Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
1011.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

Territorial Mafia Men Series #1: DEMETRI SYLVESTRE (SSPG) Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Mafia
1027.1K viewsOngoing
Read
Add to library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Paano kung malaman mo na ang minamahal mo ay maraming sikreto? Hindi aakalain ni Heaven Langit na magbabago ang buhay niya pagkatapos nang napakalagim na pangyayari sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Bilang isang pole dancer ay hindi niya aakalain na darating ang kinakatakutan niya kung saan magkakagulo at maraming tao ang madadamay lalo na't kilalang sikat ang pinagtatrabahuan niya na binibisita ng mga bigating tao. Isang gabi bago ang sakuna, lahat nagbago nang makilala niya si Dark Silva. Isa sa mga pinakamayaman at pinakadelikadong tao sa lugar. Nagkatinginan lang pero iba na agad ang apekto nito kay Heaven hanggang sa napansin niya ang lalaking araw-araw na itong bumibisita sa pinagtatrabahuhan nito at araw-araw na ring may gulong nangyayari. Sa mga titig na pinagsaluhan nila, hindi niya lubos na aakalain na mahuhulog siya sa kadiliman hanggang sa hindi niya namamalayan ay nagugustuhan niya na ang kadilimang ito. Darating ang pag-ibig na siyang hindi nila aakalaing dalawa na pareho silang tatamaan. Mga pangyayaring hindi nila aasahang sabay nilang susuungin. Ang bawat matatamis na luha, mapait na mga tawa at ang nakakalasong pagmamahalan ay siya pa lang magbibigay sa kanila ng labis na tuwa. Bawat pagsubok ay tatanggapin at bawat laban ay hindi uurungan sa ngalan ng kanilang pag-ibig.
Romance
105.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Rebounds in Love

Rebounds in Love

Natuklasan ni Jenna na ang BF niya ay isang gold digging fake. Naglasing siya and she passed out. Topher, another artist from work and a pretty handsome hunk, came to the rescue. Nang magising siya ay nasa bahay na siya nito, and he took care of her because he didn't know where else to bring her. Invited na makasama ito sa lonesome nitong Christmas Eve, she stayed. Nalaman niyang pareho silang broken-hearted, and one thing led to another… by morning they are lovers. Gumanti si Jenna sa kanyang manlolokong ex saka umalis para magbakasyon sa Bali. When she came back, she realized she couldn't forget Topher and their time together. Pero ang kaba niya na baka hindi sila pareho ng nararamdaman ay nawala sa unang sandali pa lang na nagkita silang muli, when he welcomed her with his hot, delicious brand of kiss. They couldn't get back to bed fast enough. Situations seem to help them to continue their fling secretly… and she told herself it was just rebound… nag-e-enjoy lang sila. They both deserve it. And yet, she is starting to feel like she couldn’t let him go anymore. And the problem with rebounds is they have an ex they couldn't move on from… you know. And Topher's ex wanted him back…
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
After the Daylight

After the Daylight

Nang magising si Zinnia gulat siyang nakatingin sa kanyang katawan na hubo't hubad. Tiningnan niya ang lalaki na sarap sa pagtulog, naalala ni Zinnia na ito ang lalaking nakatinginan niya kagabi, dahan-dahan siyang tumayo at binitbit niya ang kanyang mga gamit, kalaunan ay patuloy siyang umalis. Nang magising ang lalaki ay agad niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na hanapin ang babaeng kanyang nakasiping upang panagutan at pakasalan ito. Ilang araw ang nakalipas ay nalaman ni Zinnia na buntis siya at hindi lamang ito isang sanggol kundi tatlo, naging masaya naman siya subalit malungkot niyang naisip na baka hindi niya kayang gampanan ang pagiging ina. Naisip niya ang lalaki sa bar subalit pumasok ulit sa kanyang isipan na baka hindi ito panagutan ng lalaki. Habang naglalakad si Zinnia ay bigla niyang nakasalubong ang lalaking ama ng kanyang mga anak, malamig siyang tinitigan nito ngunit maya-maya lang ay ngumiti ito. ganun pa man ay hindi alam ni Zinnia kung ipagtatapat niyang nabuntis siya nito. Tinanong ng lalaki kung ano ang nais ni Zinnia, naisip ni Zinnia na kailangan niya ng pera. Binigyan naman agad ng lalaki si Zinnia ng pera. Malungkot na naisip ng lalaki dahil kagaya pa rin si Zinnia ng ibang babae na pera lamang ang habol sa kanya. Isang araw habang naglalakad si Zinnia ay bigla siyang may nakabangga, isang babae na mayaman ang dating. Humingi ng tawad si Zinnia subalit hinusgahan lamang siya nito, sabi-sabi pa ng iba na ang babaeng ito ang nakatalang ipapakasal sa isang pinakamayang CEO na si Mr. Youtan.
Romance
107.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Protecting the Playboy Mayor

Protecting the Playboy Mayor

Protecting the playboy Si Ayesha Kate “Katey” Montenegro, 26, ang nag-iisang babae sa pamilya Montenegro at pangarap maging detective, ay may bagong misyon: protektahan ang pinakasikat at pinaka-charming na playboy sa lungsod, si Mayor Calvin Fuentebella. Si Calvin? Lahat ng babae ay nahuhulog sa kanyang charm… maliban kay Katey. Sa bawat araw nilang magkasama, may tension, kilig, at nakakatawang eksena—habang unti-unti nilang nadidiskubre ang isa’t isa. Ngunit hindi biro ang misyon—kapag dumating ang panganib, kailangang ipakita ni Katey ang kanyang tapang bilang bodyguard. Sa huli, sa kabila ng mga intriga at eksenang nakaka-excite, matutunan nilang mahalin at igalang ang isa’t isa… at baka sa wakas, matutunan ni Calvin na may babae ring hindi basta-basta matatalo.
Romance
10781 viewsOngoing
Read
Add to library
The Donor Named Seven

The Donor Named Seven

Wala ng ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda ng hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asaya o nobyo man lang. Kaya ng minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na ni Hillary ang suhestiyon ng kaibigan niya na maghanap ng lalaking magbibigay ng anak sa kanya at pagkatapos ay kalimutan na lang ang gabing iyon. Pero hindi sumang ayon ang tadhana kay Hillary. Hindi siya nabuntis. At lalong hindi niya pwedeng kalimutan na lang ang gabing may nangyari sa kanila ng guwapong estranghero. Buong akala niya ay hindi na muling makikita pa ang estrangherong iyon pero gusto na niyang kumaripas ng takbo pauwi ng magkita sila ulit nito. Sa isang kasal kasi ng isa sa mga kaibigan niya, nagkita sila ni Seven Fuentes---ang lalaki sa bar na ubod ng macho, gwapo at bango. At ang loko, pinilit siyang saluhin at makipag agawan sa wedding bouquet dahil sa pagbabanta nitong sasabihin sa mga kaibigan niya ang nangyari sa pagitan nila. Wlaa siyang pagpipilian dahil hawak ni Seven ang sekretong ipinamba-blackmail nito sa kanya.
Romance
1013.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.8K viewsCompleted
Read
Add to library
My Brutal Wife (Tagalog)

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!
Romance
1029.5K viewsOngoing
Read
Add to library
HE IS OLDER THAN ME

HE IS OLDER THAN ME

Si Annie ay isang 16 years old girl nang makilala niya ang isa sa mga VIP client ng company ng kanyang Papa. Na siyang binabantayan naman ng kanyang Kuyang si Edmon. Bagamat hindi naging maganda ang simula nang kanilang pagkikita ay nakadama parin siya ng kakaiba para sa binata. Sa hindi nila inaasahang pangyayari ay natagpuan si Annie sa silid mismo ni Dave sa mismong hotel kung saan ginanap ang kanyang seventeenth birthday. At dahil doon ay kapwa sila natali sa isang kasunduang magdudugtong pala sa kanilang mga puso at buhay. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Matutuhan kaya nilang aminin ang mga damdaming nakatago sa kanilang mga puso? Magawa kayang ibigin at mahalin ni Annie si Dave kahit na ito ay mas matanda sa kanya ng labing anim na taon? Maamin naman kaya ni Dave ang tunay niyang damdamin para sa dalagang noon pa pala niya minamahal?
Romance
1072.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status