Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Taming the Devil Boss

Taming the Devil Boss

Kaya mo bang tiisin ang araw-araw na kasama ang lalaking pinaka-kinaiinisan mo? Yung tipong pagpasok mo pa lang sa opisina, madilim na mukha niya agad ang bubungad sa’yo? Yannie Sanchez, isang dedicated na secretary, ay labis na naiinis sa boss niyang si Xanthy Torres—ang seryoso, istrikto, at laging galit na CEO ng isang malaking kumpanya sa Asia. Para sa kanya, ito ang epitome ng "toxic boss" na palaging sumisira sa araw niya. Pero paano kung may dahilan pala sa likod ng kanyang ugali? Isang lihim ang matutuklasan ni Yannie—isang sikreto na magpapabago sa tingin niya kay Xanthy. Mula sa inis, unti-unti siyang nakaramdam ng awa at kagustuhang protektahan ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, kinailangan niyang lumayo—hindi alam ni Xanthy na nagdadala siya ng kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa pagkakataong ito, pipiliin pa rin ba niyang protektahan ito? O oras na para harapin ang nakaraan at isama siya sa hinaharap na para sa kanilang dalawa?
Romance
10552 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Emergency couple series 1

Emergency couple series 1

Leeanna89
Isang malaking kalokohan ang ikasal sa lalaking nakasalubong lamang niya sa daan, Ngunit mas malaking kalokohan ang mag karoon ng feellings dito lalo pa't isang kasunduan lamang ang kanilang kasal. Dalawang karelasyon niya ang nag run away Groom sa araw mismo ng kanilang kasal kaya naman galit na galit ang ama niyang si Don Emilio dahil sa pag kakakaladkad sa kahihiyan ng kanilang pamilya. Sa pangatlong pagkakataon ay muling naulit ang tila sumpa sa buhay ni Sam kaya dahil sa takot na muling madissapoint ang kanyang Ama ay Napilitan siyang mag pakasal sa isang lalaking hindi niya lubos na kilala. Maging happy ending kaya ang lovestory niya sa piling ng lalaking pinili niyang pakasalan? All Rights Reserved Copyrights © 2020 by LEEANNA89
Romance
103.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Chasing Her Untamed Heart

Chasing Her Untamed Heart

STAYANGNIE
Nang dahil sa gaganaping engagement ceremony ng kapatid, napilitang umuwi ang 25 anyos na dalagang si Elodie Hermedilla sa Pilipinas galing Australia. Ngunit, hindi niya inaasahang bigla pala siyang ipapalit sa kapatid na ma-engage dahil buntis ito sa ibang lalaki. Kaya nakipagtalik siya kay Russel Lardizabal, 28 years old na binatang kakikilala pa lang niya, dahil sa ayaw niyang ireserba sa kaniyang mapapangasawa ang kaniyang virginity. Subalit, hindi naman pala natuloy ang engagement ceremony. Pagkakataon niya iyon upang ituloy ang namamagitan sa kanila ni Russel. Nang malaman niyang balak pala siyang gamitin ng lalaki dahil sa mai-engage rin ito sa iba, napipilitan man ay siya na ang kusang lumayo. Ngunit huli na ang lahat nang malaman niyang buntis na pala siya kay Russel. Kaniya bang sasabihin sa lalaki ang tungkol sa magiging anak nila? Or she will wait him chase her untamed heart?
Romance
10881 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Foolish Heart

Foolish Heart

Latte
Paano ba dapat aminin sa isang kaibigan na mahal mo siya? O paano mo sasabihin na higit pa sa bilang magkaibigan ang pagtingin mo para sa kaniya? "The more you hate, the more you love." Ito ang naging motto sa buhay pag-ibig ni Aziz Dimitri Tyson, matapos niyang makilala ang babaeng kinaiinisan niya sa lahat. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ito rin pala ang magyayanig sa tahimik niyang mundo. Sasha Edmonia, ang pangalan ng babaeng bumihag sa torpe nitong puso. Bagamat na love at first sight siya rito ay pinili na lamang niya na itago ito sa sarili at maghintay ng tamang pagkakataon upang maipagtapat ito sa kaniya. Naging kampante ito sa kaniyang sarili na hindi nalalamang marami na siyang nasasayang na oportunidad upang mas lalo pang mapalapit sa kaniya. He missed the right timing. Dahil sa kakahintay niya ng right time ay may iba ng nauna sa kaniya. Magagawa pa kaya ni Aziz Dimitri na maipagtapat sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman? O magpapaubaya na lang ba siya para sa iba?
Romance
902 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Maikling Kwento · Romance
1.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?
Romance
1010.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Unveiling Hidden Desires

Unveiling Hidden Desires

AISLEMOURN
Laki sa layaw at brat si Beatrice Lustre. Dahil nag-iisang anak, alam niya sa sariling siya ang magiging heiress sa nagkalat na branches ng Lustre Hotel Services sa Pilipinas. Kaya naman sa debut party ng dalaga, engrandeng selebrasyon ang inihanda ng mga magulang. Ang hindi niya alam, sa pagkakataong iyon na pala magbabago ang kaniyang buhay. Dumating ang unfamiliar na gwapong lalaki bilang last dance niya, si Lucas Sebastian Apollo. Siya ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng Apollo Groups of Companies. Ang nakatakdang ikasal kay Beatrice pagtungtong ng dalaga sa ika-25 anyos. At dahil unang pagtatagpo pa lamang, pagkamuhi ang namuo sa dalawa. Sa stubbornness ni Beatrice, hindi ito basta-basta magpapakontrol. Bagay kung saan mababa ang tolerance ni Lucas lalo't sanay na nasusunod ang lalaki. Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Ano ang magiging takbo ng buhay nila sa kanilang arranged dating at marriage life? Posible kayang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa pagitan nila kung ang kasal ay may malalim pa lang tinatagong agenda?
Romance
10748 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
Romance
10807 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
ADDICTED

ADDICTED

Queen Amore
TO HER family, Brooke was pain in the ass. Sa kanilang tatlong magkakapatid kasi ay siya lang ang matigas ang ulo. At para daw magtino siya ay napag-desisyonan ng ama na ipakasal siya sa anak ng business partner nito. Against si Brooke sa desisyon ng ama kaya sa araw na ipapakilala sa kanya ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ay lumayo siya. Sa paglayo ay napadpad siya sa Baguio. Pinatira siya ng bestfriend sa townhouse ng mga ito. Akala ni Brooke ay mag-isa lang siyang titira do'n pero may board mate pala siya. Si Seven--kaibigan ng kuya ng bestfriend niyang si Zarina. Seven was tall, fair-complesion and handsome. And he is a playboy--a notorious one. At mukhang target din siyang maging babae nito dahil inaakit siya nito. Sinabi niya sa sarili na hindi siya mahuhulog sa karisma nito pero no'ng halikan siya nito sa labi ay nag-blanko ang isip niya. Iyong sinabi niyang hindi siya magpapaakit ay nagpaakit siya. And she couldn't deny the strong sexual tension between them. And it's hard to resist. At sa patuloy nitong pag-aakit sa kanya ay tuluyan na siyang bumigay...
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2728293031
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status