PRINCESS DELA BOTE
Mangilan-ngilan lang ang partnerless na tulad niya, napansin nga ni Melinda kaya inihanap siya nito ng makakapares.
Gulat na gulat pa si Ana nang ipakilala na sa kaniya ni Melinda ang lalaking partnerless din na nahanap nito.
“O, hayan, Ana. Siguro naman ay ka-match mo itong si Nikko. Phil Younghusband looks naman iyan. Perfect match kayo ngayong gabi,” masiglang saad ni Melinda. Ngunit agad din itong nagpaalam sa kanila nang may kung sinong tumawag ng atensiyon nito mula sa mga bisita. “O, siya, maiwan o na kayo, ha. Someone needs may attention na. Enjoy each others’ company!”
Hot Chapters