The Man I was Never Meant to Love
Lumaki si Kiara sa mundong puno ng bawal, bawal magkamali, bawal lumaban, bawal magmahal nang sarili niyang paraan. Kaya nang ipilit ng mga magulang niya ang arranged marriage niya kay Zoren, ang cold at dutiful heir, wala siyang nagawa kundi sundin ito, kahit na ramdam niyang hindi iyon ang buhay na gusto niya.
Pero ang hindi nila alam ang tunay na panganib ay hindi ang lalaking papakasalan niya, kung hindi ang kapatid nito na si Noah, isang rebelde, wild, at mapusok. Lalaking parang unos na biglang pumasok sa tahimik niyang mundo.
He is everything she should stay away from, a man who rides too fast, lives too freely, and kisses like sin. Pero siya lang ang nakakita sa Kiara na matagal nang nakakulong. Siya ang nagpakita ng kalayaan, saya, at pagmamahal na hindi kailanman inalok sa kaniya.
Hanggang unti-unti, nahulog siya sa lalaking hinding-hindi dapat naging bahagi ng buhay niya. Pero may tinatagong lihim si Noah, isang katotohanang itinago ng pamilya nito para protektahan ang pangalan nila. A secret that proves he was never ment to be in Kiara's world... or in her heart.
Kakayanin ba nilang lumaban sa ano mang unos na kanilang mararanasan? Kahit na alam nilang bawal, mali, at madaming tutol dito.
He was the man she was never meant to love pero siya rin ang lalaking hindi niya kayang pakawalan.