Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
1011.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Iniwan ni Celine, isang kilalang modelo, ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng pagmomodelo alang-alang sa kahilingan ni Nicolas at ng kanyang biyenang babae. Ngunit ano ang kanyang napala? Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, ipinakilala ni Nicolas ang ibang babae bilang kanyang kalaguyo—dahil lamang hindi mabigyan ni Celine ng anak si Nicolas, at hindi rin siya makapagbigay ng apo sa kanyang mga biyenan. Lingid sa kaalaman ni Nicolas at ng kanyang pamilya, nagdadalan-tao na pala si Celine. Balak niyang ibalita ang magandang balita sa gabi ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Subalit, matapos ang maraming pagtitiis at pananahimik, dumating din ang oras na sumuko si Celine. Pinili niyang tuluyang lumayo sa buhay ni Nicolas. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis, at sa halip ay nangakong ipapalasap sa asawa at biyenan ang sakit ng pagkakanulo sa kanya. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Romance
14.6K viewsCompleted
Read
Add to library
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
Romance
1055.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Romancing My Fake Sister-in-law

Romancing My Fake Sister-in-law

They started with a fling. Valerie met Ezekiel in New York while finishing her studies. And their first meeting begins with an intimate connection that becomes their addiction. Pero biglang humiling ang binata ng higit pa sa isang sexual relationship. Gusto siya nitong pakasalan. Kung kailan nahuhulog na ang loob niya sa binata ay bigla namang namatay ang kakambal niya’ng si Vanessa, na sana’y ikakasal na sa anak ng business partner ng kanilang ama. Obligado siyang akuin ang responsibilidad at gamitin ang identity ng kapatid upang isalba ang kanilang negosyo. She sacrifices her feelings towards Ezekiel and marries Edmund Villareal using her sister’s identity. At sa gabi ng wedding party ay biglang sumulpot si Ezekiel, na pinakilalang nakababatang kapatid ni Edmund sa ama. His appearance started disastrous stress in her life, especially when he desperately won her attention, reminding her how she became obsessed with him. How could she avoid the conflict when her body and heart seemed devoted to Ezekiel?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
He Rejected My Marriage Proposal

He Rejected My Marriage Proposal

Chief Secretary na maaasahan lagi sa umaga, at isang nakakaakit na kasalo sa kama tuwing gabi—iyan ang buhay ni Bona Sobrevega sa mga bisig ni Sean Fernandez. Matapos ang tatlong taon na pagsasama at pag-aalaga sa isa’t isa, inakala ni Bona na pantay ang nararamdaman nila. Kung kaya’t nang alukin niya ang lalaki ng kasal, hindi niya inaasahang guguho ang mundo niya nang sabihin nitong walang halong pagmamahalan ang samahan nilang dalawa maliban sa kanilang mga katawan. Mula noon, umiwas na siya’t tinalikuran ang buhay kasama ang lalaki. Umangat ang kanyang karera at naging isang tanyag na abogada na walang tumangkang kumalaban sa kanya sa komunidad. Dumami ang mga manliligaw at dito’y nagkukumahog na gumapang pabalik sa kanya, puno ng pagsisisi, ang lalaking minsan na niyang minahal ilang taon na ang nakalilipas. Ngunit sa mga pagkakataong ito—wala na siyang nararamdaman para dito.
Romance
940 viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)

Unexpected Marriage (Bud Brothers Series 1)

'Yong feeling na ipinagkasundo ka na palang ipakasal sa taong kinamumuhian mo. Sa isang taong makita mo pa lang ang mukha umiinit na ang ulo mo. 'Yong taong hindi mo makasundo. Ni sa hinagap 'di mo man lang pinangarap na makasama habambuhay. Lust or love at first sight? 'Yong feeling na makakita ka ng isang Adonis na nakatapis lamang ng tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito. Sa 'di mo inaasahan na lugar at pagkakataon. 'Yong tipong tumakas ka sa kanilang lahat pero napadpad ka naman sa isang lugar na mas ikakapahamak mo. Magpapadilim ng kapalaran mo. Lugar kung saan naisuko mo ang pinakaiingatan mo. Sa lalaking 'di mo lubos kilala ang pagkatao at ayaw mo. Sa isang lalaking hinusgahan kaagad ang pagkatao mo. Ano ang gagawin mo kung sa paglipas ng mga araw na nakakasama mo s'ya sa iisang bubong ay unti-unting nahuhulog ang loob mo sa kanya? At pa'no kung kailan hulog na hulog ka na. Ibinigay mo na ang lahat na meron ka sa kanya. Wala ka nang tinira pa para sa sarili mo. Saka naman isa-isang nagsipagsulputan ang mga babae n'ya. Tatanggapin mo ba ang pagsusumamo n'ya sa'yo? Mga pangakong magbabago s'ya para sayo? Maniniwala ka bang magbabago ang isang certified playboy dahil sayo? Ano ang gagawin mo kung isang araw malalaman mong nakabuntis ng ibang babae ang lalaking mahal na mahal mo na? Ang lalaking inakala mong s'ya na ang "THE ONE" mo. Mapapatawad mo pa ba s'ya or tatakas kang muli?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)

Isabelle Osorio is a strong, single, and independent woman ngunit desperada. Nasa bingit ng pagkawala ng lahat ng ari-arian ang pamilya niya at ng pagkakalubog nila sa utang. At ang solusyon? Kasal sa isang lalaking hindi pa niya nakilala ni minsan, isang milyonaryo na ang usap-usapan ay may pusong bato. Ngunit sa gabi ng kanyang bridal shower, namagitan ang tadhana. Hindi niya gusto ang kasal, ngunit hindi rin niya gusto ang magtaksil sa mapapangasawa niya—subalit nagising na lamang siya sa piling ng macho dancer na inarkila para sa bridal shower niya Isang gabing pagsinta at isang lihim na magpapabago sa buhay niya. Makalipas ang isang buwan, nagimbal siya sa balita na siya ay nagdadalang tao. Ngayon, nahaharap siya sa isang desisyong magpapabago sa buhay niya— ang pakasalan ang lalaking hindi niya mahal o yakapin ang hindi inaasahan at ipaglaban ang kanyang kaligayahan? He got her pregnant. But could he get her heart?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming My Badass Boyish Wife

Taming My Badass Boyish Wife

Elijah Capistrano-- a well known playboy and happy-go-lucky guy na walang ibang ginawa kung hindi ang magpa-iyak at maglaro ng damdamin ng mga kababaihan. Paano kung isang araw ay ipilit sa kaniya ng kaniyang ama na ipakasal siya sa babaeng hindi naman niya gusto-- at ang worst pa ay hindi naman talaga isang tunay na babae kung hindi isang tomboy na mas babaero pa yata kaysa sa kaniya. Si Alexis Montecillo-- ang astig na tomboy na anak ng bestfriend ng daddy niya. Paano kaya niya mapapa-ibig ang babae kung para itong isang tigre sa katapangan? Makuha kaya niyang mapalambot ang matigas nitong puso at mapaamo ito? O ito ang unang makapagpapa-amo sa mapaglaro niyang puso?
Romance
352 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying The Blind Master

Marrying The Blind Master

Since they were kids, Francine always had her sister on her side and for her, she was her ultimate ally—until her sister decided to run with her boyfriend and left her fiance, ang malala pa ay siya ang ipinakasal sa lalaking iyon na sa tanang buhay ay hindi niya nakilala! Para siyang sinaksak patalikod ng taong akala niya kakampi niya sa lahat, at para sa mga magulang niya ay isa lang siyang kuting na kayang-kayang ipamigay. Ngunit nang makita niya si Jordan Ivanov at sa mga araw na pananatili sa puder nito, tila ba nag-iba ang ihip ng hangin. Sabi nila, malupit daw ang lalaki, masama na ang mukha at pati ugali pero kung siya ang tatanungin... hindi naman pala.
Romance
10474 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status