Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Darkness Within

Darkness Within

naughtyjackyy
Bilang isang anak ng Diyos ng Kadiliman, alam ni Cassy Aguilar na kailanman ay hinding-hindi niya maabot ang liwanag, na kahit na anong takbo niya ay hindi niya matatagpuan ang sarili na nabababalot ng sinag kundi purong anino at dilim lamang. At iyon ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang makatakas sa tadhanang tila kadenang nagbibigkis sa kanya sa mundo ng kadiliman at kasamaan. Nais niyang makalaya. At ang tanging paraan para mangyari iyon ay ang wakasan ang buhay ng sarili niyang ama, ang Diyos ng Kadiliman. Sakit. Kamatayan. Pagtataksil. Sakripisyo. Pag-ibig. Pakikipagsapalaran. Lahat ng ito ay naghihintay kay Cassy kasama ang mga taong magiging kasangga niya sa pagkamit ng kalayaang hinahangad niya at ang pagtapos sa buhay ng Diyos ng Kadiliman na matagal nang banta sa kapayapaan ng mamamayan.
109.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Wild Night With My Ex's Uncle

Wild Night With My Ex's Uncle

“Pakasalan mo ako at ako ng bahala sa mga utang ng pamilya mo. Kapalit nun ay ang pagdadala mo ng anak ko para sa mamanahin ko.” ------ Isang gabing pagkakamali na naging dahilan para mabago ang takbo ng buhay ni Athy. Matagal na pala siyang pinaglalaruan ng boyfriend at pinsan niya. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya at naibigay ang sarili sa Tito ni Matt mismo! Puno ng pagsisisi ay kaagad siyang umalis ngunit sinong mag-aakala na ang isang gabing iyon ay mabubuntis pala siya. Inalok siya nito ng isang kasal na may kasunduan, kapalit ng pagdadala niya ng magiging tagapagmana nito ay babayaran nito ang utang ng mga magulang niya at bukod pa doon ay nangako ito na tutulungan siyang makapaghiganti sa kanyang ex-boyfriend at pinsan. Ngunit saan kaya sila dadalhin ng kanilang kasunduan?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
AGATHA "The Dangerous Slave"

AGATHA "The Dangerous Slave"

Walker, G.R.O, Prostitute. Iilan lang na tawag sa uri ng trabaho ni Agatha. Ganda ng mukha at katawan ang tanging puhunan ng isang kwela at pilyang dalaga na mula nang magkaisip ay nasa mundo na ng bahay-aliwan ng mga lalakeng sabik sa tawag ng laman at handang magbayad para sa panandaliang-aliw. Maaari kayang baguhin ng tadhana ang maruming kapalaran niya kapag nakilala niya ang gwapong CEO na si Mr. Khevin Tolentino? Isang istriktong Boss na umpisa pa lang ay nandidiri na sa pagkatao niya? Paano mabubuo ang pagmamahalan ng dalawang nasa magkabilang uri ng mundo? May pag-asa ba ang gaya ni Agatha na makapasok sa mundo ni Khevin? Kung sa simula pa lang ay ayaw na siya nito bigyan ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng gwapong CEO?
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Forsaken Billionaire  ( Del Valle Series 2 )

The Forsaken Billionaire ( Del Valle Series 2 )

Sinisikap makamove on ni Berting sa pagkabigo sa kababatang si Athena. isinumpa niyang hindi na muling iibig pa at aalagaan na lamang ang alaala ni Teng sa puso niya. Pero may ibang plano ang tadhana dahil makikilala niya ang babaeng una ay magiging sakit ng ulo niya pero kalaunan ay siyang bibihag ng mailap niyang puso. Sa pakikipagsapalarang muli sa pagibig ay susubukin ng tadhana ang tatag ng kanilang pagibig dahil sa lihim na pagkatao ng babaeng minamahal. At sa gitna naman ng pakikipaglaban sa pagibig ng babaeng minamahal ay matutuklasan rin niya ang lihim ng kanyang pagkatao na ikagigimbal niya ng lubusan.
Romance
106.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Secrets, seduction, and the darkness within. Sa likod ng bawat halik at yakap, may mga kwentong hindi sinasabi—mga lihim na naglalantad ng tunay na kahulugan ng pagnanasa at kapangyarihan. Ang Lustful Series ay koleksyon ng iba’t ibang kwento ng pag-ibig, kasakiman, at panganib—mga kwentong magpaparamdam ng init, gigil, at kilabot sa bawat pahina. Mula sa mga relasyong bawal, hanggang sa mga damdaming hindi maamin, at sa mga lihim na kayang sumira o magligtas ng buhay—ihanda ang sarili sa seryeng puno ng tensyon, tukso, at misteryo. Sa mundo ng Lustful Series, walang kasiguraduhan kung saan hahantong ang bawat uhaw na puso.
Romance
1015.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Played By Fate

Played By Fate

Pinakasalan ni Stella si Charles sa tulong ng abuelo nito dahil sa pagmamahal. Lahat ay gagawin niya upang mahalin din siya ng binata. Naging makasarili siya at inagaw ito sa babaing tunay nitong mahal.Sa loob ng tatlong taon, ang akala niya ay nagkaroon na siya ng puwang sa puso ng asawa. Ngunit lahat ng sakripisyo at pagpababa sa pagkatao ay hindi nagbunga ng maganda. Matapos pirmahan ang divorce paper, umalis siyang baon sa puso ang lungkot at saya.Sa paglipas ng panahon, her true identity was exposed. But her soft heart was totally gone. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, maibabalik pa ba ang dating Stella?
Romance
9.81.1M viewsOngoing
Show Reviews (175)
Read
Add to library
Erlyn Erlyn
thank you author for sharing your talent, you never disappoint us never mind the bashers or the negative vibes, what is more important there's a lot of readers active commentators or a silent reader always here to support you, Im hoping and looking forward that someday your novel will be seen in tv
Catorzimayo Ell's
ms jee,kinilig ako sa update na chapter na to.. plss wag mo pong pahirapan si jasmine.. dapat lowkey lng sila ni oliver,,.gusto ko ung malalamn nila na mayaman pla si jasmine..hahaha sorry overthink nanaman ako.. kainis............,papalitan na kita bilang author ako na mag kwento ms jee.........
Read All Reviews
My Billionaire Ex-Fiance

My Billionaire Ex-Fiance

Limang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
Romance
9.247.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Agent Xine

Agent Xine

A walking sin. Iyan ang dahilan ng kanyang ama upang bigyan siya ng angking pangalan. Wala siyang pagkakakilanlan, kinalakihan niya ang marahas na paligid, at lahat ng kanyang nilalakaran ay napupuno ng dugo. Ngunit, paano kung sa likod ng mabangis at walang awa niyang pagkatao ay nagkukubli ang inosente at malungkot na katotohanan. Ang katotohanang nais niyang mabuhay ng normal, magkaroon ng masaya at kompletong pamilya. Mababago nga ba ito sa pagdating ng isang batang lalaki? Mababago nga ba nito ang katotohanan? Na ang lalaking kanyang minamahal, ay ang dahilan kung bakit siya naghihirap? Pipiliin kaya niyang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan? O tatanungin ang sarili, minahal niya nga ba ito ng totoo? O parte lamang ang lahat ng kanyang paghihiganti?
Romance
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
926 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status