Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
9.97.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 205 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
Mapaglarong Tadhana

Mapaglarong Tadhana

Warning: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, and POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUAL HARASSMENT, SENSITIVE LANGUAGE ang MATURED THEMES, that not suitable for young audiences. _________ Akala ko ang pagkamatay ni mama at papa ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko hindi pa pala dahil may mas lalong masakit pa na nanaisin ko na lang ding mamatay para makasama si mama at papa. Ang hirap at sakit na dinanas ko sa poder ng tiyahin ko.Ang pagmalupet niga sa akin. Ang pagtalikod sa akin ng mga kaibigan ko noong kailangan ko sila. Ang ipagtabuyan ako ng taong mahal ko at ang pagkamuhi niya sa anak namin dahil isa akong biktima ng panggahasa. Imbis na tulungan,pinili nilang ako ay talikuran at pabayaan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko may taong taos-pusong tumulong sa akin at inako ang lahat ng responsibilad na hindi niya dapat gawin sa akin. Ngunit ang hindi ko inasahan na ang taong tumulong pala sa akin ay siya pala yong taong sumira ng buhay ko ng buong pagkatao. Ang taong tumulong sa akin siya rin pala ang taong gumahasa sa akin. Gusto ko siyang maparusahan sa ginawa niya sa akin, ngunit sa anong paraan? Ipagkatiwala ko ba iyon sa batas o ako mismo ang gagawa? Ngunit, paano? Gayong sa puntong ito natutunan ko na siyang mahalin. Bakit sa ganitong paraan ako pinaglaruan ng tadhana? Makayanan ko bang ipakulong ang taong mahal ko? Maibigay ko pa ba ang hustisya para sa sarili ko kung ang taong iyon ay parte na ng buhay ko?
106.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 253 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
Sold to the Billionaire Heir

Sold to the Billionaire Heir

Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa likod ng karangyaan, isa siyang bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, masunurin, at laging isinasantabi ang sariling damdamin. Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang lahat. Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya at sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa makapangyarihang Wang family, isang lihim na kasunduan ang isinagawa. Isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta si Calista bilang isang “regalo” sa kaarawan ng lalaking minsan na niyang nakita sa Shanghai—ang malamig at misteryosong billionaire heir ng Monaco, si Marcus Romanov. Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Ngunit kahit pilitin niyang limutin, hindi niya maalis sa isip ang gabing pinagsaluhan nila. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan. Hindi nila namamalayan, unti-unti silang nahuhulog sa isa’t isa—isang damdaming isinilang sa gitna ng kapangyarihan, katahimikan, at mga lihim na pilit itinatago. Ngunit may isang lalaking hindi handang bumitaw. Si Lixin Wang, ang mayamang Chinese heir at lalaking itinakdang pakasalan si Calista, ay handang ipaglaban ang paniniwalang pag-aari niya ito—kahit sa pamamagitan ng takot at kapangyarihan. Sa pagitan ng tradisyon at pag-ibig, obligasyon at kalayaan, kailangang pumili ni Calista: manatiling babaeng isinuko ng pamilya, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
368 viewsOngoingIdinagdag sa Library 7 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
Mr. Pogi is my Boss Daddy!

Mr. Pogi is my Boss Daddy!

Para sa single mom na si Aella Vergara, simple lang ang batas para makatira sa murang paupahan ng bilyonaryong si Zion Monteverde at ito ay huwag gagawa ng ingay. Ngunit ang kaniyang tatlong taong gulang na anak na si Luna Elise ay may ibang plano. Ginawa ni Luna na personal playground ang mansiyon ni Zion. Mula sa pag-ubos ng mga imported nitong cookies hanggang sa paglilista nito sa masungit na landlord bilang kaniyang daddy sa school activities ay unti-unting napalapit ang loob ng striktong bilyonaryo sa mag-ina. Akala ni Aella, isang gasgas na rom-com ang buhay niya kung saan lumalambot ang puso ng isang supladong lalaki dahil sa kakyutan ng isang bata. Ngunit nagkamali siya. Isang gabi, narinig ni Aella si Luna na may seryosong kausap sa laruan nitong walkie-talkie: “Boss Daddy, niyakap ka na ni Mommy sa harap ko kanina. Sabi mo may dagdag na dalawang laruan ako bukas, ah? Deal is a deal!” Ang katotohanan? Hindi aksidente ang pagiging malapit ni Zion sa kanila. Si Zion mismo ang kumuha kay Luna bilang isang lihim at sinusuhulang "baby wingman." Dahil si Aella ang babaeng matagal nang hinahanap ng bilyonaryo matapos nitong iligtas ito taon na ang nakararaan. Upang mapalapit nang hindi nagmumuhang stalker, sinuhulan ni Zion si Luna gamit ang unlimited toys at ice cream para i-manipula ang sarili nitong ina. Pero ang malaking katanungan ay kung sino ngayon ang tunay na Boss? Ang landlord na nagpanggap na naperwisyo, o ang tatlong taong gulang na bata na mas magaling pa sa CEO kung magpatakbo ng negosyo ng pag-ibig?
101.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 37 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
THE HEIR THAT NEVER EXISTED

THE HEIR THAT NEVER EXISTED

Si Xavier Zander ay kilala bilang ang pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, at pinakamalamig na bilyonaryo sa buong bansa. Hawak niya ang halos lahat ng negosyo, lupain, at kumpanya. Takot sa kanya ang lahat at hinahangaan ng marami. Pero sa kabila ng lahat ng kanyang yaman, iisa lang ang kwento na alam ng publiko: Wala siyang tagapagmana. Sa lahat ng interview, balita, at magasin, laging tanong sa kanya kung sino ang magmamana ng kanyang bilyun-bilyong yaman kapag wala na siya. At laging iisa lang ang sagot ni Xavier—na wala siyang pamilya, wala siyang anak, at mag-isa lang siya sa mundong ito. Naniniwala ang lahat na masyado siyang matigas ang puso para magmahal at bumuo ng pamilya. Akala nila, ang kanyang imperyo ay mawawala rin pagkatapos niya. Pero ito ang malaking kasinungalingang itinago niya sa buong mundo. Dahil sa likod ng lahat ng kanyang kapangyarihan at karangyaan, sa isang liblib na mansyon sa pribadong isla na walang ibang nakakaalam, naroon si Liam. Ang kanyang anak. Ang kaisa-isang dugo at laman niya. Noong bata pa si Liam, napuno ng takot si Xavier. Alam niyang dahil sa sobrang yaman niya, marami siyang kaaway, mga taong handang pumatay at kumitil para lang makuha ang kanyang ari-arian. Kaya ginawa niya ang pinakamahirap na desisyon ng kanyang buhay—pinili niyang burahin ang pagkatao ng kanyang sariling anak. Wala siyang birth certificate. Walang pangalan sa anumang dokumento. Walang rekord sa ospital o gobyerno. Wala kahit isang litrato na makikita sa labas. Sa mata ng batas at lipunan, hindi kailanman naging totoo si Liam. Wala siya. Hindi siya umiral. Lumaki si Liam na alam lang na espesyal siya sa mata ng kanyang ama, pero hindi niya naiintindihan kung bakit kailangan niyang manatiling nakatago sa mata ng lahat.
85 viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
Thou Shall Not Covet  Thy Neighbor's Wife

Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife

Michelle Vito
Paalala: Ang kwentong ito ay hindi angkop sa mga bata. "Hindi ako tatanda na kagaya ninyo na kuntento na lamang manilbihan sa mga Montero," Giit ni Mariz sa ina na katulong sa mansion at ama na katiwala sa hacienda. Gusto niyang makapagsuot ng magagarang damit , pagsilbihan na gaya ng isang Montero. Ang pamilya Montero kasi ang pinakamayaman at makapangyarihan sa buong San Mateo. Ito ang batas sa lugar nila at kung kaya't kinatatakutan at tinitingala ang buong angkan nito. Hanggang sa makilala niya at mapaibig ang isang Gerald Montero. Ito na ang pagkakataon niya . Gagamitin niya si Gerald upang maisakatuparan ang kanyang mga pangarap. Ngunit isang trahedya ang naganap. Pinasok siya sa kuwarto ng isang nakamaskarang lalaki at ni-rape. Kasabay niyon ay ang biglang paglaho ni Gerald sa buhay niya. Nagbunga ang malagim na sinapit niya. Ang kanyang kababata na si Jay-are ang nagligtas sa kahihiyan na sinapit niya. Pinakasalan siya nito at naging ama sa kanyang anak. After 7 years, muling nagbalik si Gerald Montero , this time nakatakda na itong ikasal kay Andrea , ang matindi niyang katunggali sa ganda at talino sa bayan ng San Mateo Muling nagkurus ang landas nila ni Gerald.Nagkaroon siyang muli ng pagkakataong akitin at paibigin si Gerald.Hanggang unti-unti ay masumpungan niya ang sariling nalulunod na sa sobrang pagmamahal niya kay Gerald. Balewala na sa kanya ang ang yaman at kapangyrihan nito. Mahal na niya itong talaga. Ano ang kaya niyang isakripisyo sa ngalan ng pag-ibig? Ngunit paano kung isang umaga ay natagpuan siyang duguan sa tabi ng wala ng buhay niyang asawa? Siya ba ang pumatay kay Jay-are? Bakit wala siyang maalala bago ito paslangin? At sino ang lalaking gumahasa sa kanya seven years ago? May pag-asa pa bang muling mabuo ang naudlot nilang pag-iibigan ni Gerald?
102.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 97 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
AUDITION FOR HER BED

AUDITION FOR HER BED

Si Nosgel Jademara Francisco, dalawampu’t walong taong gulang, ay hindi naniniwala sa salitang "pag-ibig." Ang kanyang mundo ay umiikot lamang sa tatlong bagay: kasunduan, kontrol, at salapi. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng malawak na yaman at ang punong tagapamahala ng Vance Industries. Sa kanyang silid-tulugan at saanman siya magpunta, iisa lamang ang kanyang batas: Siya ang laging masusunod. Dahil dito, nagpagawa siya ng isang anunsyo na kumalat sa buong siyudad: "Nagpapahanap ng Lalaki. Taas: 6 talampakan pataas. Lakas at tibay: Buong gabi. Katapatan: Walang pasubali. Pagkasira ng Puso: Maaaring mangyari." Hindi naghahanap ng kasintahan si Nosgel. Ang kailangan niya ay isang ari-arian—isang lalaking magsisilbi lamang sa kanyang kagustuhan at magpapasaya sa kanyang katawan Hanggang sa dumating si Gabriel Hawthorne, dalawampu’t anim na taong gulang, ang lalaking tila pinakadesperado sa lahat ng nag-aplay. Gwapo, matapang ang tingin, at tila mayaman kung kumilos kahit na ang totoo ay lugmok siya sa utang. May limampung milyong piso siyang kailangan—isang halagang handa niyang ibigay kahit anong mangyari—para sa kanyang dating kasintahan na si Scarlet Merry, na umano’y dumaranas ng malubhang sakit na leukemia. Pumirma siya sa kontrata nang walang pag-aalinlangan. Hinubad niya ang kanyang damit at dangal. Mula sa araw na iyon, pag-aari na siya ni Nosgel... katawan man o kaluluwa. Ngunit dito nagsimula ang gulo Binili niya ang katawan nito upang punan ang kanyang pag-iisa at lamunin ang kanyang pighati. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, ang gusto na niyang angkinin ay hindi na lamang ang katawan nito... kundi pati na rin ang pusong matagal nang hindi umiibig? AUDITION FOR HER BED Binili niya siya upang makalimot. Ibinenta niya ang sarili para sa isang sinungaling. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang may-ari ay nagsimulang mahulog sa kanyang sariling pag-aari?
10109 viewsOngoingIdinagdag sa Library 2 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
Seducing My Ex Lover's Son (SPG)

Seducing My Ex Lover's Son (SPG)

I hired him to shatter his father's heart. He trapped me in his bed to break my rules. Isang luxury resort. Isang mamahaling singsing sa ibabaw ng mesa. At isang masakit na panloloko. Akala ni Lysandra Albrecht, sa kaniya ang singsing na iyon—isang pangako mula sa kaniyang bilyonaryong kasintahan na si Garrick. Ngunit gumuho ang lahat nang makita niya itong may pagnanasang humahalik sa legal nitong asawa. Lysandra was never his future. Siya ay nanatiling isang maruming sikreto sa dilim. Binalot ng matinding poot at uhaw sa ganti, hinukay ni Lysandra ang pinakamalaking alas ng lalaki: ang kaniyang 22-year-old na anak, si Dixon Hawthorne. Isang billionaire heir na may mapanganib na titig, lethal confidence, at matitigas na anim na hiwa ng abs na tila ginawa para sa mga makasalanang gabi. Naglapag si Lysandra ng kontrata at pera sa harap ni Dixon. Isang pekeng relasyon para durugin ang dangal ng ama nito. Ang batas niya? Strictly business. Walang totoong haplos. No kissing. Ngunit nagkamali si Lysandra ng kinalabang leon. Dixon doesn't play by the rules; he dictates them. Seductive, wild, at laging gutom sa kaniyang balat, binuwag ni Dixon ang bawat harang ni Lysandra gamit ang isang mapang-angkin at dahan-dahang dominasyon. Habang nagpapanggap na masayang pamilya ang mga magulang nito sa ibaba, nagniningas naman sa wild at walang prenong pagnanasa sina Lysandra at Dixon sa loob ng penthouse. Nang malaman ng pamilya ang nakaraan ni Lysandra at piliting ipakasal si Dixon sa iba, susuko na sana siya. Ngunit hinarangan siya ni Dixon gamit ang sports car nito, sabay kabig sa nanginginig niyang katawan dikit sa nag-aapoy nitong dibdib. "I know her past. At poprotektahan ko siya—kahit laban sa inyo." Tapos na ang laro. Dahil walang balak pakawalan ni Dixon ang kaniyang pinakamasarap na addiction mula sa kaniyang kama at kaniyang buhay.
99 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
One Night, Bound Forever (SPG)

One Night, Bound Forever (SPG)

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
9.82.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 58 Beses bilang saligang batas 1987
Read
+Library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status