When Protection Turns Dark
Tambayan namin ‘yan kapag lunch—malapit sa bintana, may lilim ng puno, at hindi masyadong maingay.
“Whooahh!! Ang galing mo talaga, Sabrina!!” bulalas ni Lorraine nang makita niya yung score ko sa math quiz na pinakita ko sa kanya. Nakangiti siya nang todo, parang siya pa yung nakakuha ng perfect.
“Paano mo ba nagagawa ‘yan? Ako nga, kahit simpleng limit lang, naguguluhan pa rin ako!”
Ngumiti lang ako nang mahina.