When The Mafia Falls In Love
Hindi aakalain ni Heaven Langit na magbabago ang buhay niya pagkatapos nang napakalagim na pangyayari sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Bilang isang pole dancer ay hindi niya aakalain na darating ang kinakatakutan niya kung saan magkakagulo at maraming tao ang madadamay lalo na't kilalang sikat ang pinagtatrabahuan niya na binibisita ng mga bigating tao.
Isang gabi bago ang sakuna, lahat nagbago nang makilala niya si Dark Silva. Isa sa mga pinakamayaman at pinakadelikadong tao sa lugar. Nagkatinginan lang pero iba na agad ang apekto nito kay Heaven hanggang sa napansin niya ang lalaking araw-araw na itong bumibisita sa pinagtatrabahuhan nito at araw-araw na ring may gulong nangyayari. Sa mga titig na pinagsaluhan nila, hindi niya lubos na aakalain na mahuhulog siya sa kadiliman hanggang sa hindi niya namamalayan ay nagugustuhan niya na ang kadilimang ito.
Darating ang pag-ibig na siyang hindi nila aakalaing dalawa na pareho silang tatamaan. Mga pangyayaring hindi nila aasahang sabay nilang susuungin. Ang bawat matatamis na luha, mapait na mga tawa at ang nakakalasong pagmamahalan ay siya pa lang magbibigay sa kanila ng labis na tuwa.
Bawat pagsubok ay tatanggapin at bawat laban ay hindi uurungan sa ngalan ng kanilang pag-ibig.