Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?
Romance
9.722.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

Pinilit si Mariette ng kaniyang ama sa isang arranged marriage. At sa kagustuhan niyang tuluyang makatakas sa anino nito, pumayag siya. Ang mapapangasawa niya? Si Gideon Amir Masterson: ang lalaking sinasabi ng lahat na malapit nang kunin ni Satanas, may taning na tatlong buwan na lamang ang buhay. Walang pag-aalinlangan, pumirma siya ng marriage contract at tinanggap ang paunang bayad kahit hindi pa niya nakikita ang binata. Sa isip niya, hihintayin na lang niyang mamatay ito. Ngunit bigla siyang pinatawag ni Gideon. Pinapunta siya sa isang pribadong bar kung saan ito naghihintay. Pagpasok ni Mariette, halos yumanig ang kaniyang mundo. Napakaguwapo ng lalaking bumungad sa kaniya! Wala itong bakas ng kamatayan at sa paraan pa lang ng kilos at titig nito, parang kaya siyang lamunin nang buo. “Alam mo ba ang kasabihang ‘die for money’?” malamig na sabi nito. “Sinumang babaeng papasok sa buhay ko ngayon, iisa lang ang habol… pera.” Napakagat-labi si Mariette. Totoo naman, pera ang dahilan kung bakit siya pumayag para makawala sa kaniyang ama. Kaya’t tuluyan niyang nilaro ang apoy. “What if mahal na kita noon pa?” pagsisinungaling niya. Ngunit isang mapanuyang ngiti lang ang isinagot ni Gideon, saka itinapon sa mesa ang kanilang marriage certificate. “Divorce me.”
Romance
463 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Contract Wife

The Billionaire's Contract Wife

Desperada at wala nang ibang mapagpipilian, pumayag si Hiraya Lyn—isang matatag at determinadong dalaga—na pumasok sa isang contract marriage kasama si Nexus Watson, isang malamig at misteryosong bilyonaryo. Hindi simple ang naging dahilan ni Hiraya sa pagsang-ayon niya—ang kanyang nakababatang kapatid ay may malubhang sakit na cancer, at ang perang iniaalok ni Nexus ang tanging pag-asa nilang makapag pagamot ito. Si Nexus, na kilala sa kanyang pagiging walang-awang negosyante, ay may sarili ring dahilan. Ang kanyang pinakamamahal na lola—ang tanging taong minahal niya ng buong-buo—ay tumatanda na at may hiling na makita siyang ikinasal bago ito pumanaw. Upang tuparin ang kahilingan nito—at panatilihing ligtas ang kanyang puso—nag-alok siya ng isang kasunduan. Isang taon lamang ang itatagal ng kanilang kasal, walang sabit, walang damdamin na masasangkot. Habang binabagtas nina Hiraya at Nexus ang kanilang huwad na relasyon, at habang namumuhay sa iisang bubong ay unti-unting nagiging totoo ang nararamdaman nila. Mula sa isang malamig at pekeng kasunduan, unti-unting umusbong ang isang damdaming hindi nila inaasahan—pag-ibig. Pero sa gitna ng mga lihim, pagpapanggap, at sakit, kakayanin ba ng relasyong sinimulan sa kasinungalingan ang paglabas katotohanan?
Romance
10761 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Ang misyon lang ni Solenn nung una ay ang akitin ang batang bilyonaryo kaya ito nagtrabaho bilang isang sekretarya sa Walton Corporation. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na galit at kunot noo na pagtatanong ng chairman sa harap nila Solenn at Marcus habang dumausdos sa lamesa ang mga stolen shot na mga litrato nilang dalawa na magkasama. "May relasyon kayo? Halos mapatid ang litid ng matanda sa loob ng meeting room na yon. "Mauubusan tayo ng investors sa ginagawa mong kahihiyan?" Hasik pa ng chairman matapos nitong pukpukin ang lamesa na nasa harapan. Nakaramdam ng awa si Solenn sa bilyonaryong boss nya na katabi. Alam nyang wala siyang karapatang maramdaman yon sa lalaki dahil kabahagi siya ng plano at bayad siya para dito. Nakita nyang halos hindi maipinta ang mukha ng binata sa harap ng kanyang lolo. Tumikhim lang si Marcus ng walang kakurap kurap, inayos ang sarili sa pagkakaupo. Itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ang chairman. "Solenn!" Buong loob na pagtawag nya sa sekretarya. "Sir?" Tila maamong tupang pagtugon ni Solenn.Walang halos makalabas na boses mula sa kanya. "Ikansel mo lahat ng commitment ko this week," at mataman itong tinitigan ang dalaga sa harap ng matandang lalaki. "Pakakasalan kita, bukas na bukas din." "Ha?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Solenn. Nanatili siyang nakatulala sa narinig. Tumayo ng dahan dahan ang binata , naglakad ng mabilis at hinawakan ang door knob ng conference room. "Iuuwi na rin kita sa condo!" Ani ni Marcus bago lumabas ng pinto. Ano daw? Hindi makapaniwala si Soleen sa narinig. Napahawak ang dalaga sa sariling dibdib at nag unahang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa nya pilit na pinipigilan. Ano na ang gagawin nya? Gulong gulo siya napahawak sa ulo. Pano na? Pagtatanong pa nya sa sarili.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's Triplets On A Secret Mission

CEO's Triplets On A Secret Mission

“Gusto mo akong maging sa ‘yo ulit? Then, kailangan mong mamili. Ako o ang asawa mo?” “Gusto mo bang ikaw ang piliin ko?” “Kung tunay kang lalaki, alam mo kung sino ang pipiliin mo.” Napangisi si Warren at bumulong sa kaniyang tenga. “It doesn't matter if I am a man or not. Mas alam ng katawan mo kung gaano ako kalalaki, kaysa ng bibig mo.” **** Lubos ang sakit at paghihirap na dinanas ni Allison nang siya ay manganak, habang ang kaniyang asawa na si Warren ay nagpakasal sa bago nitong asawa. Ang akala ng lahat ay namatay siya noong araw na 'yon, ngunit ang totoo ay buhay siya sa ibang pangalan at pagkatao. Ngunit ang akala niyang kambal na anak, ay triplets pala! Hindi siya papayag na ibang babae ang kikilalanin nitong ina. Ngayon, ay gagawin niya ang lahat makuha lang ang anak niya, kahit pa isang Warren Harrison na isang bilyonaryo ang makakalaban niya. Pero paano kung hindi lang ang tadhana ang gagawa ng paraan para sa kanila? What if ang triplets nilang anak ay tila nasa isang secret mission para magkabalikan sila? OMG! Triplets On A Secret Mission!
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Ex: She's Back for Revenge

Billionaire's Ex: She's Back for Revenge

Midnight Ghost
“Walang iba doon, dahil ang totoo, mas importante yang kabit mo kaysa sa lahat ng bagay! You always put your mistress in the first line! Lola ko ang usapan dito, Harvey! She is literally your in-law kaya bakit hindi mo kayang bayaran ang mga tao sa presinto gayong ginagawa mo naman iyon tuwing kailangan ng kabit mo ang dugo ko?!” “I said don’t call her that—” “Why? Iyon naman talaga ang dapat itawag diyan sa babaeng 'yan, ah?! A fvcking mistress—” “Shut up!” Napatalon sa gulat si Jessa sa sigaw ni Harvey sa kanya. Jessa did everything to be a perfect wife to her husband, but even though she did everything, it still wasn’t enough because what mattered to her husband was his mistress. Jessa's pain fuels her strength to seek revenge.
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
His Pregnant Ex-Wife

His Pregnant Ex-Wife

iampammyimnida
Hindi makapaniwala si Octavia na sa ilang taong pagsasama nila ng kan’yang asawa na si Lincoln Grey Griffin ay magagawa pa siya nitong saktan at hiwalayan mismo sa kanilang third wedding anniversary. Halos gumuho ang kan’yang mundo nang malaman pa niya ang rason at totoo— “May mahal na akong iba, Octavia at si Dianna iyon. Ilang taon na tayong nagsasama ngunit hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak. Sorry, but let’s have a divorce… I love her, Octavia. I love my secretary.” Iyan ang eksaktong sinabi ni Lincoln sa kan’ya at iniwan na lamang siya basta-basta. Ginawa niya ang lahat para maayos ang kanilang sitwasyon, halos lumuhod siya at magmakaawa sa lalaki ngunit hindi man lang ito naawa. Wala nang mas hihigit pa sa sakit nang malaman din niyang buntis ang sekretarya nito at sa araw ding iyon hindi niya inaasahang buntis siya ng anim na buwan.
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Romance
1028.6K viewsOngoing
Read
Add to library
An Affair With My Stepbrother

An Affair With My Stepbrother

LUZVIMINDA
Sa unang pagtatagpo nila Elyse at Zach ay hindi maikakaila ang isang napaka-pamilyar na pakiramdam. It was lust at first sight. Unang titig pa lamang ng lalaki sa mga mata nito ay umusbong na agad ang kaniyang pagnanasa na maikama ang babae. At, ng mismong gabi ring 'yon ay ibinigay nga ng dalaga ang matagal na nitong iniingatang pagka-birhen. Sa kabila nito ay pinilit niyang kalimutan si Zach. Mabuti na nga lamang at hindi niya naman naibigay ang buong detalye ng kaniyang pagkatao. Kapag nagka-ganoon ay siguradong may posibilidad na hanapin pa siya nito. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana. Nakita niyang muli ito sa hindi inaasahang lugar. Elyse can't deny her feelings as of that moment. Sa totoo lamang ay may parte ng kaniyang puso na hinahanap ang presensiya ng lalaki. His scent, his husky voice, his long manhood that once bring her to heaven. Maging ang simpleng pagtitig nito sa kaniya ay hinahanap-hanap niya. But then she found out a shocking piece of revelation. Kapwa nagulat silang pareho ng ipakilala siya nitong "Stepbrother" ng Ina ni Elyse. Hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking naka-devirginize sa kaniya. Ngunit, paano kung mali siya? Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang sa isang plane crash. Naging dahilan ito upang magsama sa iisang bubong sina Zach at Elyse na kalaunan ay nagbunga ng isang pagkakasala. Piliin kaya ni Elyse ang maging moral? O magpapaalipin siya sa kasalanan kasama si Zach?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status