Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

“Kahit minsan ba nagawa mo akong mahalin sa tatlong taon nating pagsasama?” Pinahid ni Felicia ang mga luhang walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata at nagpatuloy. “Kahit katiting lang?” Batid ni Felicia na sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay itinapon na niya ang lahat ng kanyang natitirang dignidad. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ginagawa niyang kamartiran. Hindi ito deserve ni Xander dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Subalit tila ba may sariling buhay ang kanyang puso sapagkat kahit na anong gawin ng lalaki sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal para rito. Marahas na binawi ni Xander ang kanyang braso. “What do you think, woman? What do you think is my answer?” Napalunok si Felicia. “N-Nainitidihan ko,” she answered softly. “Xander… I am sorry if my love made you this miserable.” ************* Sa loob ng tatlong taon, umasa si Felicia na matututunan din siyang mahalin ni Alexander Buenaventura. Subalit ni katiting na pagmamahal ay hindi siya tinapunan ng lalaki. Sa halip, matinding galit at pagkapoot ang namayani sa puso ng binata dahil sa paniniwala nitong minanipula ni Felicia ang kanyang lola upang sila'y maikasal. Finally, Felicia had enough. She left Xander and moved on with her life. Ipinagpatuloy ni Felicia ang naudlot niyang pangarap, ang pagdo-doktor. Pinilit niyang kalimutan ang lalaking dumurog sa kanyang puso, kasama ang naging bunga ng kanilang una’t huli pagniniig, si Caleb. Sa loob ng anim na taon, naging mapayapa ang buhay ni Felicia. Subalit isang araw, muling nag-krus ang mga landas nila ni Xander. At sa pagkakataong ito, gagawin ni Xander ang lahat upang bumalik siya sa kanya.
896 viewsOngoingAdded to Library 34 Times as runaway
Read
+Library
Contracted Surrogate of the Zillionaire

Contracted Surrogate of the Zillionaire

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon at iyon ay si Ahtisa. Dinala ni Kairon si Ahtisa sa pribadong isla upang itago at maproteksyonan siya. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na nahuhulog na ang kaniyang loob kay Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!
9.631.0K viewsOngoingAdded to Library 773 Times as runaway
Read
+Library
My Boss is a Bastard Maniac

My Boss is a Bastard Maniac

SYNOPSIS: Mahal na mahal ni Nian ang kanyang ina at kapatid. Dahil sa hirap ng buhay, pinasok niya ang iba’t ibang uri ng trabaho para kumita. Sa unang gabi pa lamang sa kanyang bagong trabaho, nagkamali na agad siya, ang masungit na si Zacharias ang kanyang nakahalikan sa halip na ang uncle nito. Malaking halaga na iyon para sa kanya, kaya naman napagdesisyunan niyang huwag na lamang ituloy ang ganoong klaseng trabaho. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo sina Nian at Zacharias. Nakilala niya ang anak nitong si Zachu na nangangailangan ng tulong. Nalaman ni Nian na ayaw ng bata sa fiancé ng kanyang ama dahil sa pagiging hipokrita nito. Dahil dito, nagdesisyon si Nian na maging babysitter ni Zachu upang protektahan ang bata at akitin si Zacharias para maghiwalay ang dalawa. Pero nabaliktad ang lahat—si Zacharias ang lumalandi at umaakit sa kanya. Habang tumatagal, nahulog ang loob ni Nian sa lalaki at nagkaroon sila ng lihim na relasyon. Naibigay niya ang nais ng lalaki at nagbunga iyon. Gayunpaman, hindi sigurado si Nian kung mahal siya ng lalaki dahil hindi nito hinihiwalayan ang fiancé niya. Natatakot siyang baka pampalipas-libog lamang siya o ginagamit lamang para makapaghiganti kay Cherry. Pinili ni Nian na lumayo na lamang at mag-isang palakihin ang anak sa kanyang sinapupunan. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkita ang dalawa. Galit si Zacharias at malamig ang pakikitungo sa kanya. Ngayon, nahihirapan si Nian kung paano sasabihin sa lalaki na siya ang ama ng bata. Sa kabila ng mga pagsubok, naayos na ang mga hindi pagkakaintindihan ay siya namang pagbalik ng unang pag-ibig ni Zacharias—si Artemis. Paano siya lalaban kung sa umpisa pa lang ay talo na siya?
10165 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as runaway
Read
+Library
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
1018.7K viewsOngoingAdded to Library 655 Times as runaway
Read
+Library
Silhouette of Desire (SPG)

Silhouette of Desire (SPG)

Warning: Mature Content‼️ “Sa dami ng lihim ko, ikaw lang ang hindi ko kayang itago.” Matapos ang isang masakit na pagtataksil, pinili ni Amara na itago ang kanyang puso at ituon ang sarili sa bagong buhay. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Adrian Villanueva- isang makapangyarihan at misteryosong lalaki na may malamig na reputasyon at madilim na nakaraan. Sa isang hindi inaasahang kasunduan, napilitan silang magpanggap na magkasintahan. Habang tumatagal, ang simpleng pagpapanggap ay nauwi sa mapanganib na pagnanasa at damdaming hindi na kayang pigilan. Ngunit sa likod ng bawat yakap ay may mga lihim na maaaring sumira sa kanila. Kapag lumabas ang katotohanan, pipiliin ba nila ang pag-ibig o tuluyang maglalaho ang lahat tulad ng mga aninong minsang naglapit sa kanilang dalawa?
106.7K viewsOngoingAdded to Library 227 Times as runaway
Read
+Library
Misery Business

Misery Business

Kastiel Devoncourt was hiding in a certain group where her father indebted with. Si Kastiel ang ginugulo ng mga ito dahil ito raw mismo ang magiging kabayaran dahil sa pagsusugal ng kaniyang Ama. Ngunit sa hindi inaasahan, nagtagpo ang landas ni Kastiel at Reiden Grei nang magtago ang dalaga sa kotse nito kaya naman para maka-survive si Kastiel, Reiden offer her a job. "Be my secretary and your secrets will be safe inside my company." Should Kastiel trust him, a mysterious man named Reiden Grei?
1.6K viewsOngoingAdded to Library 54 Times as runaway
Read
+Library
The Contract: Beginning of His Obsession

The Contract: Beginning of His Obsession

"To hell with the contract. This is my playground, Adelina... and you happen to be my favorite toy." ........ Dahil sa desperasyong maisalba ang ina, napilitan si Adelina Sanchez na pasukin ang madilim na mundo ng prostitusyon. Doon niya nakatagpo si Carter Vergara, at ang gabing kanilang pinagsaluhan ay nagbunga. Ngunit pinili ni Adelina na palakihin ang bata nang mag-isa dahil sa takot na hindi ito tanggapin ng lalaki. Limang taon ang lumipas. Muling pinagtagpo ng tadhana ang dalawa—pero hindi siya kilala ni Carter. Upang tustusan ang operasyon sa puso ng kaniyang anak—ang parehong sakit na pumatay sa kaniyang ina—tinanggap ni Adelina ang isang mapangahas na kontrata: ang maging surrogate mother nina Carter at ng asawa nitong si Fatima. Ngunit ang kasunduang ito ay hindi dadaan sa siyensya—kailangang ibigay ni Adelina ang kaniyang buong katawan kay Carter hanggang sa makabuo sila ng tagapagmana. Sa ilalim ng iisang bubong, magliliyab ang isang makasalanang ugnayan. Magsisimula ang isang obsesyong hindi na kayang kontrolin ni Carter—isang obsesyong kahit anong takas ni Adelina, pilit at pilit pa rin siyang mahahanap nito.
10332 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as runaway
Read
+Library
The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

Pinilit ikasal si Alyssa Ramirez kay Liam Navarro - ang cold at walang pusong heir ng isang makapangyarihang pamilya. Para sa kanya, isa lang siyang kontrata. Para kay Liam, isa lang siyang sakripisyo. Pero nang mabasag ang puso niya at makita ang pagtataksil ng asawa, naglaho rin ang Alyssang mahina at sunud-sunuran. Umalis siya, dala ang pinakamatinding sikreto na kayang baguhin ang lahat: ang tatlong anak ni Liam - ang triplets na hindi nito alam. Pagbalik niya, hindi na siya ang babaeng minamaliit. Siya na ang reyna sa likod ng VÉRAISE - isang luxury empire na magpapabagsak sa mga taong sumira sa kanya. Handa siyang ipaglaban ang korona, ang mga anak niya, at ang dignidad na inagaw sa kanya noon. Ngunit sa muling pagtama ng mga mata nila ni Liam, isang mas mabigat na laban ang nakahanda: hindi lang para sa paghihiganti... kundi para sa pamilya at pag-ibig na pinilit nilang sirain pero itinadhana palang buuin muli
9.634.2K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as runaway
Read
+Library
The Billionaire's Captivated Bride

The Billionaire's Captivated Bride

Warning ⚠️ SPG 🔞 Lorenzo Del Mundo, isang makapangyarihang bilyonaryo na nababalot ng galit at paghihiganti. Matapos siyang pagtaksilan ng kanyang kasintahan, itinakda niyang sirain ang buhay ng karibal niyang si Chadrick Villanueva—sa pamamagitan ng pag-angkin sa fiancée nitong si Faye Salvacion. Sa isang iglap, nagkagulo ang tahimik na mundo ni Faye nang matuklasan ang pagtataksil ng kanyang fiancé kay Elara Reyes, ang babaeng hindi niya akalaing konektado rin kay Lorenzo. Ngunit ang pagsagip ni Lorenzo sa kanyang nasirang puso ay may kapalit—isang nakakalunod na laro ng pang-aakit at panlilinlang. Alam niyang delikado ang mahulog sa bitag ng bilyonaryo. Pero paano siya lalaban kung ang kanyang puso ay unti-unting bumibigay?
108.7K viewsOngoingAdded to Library 288 Times as runaway
Read
+Library
The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

The Zillionaire Ex-Wife's Revenge

Hindi lubos akalain ni Lyndsey na ang kaniyang asawa na si Ezekiel Hussein ay may ibang babae sa labas. Aksidente niyang nalaman na buntis ang kabit nito kaya napagdesisyon niyang hiwalayan na ang kaniyang asawa nang tuluyan. Humingi siya ng tulong sa kaibigan ng kaniyang kuya na isang abogado para ayusin ang kanilang divorce paper. Pero nang malaman ni Ezekiel na nakikipagkita ang kaniyang asawa sa ibang lalaki ay nagalit ito, ngunit hindi nagpatinag si Lyndsey. Desidido siyang hiwalayan ang asawa. Sa kabilang banda, gumagawa nang paraan si Aerah, ang kabit ni Ezekiel, para tuluyang masira si Lyndsey hindi lang kay Ezekiel kung hindi pati na rin sa buong pamilya nila. At dahil buntis siya, mabilis niyang napaniwala ang lahat na naging dahilan ng galit nila kay Lyndsey. Sa sobrang pang-aapi at pagkapuot na naramdaman ni Lyndsey, pumasok sa isipan niya ang maghiganti. Ginawa niya ang lahat upang akitin ang dating asawa at pagtaksilan ang kapatid niya gaya ng ginawa nito sa kaniya noon. Ngunit hindi nakayanan ni Aerah ang ginawa ni Lyndsey at Ezekiel kaya nakunan ito. Ang gusto lang ni Lyndsey ay maramdaman ni Aerah ang ginawa niya sa kaniya noon, ngunit hindi niya ginustong mawala ang batang dinadala nito. Sa sobrang guilty niya, naisipan niya na lamang magpakalayo-layo ngunit hindi niya inaasahan na ang pagtataksil nila ng dati niyang asawa sa kaniyang kapatid ay magbubunga.
10879 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as runaway
Read
+Library
PREV
1
...
2223242526
...
41
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status