Ang Maalindog na Maid ni Señorito Lorenzo
Siguro ay iiwasan ko na lamang lutuin ang kare-kare, baka may hindi siya nagustuhan sa paraan ng pagkaka luto ko kaya siya nagalit at ininsulto ako.
“Good morning miss Rose, how are you today?” nakangiting tanong ko sa rosas na kasalukuyan kong dinidiligan.
Palagi kong kinakausap ang mga halaman dito, turo ito ng lola ko noong nasa probinsya pa ako na kung gusto ko raw umusbong ng maganda ang mga bulaklak ay kailangan kong kausapin ang mga ito.
“Ang hilig mo talagang kausapin ang mga halaman, Carmella,”