Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Isang Gabing Pagsasalo

Isang Gabing Pagsasalo

Si Beatrix Del Rosario ang bunsong anak ng mga Del Rosario. Pitong taon na itong kasal kay Miggy Sandoval ngunit dahil sa hindi niya mabigyan ng anak ang kanyang asawa ay nagawa nitong mangaliwa sa kanyang pinsan at gusto siyang hiwalayan. Dala ng sakit ay nagpakalasing siya at nagawa pang humila ng isang lalaki sa hotel para lamang mapawi ang sakit na nararamdaman. Paggising sa umaga ay ni ayaw niyang makilala ang lalaking nakasiping at tanging ang tattoo lamang nito sa likod ang kanyang naaalala. Sinubukan niyang kalimutan iyon at ipokus ang sarili sa kumpanya lalo pa't malapit na silang matalo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kinasuklaman sa taglay na kahambogan at isa ang lalaki sa suspect niya sa pagkamatay ng kanyang pamilya. Ngunit paano kung magbunga ng kambal ang isang gabing dala ng kalasingan? At paano kung makita niya ang tattoo sa likod mismo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kaaway? At paano siya magiging masaya nang tuluyan kung nakatali pa siya sa dati niyang asawa?
Romance
10396.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Hot Tempered Man

My Hot Tempered Man

A story of a girl who loves money. She work a lot to support her studies and her family. She is struggling everyday. Every morning she's at school while every night she's working at the bar as a waitress. Dahil sa di inaasahang pagkakataon nagkatagpo sila, she is serving a drink with them while they are transacting something. Binibilisan kong maglagay ng kanilang inumin dahil sa natatakot ako sa kanilang mga hisura, they are all wearing black clothes and all have a serious look na talagang matatakot ka kapag. Napaka intimidating ng kanilang hitsura. Dahil sa nerbyos  natapilok ako, akala ko deretso na ang mukha ko sa sahig pero sa kasamaang palad sa matikas na dibdib ako bumagsak. Ang bango, sa sobrang bango nito napatulala ako at napapikit nasa ganoon akong tagpo ng biglang may tumutok na baril sa ulo ko. Nagulat ako kaya bigla akong napahiwalay dito, bigla akong napapikit akala ko ipuputok na ang baril sa akin ng biglang may magsalita "put that gone away" halla ang boses nakakatakot bigla tuloy akong kinilabutan. Bigla akong tumayo at tumingin sa nagsalita, napaawang ang bibig ko. Ang gwapo halos hindi na ako kumukurap sa pagkatitig dito.....      Tunghayan natin ang nakaka exciting na kwento nina Issa at Karl. You will gonna love this story. Isang kwento ng isang mafia lord na nain love sa isang ordinaryong babae na walang hinangad kundi kumita ng pera. Isang nakakatawa, nakaka-inlove at nakakatakot na kwento.
Mafia
102.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE

Hindi lubos maisip ni Althea na matatapos ang noon ay mala-fairy tale love story nila ng kanyang asawa na si Hendrix. Hindi kaagad niya napansin ang naging pagbabago rito, hanggang sa para nalang itong bomba na sumabog sa mukha niya. Her husband is cheating on her, at alam ito halos ng lahat ng mga kaibigan nila maliban sa kanya. Nang kinompronta niya ito ay madiin nitong itinatanggi ang mga paratang niya, kahit pa ba matibay ang mga ebidensyang nakakarating sa kanya. Dahil sa sakit, pumayag si Althea sa prinopose ng mother-in-law niya, ang sikretong papirmahin ng annulment papers si Hendrix at siya na raw ang bahala rito. Kapalit ng pagpayag niya ay ang malaking halaga na ibibigay ng mother-in-law niya. Pero sapat nga bang kabayaran ang pera para sa sakit ng pagtataksil ng asawa na noon ay labis niyang minahal?
Romance
9.4111.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Death Whisperer

Death Whisperer

Maja Rocha
MADILIM. Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising -na handa na siyang gumising -mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano. Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita. "Nasaan ako?" ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot. Hanggang sa may nakapagbanggit sa kanya ng kinaroroonan niya. "Hindi ito langit. Hindi rin ito impyerno," sabi ng isang lalaking walang permanenteng pangalan, na kanyang "taga-bantay." Sunod nitong ipinaliwanag na patay na siya at binigyan siya ng bagong buhay sa bagong mundong ginagalawan niya.
Mystery/Thriller
106.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Tito Maximillian's Obsession

Tito Maximillian's Obsession

Nahuli ni Louissa ang asawa na si Miguel katalik ang matalik niyang kaibigan na si Leandra, mismong sa gabi pa ng libing ng kanilang anak. Nadurog ang puso niya sa nasaksihan. Sa isang gabi, nawala ang lahat sa kanya—ang anak, ang tiwala, at ang pagmamahal na pinanghawakan niya nang matagal. Sa gitna ng matinding sakit, nagpakalunod siya sa alak at nagising na may katabi ng isang matipunong lalaki at pareho silang hubo't hubad. Kilala niya ang lalaki, kilalang-kilala niya, ngunit hindi niya inaasahang magkikita pa silang muli. Dahil ang lalaking iyon… ay ang tiyuhin ng sarili niyang asawa. Ang Tito Maximilian nito na isang bilyonaryo at kilalang abogado Sa harap ng dobleng pagtataksil, pinili ni Louissa na kalimutan ang dati niyang paniniwala. Kung nagawa siyang saktan ng asawa niya, bakit hindi rin siya gumanti? Sa isang laro ng puno ng tukso, lihim, at paghihiganti—hanggang saan siya handang bumaba para lang ibalik ang sakit na ipinadama sa kanya?
Romance
10161 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1029.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Bakit Mahal Pa Rin Kita?

Bakit Mahal Pa Rin Kita?

After almost a decade, muling nagbalik sa Pilipinas si Zam galing Australia. Kung siya lamang ang masusunod ay hindi na niya gugustuhin pang bumalik ng Farm nila sa Mindanao, pero mapilit ang Kuya Marco niya. The place reminded her of so many bitter memories in the past. Mga alaalang ayaw na sana niyang balikan pa. Ngunit masyado nga namang mapaglaro ang tadhana. Dahil sa muling pagbabalik niya sa farm ay hindi niya akalaing mag tatagpo rin muli ang landas nila ni Caleb, her brother's Bestfriend. Isa kasi ito sa mga nanakit sa puso niya noon at naging dahilan kung bakit agad niyang tinapos ang kanyang pagbabakasyon noon. At sa muli nilang paghaharap ni Caleb ay naramdaman niyang muli ang sakit ng nakaraan. Sakit at damdamin na matagal na niyang kinalimutan. Maniniwala ba siya rito na mahal siya nito, gayong mariin siyang pinagtulakan nito noon papalayo?
Romance
104.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mr. Gabriel Bought Me

Mr. Gabriel Bought Me

"Buy me, Mr. Gabriel Esguerra and I will do everything for you basta bayaran mo ako katumbas ng utang ng pamilya ko kay Oliver," buong tapang na sabi ni Gianna. Wala na siyang ibang choice kung 'di lunukin ang pride at kahihiyan, maisalba lamang ang kaniyang pamilya mula sa pagkakalugmok. Seryoso siyang tinitigan ni Gabriel na tila ba binabasa siya pero walang panghuhusga sa mga mata nito. "Sigurado ka ba sa sinabi mo, Gianna?" "I-I don't have a choice, Gabriel at kung may kaya akong gawin for my family, I'm willing to do it." Nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata dahil kahit siya'y naaawa sa sarili. "Five millions is really a huge amount of money and do you think, papayag akong ikaw lang ang kabayaran niyon?" "H-hindi pa ba ako sapat?"
Romance
10.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Nang Minahal Ka

Nang Minahal Ka

monteevs
Renvie Montefalcon. Tanyag. Spoiled brat. Mayaman. Pero sa pagbabalik ng kanyang alaala, nag-iba ang takbo ng buhay niya. Isa siyang impostor. Siya si Enya, isang naghihikahos sa buhay pero hiram ang mukha niya sa nagngangalang Renvie na matagal ng patay. Sumailalim siya sa isang facial transplant surgery four years ago gamit ang preserved face ng namayapang dalaga. Nanumbalik ang lahat ng sakit nang maalala niya ang nakaraan nang tuluyan siyang gumaling sa amnesia. Nagbalatkayo siya sa katauhan ni Renvie para balikan ang nag-iisang lalaki na kanyang minahal noon, si Braylon, ang taong nagbigay pasakit sa kanya. Gusto lamang niyang maghiganti para maibalik ang lahat ng sakit na pinaranas nito noon pero bakit siya umibig sa kapatid nito? Naging masalimuot ang balak sana niyang paghihiganti nang umeksena ang guwapo nitong kapatid na si Brander, isang NBI agent. Magiging lihim pa ba ang lahat kung nagsisimula nang alamin ni Brander ang kanyang pagbabalatkayo?
Romance
4.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Tycoon's Pampered Wife

The Tycoon's Pampered Wife

Nang sapilitang ikinasal si Rowan kay Sunny, malinaw sa kanya na ayaw niya sa dalaga-hindi lang dahil magkasalungat ang kanilang mga ugali, kundi dahil isa itong tusong babae! Ngunit hindi niya inaasahan na ang babaeng minsang tinutulan niya ay siyang magpapabaliw sa kanya, hanggang sa palagi na siyang sumusunod sa bawat gusto nito, kahit na sakit ito sa kaniyang ulo.
Romance
106.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
1718192021
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status