Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire

Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire

She's still getting married but not with her groom-to-be because she's marrying a stranger! “Do you want to change the groom? Then... Why don’t you consider me, Miss? Marry me.” Umawang ang bibig ni Serena sa tinuran ng lalaking kaharap. Ngayon niya pa lang ito nakilala, hindi ba? Kasal kaagad ang inalok nito sa kaniya? Ngunit kung iisipin, ay kailangan niya ng groom… “P–Pakakasal na ako sa 'yo!” kaagad niyang tugon. Gumuhit ang misteryosong ngiti sa labi ng lalaking kaharap niya na siyang nagpalunok kay Serena. “Good decision. Tomorrow, you’ll be my wife.” ***** Bago pa dumating ang araw ng kasal ni Serena ay nahuli niya ang fiancé na si Alex at may ibang babae itong kasiping sa kasama. Ang hinayupak, talagang sa hotel room pa na kanyang binayaran ang mga ito gumawa ng kababuyan! Imbes na humingi ng tawad ay nagawa pa ni Alex na sisihin sa kanya ang ginawa nitong kasalanan. Aminado si Serena na hindi niya pa kayang isuko ang sarili kay Alex, dahil gusto niyang mauna ang kanilang kasal. Ngunit, ito na rin yata ang senyales na tama lamang ang ginawa niya, dahil isa itong manloloko! She didn't give him a second chance, but broke up with him and found another man to marry! Inalok siya ng isang estranghero, tanging alam niya lang sa pagkatao nito ay ex-boyfriend ito ng kalaguyo ni Alex. She agreed to marry the man named Kevin Xavier Sanchez, who turns out to be a billionaire and her big boss! Asawa siya ng isang bilyonaryo? Hindi ba siya nananaginip lang? “You're not dreaming, wife. Whatever I have is yours. My properties, money—everything, it belongs to you now. Do you like that, hmm?” Kakapusin yata si Serena ng hininga! Help!
9.8157.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 4.3K Beses bilang poison hazbin hotel lyrics
Ipakita ang mga Review (29)
Read
+Library
bernard.bautista44
Sobrang ganda ng kwento!! Green Flag si Kevin!! Sana all!! Please author need ko na ng part 2. Sana masagot na din yung ibang katanungan sa part 1. Si rinrin sino talaga siya? At bakit una palang ng kwento interesado na agad si Kevin ke Serena dahil nag alok na pakasalan siya? Luh kinikilig ako
Celerina San Juan
Ngayon lang ako di naboring sa kwento. Sobrang brilliant ng utak mo author i love it! Gusto ko yung love story ni Serena at Kevin! Gusto ko din yung pagiging green flag ni Kevin! Dun palang thumbs up kana agad author! Moreee kilig moments pa 🩷
Basahin ang Lahat ng Review
Stop Seducing Me, Pinsan

Stop Seducing Me, Pinsan

Pangarap ni Dasha na maging isang sikat na author. Gusto niyang makapagsulat ng librong magiging best-seller balang araw. Pero alam niyang hindi magiging makatotohanan ang mga kuwento niya kung wala siyang sariling karanasan, lalo na pagdating sa pag-ibig at sa kama. Kaya isang gabi, dahil sa pangungulit ng mga kaibigan niya, napadpad tuloy sila sa isang bar sa Manila. Doon sila nagsaya, nagpakalasing at sumadyang maghanap ng lalaki kukuhanan ni Dasha ng sinasabi nitong experience sa pag-ibig at sa kama. Nung tumama na ang alak, sakto namang may lumapit sa kaniya na isang matangkad na lalaking guwapo, na talaga namang nagpa-init agad sa pakiramdam niya. Hindi niya alam kung dala ba ng alak o ang matinding curiosity niya bilang writer, pero natagpuan na lang ni Dasha ang sarili sa isang hotel room kasama ang estrangherong iyon. Doon niya naranasan ang isang gabing nagpa-init ng husto, nagparamdam ng sobrang sakit, at sobrang sarap na kailanman ay tila hindi niya malilimutan kahit lasing na lasing siya. Hindi na niya inisip ang magiging kahihinatnan nun. Ang mahalaga, nakakuha siya ng karanasang magagamit niya sa kaniyang pagsusulat. Isang araw, nalaman ni Dasha na magbabakasyon sa kanilang probinsya ang lalaking pinsan niya na hindi pa niya nakikita kailanman. Hindi raw kasi ito mahilig magpakuha ng litrato, kaya kahit sa larawan ay hindi pa niya ito nakilala. Ngunit paano kung sa oras na magkita sila ay matuklasan niyang ang lalaking kumuha ng pagka-birhen niya sa Manila ay walang iba kundi ang pinsan palang si Elco? Paano pa nila haharapin ang isa’t isa, kung ang gabing iyon ay isang pagkakamaling hindi na kayang itama?
73.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 80 Beses bilang poison hazbin hotel lyrics
Read
+Library
ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

Si Anna Soledad "Sol" Madrigal ay isang mataray, matapang at palaban na heiress. Itinakdang ipakasal sa isang lalaking hindi niya mahal bilang bahagi ng pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilyang nagmamay-ari ng isang kilalang hotel at restaurant empire. Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, habang naghihintay ang lahat sa kanyang paglalakad sa altar, pinili ni Sol na tumakas at iwan ang mundong matagal nang nagdidikta ng kanyang buhay. Napadpad siya sa tahimik na bayan ng Monteverde kung saan agad siyang sinalubong ng malas nang manakaw ang kanyang maleta. Sa gitna ng kanyang pagod at inis napagbintangan niya ang estrangherong lalaking nakakita nito, si Crisanto "Cris" Domingo, breadwinner ng kanyang dalawang bunsong kapatid at frustrated chef na kilala sa kanilang lugar dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga luto. Hindi alam ni Sol na ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring may-ari ng Karinderya Sa Kanto na dinadayo ng mga tao ano mang estado sa buhay dahil ang mga pagkain ay may kakaibang lasa at sarap. At bilang heiress ng isang emperyo sa larangan ng mga pagkain, hindi niya eto pwedeng balewalain. Mula sa maling simula na nauwi sa bangayan at asaran, hanggang sa hindi nila namalayang unti unti silang naglalapit, at may namuong pag-iibigan. Sa saglit na panahong namuhay si Sol bilang isang ordinaryong dalaga sa Monteverde, nagkunwaring pinsan ng kanyang kaibigan at nagtrabaho sa karinderya. Ngunit nang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, magiging hahadlang ang agwat ng kanilang estado sa buhay. At may mga taong darating na hahamon sa kanilang pag-ibig. Habang si Cris ay patuloy na hindi bumitaw sa kanyang naudlot na pangarap. Sa pagitan ng pangarap, pride, at pag-ibig, handa ba silang ipaglaban ang isa’t isa?
10890 viewsOngoingIdinagdag sa Library 23 Beses bilang poison hazbin hotel lyrics
Read
+Library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
105.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 200 Beses bilang poison hazbin hotel lyrics
Read
+Library
His Wild Mistake

His Wild Mistake

Eunwoo_bluedust
Si Isabel Herrera ay may tinatakasan na nakaraan. At sa murang edad na labing-siyam ay nagsimula na siyang magpalipat-lipat ng tirahan kasama ang kaniyang anak na lalaki at yaya Lorna na itinuring niya ng parang tunay na ina simula nang pumanaw ang kaniyang biological mom na si Elina. Pagod na pagod na siya sa ganoong routine subalit sa kagustuhang takasan ang bangungot ng kaniyang nakaraan ay wala siyang nagawa kung 'di ang gawin iyon. Nakatatak na sa isipan ni Isabel na hinding-hindi siya magpapapasok ng kahit na sinumang lalaki sa kaniyang buhay kaya lahat ng nanliligaw sa kaniya ay binabasted niya lang. Kahit nga pagkakaibigan lang ay hindi niya pinapahintulutan ang mga ito. Ayon pa nga sa kaniya ay okay lang mamatay siya na walang ibang lalaki sa buhay kung 'di ang anak niya lang . Subalit isang gabi, habang sinusubukang tumakas sa isang birthday party ng kaniyang kasamahan sa trabaho na ginanap sa isang engrandeng hotel ay bigla na lamang may humila sa kaniyang matipuno at ubod ng gwapong lalaki. Sobra-sobra ang pagpupumiglas na ginawa niya sa mga sandaling iyon pero dahil mas malakas ito ng ilang beses sa kaniya ay walang kahirap-hirap siyang nadala ng lalaki sa isang malawak at engrande ring silid. At doon isang mainit at masarap na gabi ang kanilang pinagsaluhan. Napamura pa siya sa isipan kinaumagahan nang bigyan niya ito ng huling sulyap bago umalis. Ang lintik naman kasi, hindi manlang nabawasan ng kahit kaunti ang kagwapuhan kahit tulog at gulo-gulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot niya. Hindi makapaniwala si Isabel sa pangyayaring iyon. Hindi niya akalaing ganoon na lamang siya kabilis na bumigay sa lalaking kahit pangalan ay wala siyang kaide-ideya. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaking iyon na kaniyang nakatalik ay isa pala sa dahilan kung bakit patuloy siyang tumatakas sa nakaraan.
101.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 31 Beses bilang poison hazbin hotel lyrics
Read
+Library
SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE

SOLD TO THE ARROGANT BILLIONAIRE

Si Margo, 22 anyos at nakapagtapos ng secretarial course ,iginapang ang sariling pag-aaral. Nag-iisang siyang anak sa pagkadalaga ng kanyang inang anak mahirap din. Ipinapangako niya sa sarili na itataguyod niya ang mga nakakabatang kapatid sa hirap at pag-aaralin ang mga ito. Ibininta siya nito sa isang mayamang lalake upang matubos ang malaking pagkakautang nila dahil sa pagkalulong ng ina at amain niya sa sugal. Dahil sa poot at galit sa ina ay naggawa niyang magpakalunod sa alak sa bar at natagpuan niya na lang ang sarili isang umaga sa isang hotel room na hubo't hubad at naipagkaloob niya na ang sarili sa estrangherong lalake dahil sa kalasingan. She escaped from that stranger man who took her virginity at dahil nga wala na ang iniingatang puri ay nakiayon na rin siya sa ina na maging pambayad utang. Sa gabing makakaharap niya na ang mayamang lalake ay napag-alaman niya na ang estrangherong lalake na nakaangkin sa kanya ay walang iba kung hindi si Marco Sullivan, ang mayamang lalake na pinagkakautangan ng kanyang ina at amain.Paano na lang kung higit pa sa isang gabing pambayad utang ang gusto ni Marco sa kanya? Gagawin siya nitong sekretarya sa kumpanya nito.Higit pa pala dahil gagawin siya nitong alipin ng araw-araw nitong libog at pagnanasa.Matatakasan niya kaya ang isang Marco Sullivan na isa pa lang arrogant monster? Paano na lang kung ang tingin pala sa kanya ni Marco ay isa lamang laruan at pampalipas oras.Mababago pa kaya ang kapalaran ni Margo kung ang pag-ibig sa puso niya ang pakikinggan niya lalo ng malaman niyang nagbunga ang maraming beses na nangyari sa kanila ni Marco? Paano kung malaman niyang may fiancee na pala ito? Handa kaya siyang ipaglaban ang karapatan ng magiging anak nila ni Marco?
186 viewsOngoingIdinagdag sa Library 7 Beses bilang poison hazbin hotel lyrics
Read
+Library
PREV
1
...
91011121314
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status