Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Breakup Formula (Tagalog)

The Breakup Formula (Tagalog)

June Arden
Isang normal na gabi lang sana ang lahat kay Paris Laurene, kung hindi lamang niya nasaksihan ang tumataginting na pagkabigo ni Theon, sa isang dalagang balak nitong ipakilala bilang girlfriend sa abuela nito. Last minute nang bigla nalang umayaw ang dalagang bitbit ni Theon kaya’t naiwan ito habang di malaman kung paano haharapin ang parating na Lola. Well look at that, even the hot, rich and devilishly handsome Theonnius Naverra got dump in front of her very eyes! May pag-asa pa ang Earth! Hindi maatim ni Paris na hayaan si Theon na humarap nang bigo sa abuela nitong dumating sa naturang tagpuan. kahit pa kating-kati na ang dila niyang budburan ito ng pang-aasar. Ngunit dahil isa siyang mabait, maganda at binibining may busilak na kalooban, nagpakilala siya bilang girlfriend ni Theon. “Relax, Theon. Magbi-break din naman tayo.” Nakaisip na si Paris ng plano upang malinis na matakasan nilang dalawa ni Theon ang ginawa nilang pagpapanggap na magkasintahan. Iyon ay ang gumawa ng paraan upang magbreak sila nang hindi nagdududa at nabibigla si Lola Celestina. “We just need to follow the right breakup formula.” aniya. “What?” “Heated arguments plus jealousy and misunderstanding minus communication and time, idagdag pa ang mga babae mo. That will surely equal to break up.” Okay na sana lahat. Ang problema maling equation ata ang nasusunod ni Paris. Imbes kasi na magkalabuan lang sila ay nahuhulog pa siya sa binata! Oo nga pala, hindi siya magaling sa Math!
Romance
3.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Manang at Pikon ( Filipino )

Manang at Pikon ( Filipino )

Si Allysa Enrile ay isang manang, ngunit walang kinakatakutan. Para sa kanya 'manang is the new fashion' at siya ang magpapatunay na hindi lahat ng manang ay inaapi. Dahil kahit manang siya ay hinahangaan siya dahil sa tapang niyang harapin ang mga bully. Tahimik ang buhay studyante niya kasama ang dalawa niyang pinsan, at syempre ang maganda niyang ate na pantasya ng mga kalalakihan sa Villafrancia Universal School. Nang bigla niyang makilala si Adrian Villafrancia, ang pikon na anak ng may-ari ng Eskwlehan na pinapasukan niya. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa una nilang pagtatagpo. Hanggang sa lumala ang bangayan nila, at lagi silang nagkakaharap. Madalas siya nitong kontrahin, supalpalin, at awayin. Ngunit ang madalas na bangayan ay nauwi sa pagkakamabutihan at pagmamahalan. Pero hindi nagtagal, habang napapadalas ang kanilang pagsasama. Habang lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Adrian ay siya naman pagkagising ng poot sa puso niya. Poot para sa magulang nito na siyang sumira sa Pamilya niya. Habang nakikita niya ang Pamilya nito na masaya ay nasasaktan naman ang kalooban niya. Dahil ang mga ito ay masaya samantalang silang magkapatid ay nagdusa at nawalan ng magulang. Kaya ba'ng pawiin ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan o magiging daan lang ito nang panibagong sakit para sa dalawa? Mapapatawad ba ni Allysa ang pamilya ni Adrian o sasaktan niya ang binata para makaganti sa pamilya nito? Magkakaroon ba ng happy ending o magiging tragic ang patutunguhan ng relasyon nila?
YA/TEEN
109.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Falling for a star

Falling for a star

Si Aliah fate Alcantara ay iniidolo ng lahat sa kan'yang talento sa pagkanta at pag sayaw. Bukod sa panlabas na kagandahan at maganda rin ang ka'yang kalooban na mas lalo siyang nagustuhan ng lahat. Bukod a diyan si Aliah ay matalino, mabait, at para sa kan'yang pamilya ay isa itong Prinsesa. Ngunit ang lahat ng 'yan ay biglang maglalaho sa kan'yang katauhan. Ang dating bituin na kumikinang ay nawalan ningning. May lihim na pagtingin si Aliah kay Kier Gavin Surez ang matalik na kaibigan ng kan'yang nakakatandang kaparid at dahil sa nakilala na niya ito ng lubusan ay minahal na niya ito. Sa kagustuhan niyang maghabol sa binata ng no'ng araw na nakatakdang umalis si Gavin upag magtuno sa America para puntahan ang kasintahan ay napahanak ito dahil nasaktak siya sa mga masasakit na salita na nasabi ni Gavin para sa kan'ya. At dahil sa pangyayaring 'yon ay nagpaka layo-layo si Aliah upang maghilom sa sakit ng nakaraan. Ito naman naman ay labis na pinag sisihan ni Gavin ng malaman ang sinapit ni Aliah ngunit huli na dahil hindi na niya ito nakita pa. Sa muling pagbabalik ni Aliah ay labis ang tuwang nadarama ni Gavin. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya ni Aliah at magawa siya nitong mahalin muli. Maibalik pa kaya ni Gavin ang kinang ng dating bituin na nagniningning na siyang tinitingala, at minahal ng lahat?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10430 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Wrong becomes Mr. Right

Mr. Wrong becomes Mr. Right

YNAH MENDOZA
"Willing to wait and still hoping na makilala si Mr. Right! kahit na trenta anyos na ako ay hindi ako kinakabahan na hindi makapag-asawa! Ilang bilyon ba ang tao sa mundo? Kahit isa naman siguro sa mga iyon ay may inilaan si Lord sa akin hindi ba?" ALYANNA Paano mo masasabi kung ang isang lalake ay ang siyang nakatadhana para sa iyo? Ito ang ang palaging tanong ng marami, pero sa katauhan ni Aya na isang probinsiya at hindi hinahanap ang pag-ibig ay bigla na lang itong nanghina ng makita ang isang lalakeng inakala nitong dayo sa lugar nila. Ito ay si Marcus Napoleon, ang anak ng gobernor sa Ilocos Sur. Isang modulo sa Manila na napilitan lang umuwi ng Ilocus Sur dahil sa pakiusap ng ama nito. Pero hindi nito inakala na sa pag-uwi muli nito ay makilala nito si Aya Ramos. Maganda at simpleng dalaga pero brusko ang dating. Hindi maganda ang pagkikita ng dalawa ng sa unang beses na magtagpo ang mga landas ng mga ito ay parang mga aso't pusa ang dalawa. Pero sa muling pagkikita ni Marcus at Aya ay biglang maiiba ang ihip ng hangin. Magkakaroon ng spark at liwanag ang paligid ni Aya na hindi nito maintindihan sa tuwing makikita nitong nakakatitig dito si Marcus. Ito na kaya ang pinakahihintay na pag-ibig ng dalaga o mag-iiwan lang ito ng isang masakit na alala sa buhay ni Aya? Sabay-sabay nating abangan ang kuwento ni Marcus at Aya, at kung paanong ang isang tao na inakala mong mali para sa iyo ay magiging siyang pinaka tamang tao na inilaan ng Diyos sayo.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Taming the  Sunshine

Taming the Sunshine

Death Wish
Dala ng wala nang iba pang solusyon sa sitwasyon ng nag-iisang tagapagmana ng Multi-billionaryong kompanya, si Gabriel Aquinas, nagawa ng kanyang dalawang ama-amahan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ng dalaga na si Serena Madison ang dalhin nito ang kanyang anak. Ang dalaga lamang ang nag-iisang babae na malapit kay Gabriel dahil pihikan ang binata na makipag-usap o makipagkilala man lamang sa mga babae. Sa una hindi malinaw kay Gabriel kung bakit napakagaan ng loob niya sa dalaga na kahit problema niya sinasabi niya dito kahit nga nililihim niya ang pagkatao sa dalaga. Ngunit ng may mangyari sa kanilang dalawa kaagad naman luminaw ang lahat kay Gabriel. Simula ng may mangyari sa kanila hindi na hinayaan pa ng binata na makalayo sa kanya ang dalaga lalo na nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ano na nga lang ba ang mangyayari kung wala namang nararamdaman sa kanya ang dalaga at hindi nito nagustuhan ang ginawa niya sa kanya? Paano na kung ang nangyari sa kanila ang dahilan upang mawala ng tuluyan ang tiwala ni Serena kay Gabriel? At paano na rin kung ang matagal nang hinahanap na kahinaan at butas ni Gabriel ng kanyang mga kalaban ay ang dalaga na naging malinaw na nga sa lahat? Paano ba niya mabibigyan ng proteksyon ang dalagang nagalit sa kanya sa likod ng maraming maaring manakit dito? At paano niya mapapatunayan sa dalaga na mahal niya ito? TAMING THE SUNSHINE @DeathWish [HER RETURN 2024]
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Tainted Series 2: The Broken Billionaire

Tainted Series 2: The Broken Billionaire

When you truly love someone, mistakes will never change your feelings because the mind only gets angry but your heart still cares and that's all that matters. Veronica Chrystelle Valderama is your typical ideal woman. Maganda, matalino yun nga lang brat sa paningin ng ibang tao. She has everything a woman could have but she's not the type who keep everything for herself. She is helping a foundation for orphans and less fortunate children but she's kept it a secret. She's an heiress, an international model and she had anything every woman wished to have pero sa kabila ng tinatamasang karangyaan nananatiling mababa ang kalooban nya. She maybe bratty and spoiled but she's also sweet and generous at all times. Hanggang sa nakilala niya ang isang gwapong negosyanteng matalik na kaibigan ng Kuya niya. Masungit, suplado at lahat na lang ata ng katangian nito ay kinaiinisan niya. He is... Ret. Major, Nathaniel Devon Castillo, an ex-military, a businessman with oozing with sex appeal. But their first encounter didn't leave her a good impression. One day the guy showed up in their mansion, not to visit her brothers but to be her...personal body guard. She's irritated, irked and dismayed but she can't do anything because her father decided. She promised to herself that she'll do anything to annoy the guy but little did she know she's falling for him...so hard to the point that she doesn't know how to recover. Their relationship started and ended too fast, yong tipong kakasimula palang, natapos din agad sa di malamang dahilan. Malalampasan kaya niya ang sakit ng katotohanan kapag natuklasan nya na ang sekretong matagal na nitong inililihim sa kanya? Will her love enough to forgive and give chance to a broken billionaire?
Romance
1032.1K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (11)
Read
Idagdag sa library
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A sa mga novels mo as a OFW isa po ako sa masugid mong mangbabasa.Mga kwento mo ang isa sa mga nag aalis ng stress at homesick sa akin dito sa gitnang silangan.Take care always and God Bless...️...️...️ Rooting for other Brutes story po
@@@@
hai author kung dito is naging traydor c kuya mackoy/milo ni margarette paanu sila naging mag tropa nila nate sa sandoval series?? kung ito na story ang nauna diba kc ongoing pa naman ung sandoval series paanu po sila naging magkaibigan ulit nila nathaniel??
Basahin ang Lahat ng Review
The Mayor's Paragon

The Mayor's Paragon

Nang maligaw si Elisha Hamandre sa maynila. Samu’t sari ang kamalasan na siyang naging isa sa pinakamalaking nagpapahirap sa kaniyang batang edad. Ngunit ng mangailangan siya ng Pera upang magamot ang kaniyang ina ay nangahulugan na kailangan niyang maghanap ng trabaho. Subalit ng siya ay makapag hanap ay laking pagkadismaya niya ng bigla na lamang siyang tinanggal sa trabaho, kahit labag sa kanyang kalooban ay nagsimula na lamang siyang maghanap muli. Pahanggang sa napadpad siya sa Isang signboard na may open hiring, pero Hindi niya expected na ang naghahanap ng karagdagang trabahador ay Ang bagong itinalagang Mayor sa kanilang Lugar. Kaya naman ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa ipinasok niya agad ang kaniyang pangalan bilang Isa sa mga Housemaids na kailangan mismo ng Mayor. Hindi niya aakalain na sa kaniyang pagpapasa ay biglang magbabago ang takbo ng kaniyang buhay Isang empleyado. Sapagkat mistulang kakaiba na Mayor ito na dahilan ng pagkakaroon niya ng sensual na sensation sa tuwing niyang napapansin. Laman din ng kaniyang imahinasyon ngunit pobre ang mayor. Masungit pero gwapo ngunit ito ay may anak pero hiwalay sa asawa. Ano nalang kaya ang mangyayare kung nagkaroon ng kakaibang tagpo na dahilan upang mas mainam na iwasan ito ni Elisha? kase kung Hindi siya hihinto ay paano na niya magagawa ang tanging puno’t dulo ng kaniyang determinasyon sa paghahanap ng trabaho at para sa kanyang Ina na may sakit at paano nalang ang kaniyang buhay kung Ang boss niya ay pilit siyang ginugulo? Not your typical Love Story.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Coincidentally Fated

Coincidentally Fated

Matapos masaksihan ni Ezrah ang pagkamatay ng kaniyang kasintahan sa harapan niya mismo ay wala siyang nagawa kundi ang mag tago sa farm na ipinamana sa kanya ng yumaong mga magulang para lang takasan ang masasamang loob na nais rin siyang kitlan ng buhay. Nang akala niya ay magiging ligtas na siya sa lugar na pinagtataguan niya ay tsaka naman dumating ang isang misteryosong lalaki sa buhay niya. shot and severely beaten. Ganyan ang kalagayan ng nag hihingalong lalaki na bigla nalang lumitaw sa harap ng pintuan niya. At dahil nga sariwa Pa sa ala-ala niya ang pagkawala ng nobyo ay tinangka niya itong itaboy at tanggihang tulungan. Akmang pagsasarhan na sana niya ito ng pintuan nang bigla itong humandusay sa harap niya. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi tulungan at gamutin ang binata. Noong una ay pinilit niya itong itaboy pero bigo siya. Sa halip ay nag kasundo silang doon muna manatili ang lalaki kapalit ng pagtulong nito sa gawain sa farm. At sa araw araw na nakasama niya ang binata ay hindi niya maalis ang takot na nararamdaman niya sa katauhan nito, ngunit sa Kabila ng takot na iyon ay natangpuan Pa rin niya ang sarili na unti unting nahuhulog sa estranghero. Pero paano nga ba niya magagawang tuluyang mahulog at mag tiwala sa binata gayong wala siyang alam sa katauhan nito? At ano nga ba ang sikreto sa likod ng misteryoso niyang pagkatao? May kinalaman kaya ito sa nakaraan ng dalaga? Aksidente nga lang ba talagang napadpad roon ang binata? O may dahilan ito kung bakit gusto niyang manatili roon?
Romance
95.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Neglected Wife

The Billionaire's Neglected Wife

Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa  patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
Romance
180 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
212223242526
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status