggang kaya niya ay sinusupil niya iyon. Ngunit ano ang pumasok sa isip niya at tinanggap ang alok nitong week-long cruise na sila lang dalawa? Hindi lang iyon, naniwala rin siya rito nang sabihin nitong mahal pa rin siya nito. Umasa siyang magkakaroon na ng magandang wakas ang kanilang love story. Pero namatay ang kaniyang pag-asa nang malaman niyang ikakasal na pala ito....
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Her Heart

Chasing Her Heart

Childhood love. Diyan nagsimula ang lahat. Akala ko matamis ang unang pag-ibig. Pero ito pala ang magtuturo sa akin na sa buhay ay hindi puro kasiyahan lamang— na ang reyalidad sa mundo ay may kaakibat na paghihirap at sakit. Ibinigay ko ang lahat na kahit ang pangarap kong maging engineer ay isinakripisyo ko alang-alang sa lalakeng minamahal ko. Akala ko ay sapat na iyon para masungkit ko ang puso niya at ipaalala sa kanya ang mga pangakong binitiwan niya. Pero hindi pa pala sapat kahit na pati sarili ko ay ibinigay ko ng buo sa kanya. Walang kulang, labis-labis na pagmamahal. Lumayo ako dala ang bunga ng aking pagmamahal at ng kanyang kapusukan. Hindi ko sinalba ang sarili ko, sinalba ko ang magiging anak ko. Muli, inakala kong nakalaya na ako sa bulag na pag-ibig. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana— nagkita kaming muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Wala siyang maalala. Ginamit ko iyon para makapaghiganti. Pero hanggang kailan ko lolokohin ang sarili? Hanggang kailan ako tatakbo para hanapin ang sariling minsang nawala dahil sa aking unang pag-ibig?
Romance
212 viewsOngoing
Read
Add to library
The Cold Billionaire's Forbidden Maid

The Cold Billionaire's Forbidden Maid

Limang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Nica Mendoza ang lalaking minahal niya higit pa sa sariling buhay. Sa kapalit ng limang milyong piso—at isang pangakong ililigtas ang kanyang ina—iniwan niya si Rafael Watson, ang nag-iisang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay. Ngunit ang kapalit ng kanyang sakripisyo ay hindi kapayapaan… kundi impiyernong walang tigil. Ngayo’y muli silang nagtagpo—ngunit hindi bilang magkasintahan, kundi bilang amo at kasambahay. Si Rafael, ang ngayon ay tinaguriang Cold Billionaire, ay walang ni katiting na init ng damdamin sa kanyang mga mata. Sa bawat titig, bawat utos, at bawat sarkastikong ngiti niya, ramdam ni Nica ang galit... ang hinanakit... at ang pagnanasang tila hindi nawala sa kabila ng taon. Sa loob ng apat na pader ng marangyang mansion, isang mapanganib na laro ng damdamin ang magsisimula. Isang larong puno ng pagsisisi, pagkakaila, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa limot. Pero paano kung ang larong ito ay muling mag-alab—mas mainit, mas delikado, at mas makasalanan? Sa pagitan ng galit at pagnanasa, alin ang pipiliin—ang paglimot o ang muling pagtikim sa isang bawal na pagmamahalan?
Romance
1016.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving My Enemy

Loving My Enemy

Who would've thought that person is the killer? Matagal nang may mga nagagalit sa ama ni Celine na isang politiko; isang gobernador sa kanilang lalawigan. Ito'y sapagkat marami itong pinatay na mga inosenteng tao. At dahil na rin sa mga gawain nito, maging ang kaniyang sariling anak ay siya'y itinatakwil at itinataboy. Dahil maraming galit sa kaniya ay isa-isang pinaslang ang kaniyang mga tauhan. Hindi matukoy kung sino nga ba ang may kagagawan nito at kung konektado ba 'to sa grupong nais siyang ipapatay. Nagsimula ang lahat ng ito nang dumating si Lucas sa mansyon ng gobernador, ngunit ito'y kanyang ginigiit. Kaya't palaisipan kung sino nga bang pumapatay. Sino kaya ang mayroong kinalaman? Paano nga ba malulutas ang kaso? Matutunan pa rin kaya niyang patawarin ito at muling mahalin? "The killer could be me, you. . . Anyone." Unmask the shadow, reveal the culprit. AT kung magkakaroon nga ba ng happy ending ang love life ni Celine.
Romance
10459 viewsOngoing
Read
Add to library
The Crazy Tease (tagalog)

The Crazy Tease (tagalog)

Raw Ra Quinn
LANDIIN si Gabino Melchor!Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush!Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila....First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na mahal niya ito pero ng mag bunga ang kapusukan dala ng kabataan nila, nalito siya. Mahal niya si Gabino at alam niya na marami pa itong pangarap at malaki ang tiwala niya na malayo ang mararating ng lalaki hindi katulad niya na maraming hang ups sa buhay at hindi alam kung anong pangarap niya sa buhay.So she decided to left him without telling him that he's going to be a father..Pinili niyang lumayo para hindi maging hadlang sa pangarap nito..5 years later their paths meet again.. Sa isang club kung saan siya nag ttrabaho and all her feelings for him rekindle..Will she let herself to be happy this time??
9.628.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage

Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage

Dalawang taon matapos ang kaniyang perpektong kasal, akala ni Chloe Valdez ay natagpuan na niya ang lalaking mamahalin niya habambuhay. Pero isang papel ang tuluyang gumiba sa lahat ng iyon. The marriage certificate she once cherished… was fake. Gulat at sakit ang naramdaman ni Chloe, lalo na nang malamang ang lalaking minahal niya ng anim na taon, si James Alcantara, ay matagal na palang may ibang asawa. Ang mas masakit pa, ang asawa nito ay ang kanilang guro na anim na taon ang tanda sa kanya. What’s worse? The child she thought they’d lost? It wasn’t Chloe’s to begin with. Hindi lang pala siya naging panakip-butas, kundi napagbintangan pa siyang baog at inangkin pa ang anak ng tunay na mag-asawa. “Wala akong asawa. Wala akong anak. At ako ang magmamana ng lahat,” malamig na wika ni Chloe habang pinuputol ang huling tali sa pusong minsang ibinigay niya nang buo. Everyone thought she’d run away. But Chloe stayed. Quietly, strategically, with revenge wrapped in her grace. Akala ni James, babalik si Chloe. Akala niya, mapipilit pa niyang ayusin ang nasirang kasal. Hanggang isang araw, nakita niya si Chloe sa balita. Ngunit hindi na siya ang babaeng iniwan at sinaktan niya noon. Siya na ngayon ang babaeng pinagkakaguluhan ng buong bansa. Mayaman, makapangyarihan, at nakatayo sa tabi ng isang lalaking nasa tuktok ng kapangyarihan.
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status