Pregnant After One Night With Mr. CEO
Matapos mahuli ni Isabella Reyes ang boyfriend niyang niloloko siya, tuluyan na niyang tinapos ang tatlong taong relasyon nila. Sa gabing iyon, para makalimot kahit sandali, napadpad siya sa isang bar. Doon, sa gitna ng ingay at kagustuhan niyang makalimot, nakilala niya ang isang estranghero. Estrangherong pinaniwalaan niya agad ng buong-buo.
Driven by heartbreak and impulsive emotions, Isabella spends one reckless night with him.
No names.
No expectations.
No tomorrow.
Kinabukasan, iniwan niya ang lalaki nang walang paalam, dahil para sa kanya ay isa lang itong pagkakamali na dapat niyang kalimutan. Pero hindi nakiayon ang tadhana.
Sa paghahanap ng bagong simula, nag-apply siya bilang secretary sa isang malaking kumpanya. Ngunit sa unang araw pa lang niya,nagulantang ang mundo niya nang makilala niya ang CEO. Si Justin Sarmiento.
Ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon. Pinili nilang pareho na kalimutan ang lahat at magpatuloy sa kung ano ang magiging role nila sa kanilang trabaho.
Pero sa kabila ng malamig na pakikitungo, hindi maitatanggi ang tension sa pagitan nila. Ang mga tingin, ang mga alaala, at ang hindi maipaliwanag na koneksyon na nagsimula sa isang gabing dapat ay nakalimutan na.
Habang sinusubukan ni Isabella na mag-move on at magsimula ulit, unti-unti siyang hinahabol ng mga alaala ng gabing iyon. Ang mga haplos, ang halik, at ang paraan ng pagtingin ni Justin sa kanya. At sa bawat araw na magkasama sila sa trabaho, mas nagiging mahirap na panindigan ang kasunduang “nothing happened.”
What started as a mistake slowly turns into something complicated.
Something real.
Something dangerous.
Habang pinipilit nilang kontrolin ang sitwasyon, unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng trabaho at personal na damdamin. At ang isang gabing dapat ay walang kahulugan ay nagiging simula ng isang koneksyon na hindi nila kayang takasan.