Secretly Owned By The Hot Mayor
CONTENT WARNING: This story contains mature/adult content, violence, swears or curses, murder, and disturbing scenes.
He has power and he rules people. Ludwick Dargan has nothing to lose. Bilang panganay sa limang magkakapatid, walang ibang role sa kaniyang buhay si Ludwick kung hindi ang maging perpekto—perpektong anak at public servant. At para manatiling perpekto sa mata ng pamilya at nasasakupan, gagawin niya ang lahat para mapanatili ang paghanga ng karamihan, kabilang na doon ang pagtago sa kaniyang kasintahang si Sadie.
Pero isa lang si Sadie sa mga itinatago niya. Sa likod ng napakaguwapo niyang mukha at napakabangong pangalan ay ang ilan pang sekretong walang sino man ang puwedeng makaalam.