Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Rented Wife

The Rented Wife

Mag-isang tinataguyod ni Renice Ocampo ang kaniyang pamilya matapos ang trahedyang nangyari sa kanilang ama noong sila'y bata pa. Magmula noong mawala ang kaniyang ama, siya na ang umako sa responsibilidad nito, na ginagawa rin naman niya dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay nito. Ngunit kahit anong pagtatrabaho ni Renice ay lugmok pa rin sila sa kahirapan, at hindi na makakabangon pa. Pero kahit gano'n, hindi titigil ang dalaga hanggang hindi niya nabibigyan ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya. Handa niyang gawin ang lahat mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya, na dapat naman ay talagang kanilang tinatamasa kung hindi lang namatay ang kanilang ama. Hanggang sa makilala niya ang bago niyang boss na nais siyang rentahan upang maging asawa nito, at handa siyang sweldohan sa kahit magkanong kaniyang naisin. Ito na ba ang simula ng magandang buhay na minimithi ni Renice? O ito ang simula ng buhay na muli niyang nais matakasan? Let's find out.
Romance
1044.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
DANGEROUS LOVE AFFAIR

DANGEROUS LOVE AFFAIR

Stella Cruz isang mabuting anak at panganay sa magkakapatid pangarap niyang makapag tapos ng pag-aaral at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. At gagawin niya ang lahat para lamang matulungan ang pamilya niya kahit na ibenta niya ang kaniyang sarili sa mayamang bilyonaryo na si Timothy Smith, kakapit siya sa patalim mag o-offer ito na siya na ang bahalang mag finance ng lahat ng pangangailangan ng pamilya niya ngunit hindi ito libre, may kasunduan sila na magiging mistress siya nito at pupunan niya ang init at kaligayahang gusto nito. Paano kong makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso, ano ang gagawin niya? gayong nakatali na siya at pag-aari ng isang Timothy Smith At sa pag pag dating ng mag-amang Henry Saavedra at Dwight sa buhay niya ano kayang magiging papel nang matandang bilyonaryo at ng anak nito. Paano kong mahulog ang kaniyang loob kay Dwight, hanggang kailan kaya nila mapapanindigan ang bawal na pag-ibig at ang mga nakaw na sandali na sila lang ang tanging nakaka alam..
Romance
1013.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Mamamatay in Three, Two, One

Mamamatay in Three, Two, One

Lagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
Read
Idagdag sa library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Devil In Him

The Devil In Him

Love, Regrets, and Second Chances. Matagal nang magkasintahan sina Clark at Claire. They became each other's safe haven. Sumama ang bilyonaryong si Clark sa probinsya para mamuhay kasama ang kasintahan. They almost have it all, until Claire discovers something that will change their lives forever. Ang mabait at maaasahang si Clark ay may itinatagong sikretong sisira sa kanilang dalawa. Sa kabila ng yaman at magandang reputasyon ng kanilang pamilya, si Clark ay napapabilang sa pamilya ng mga sindikato. Sindikatong walang awang pumapatay at gumagawa ng iligal para lang sa sarili nilang kagustuhan. Dahil sa pamilya ay mapipilitan siyang iwan si Claire, na magdudulot ng galit sa dalaga. Buntis siya pero hindi na ito malalaman pa ni Clark. Dahil sa ginawa ng binata ay pilit niya itong kalilimutan. Pero para bang pilit silang pinaglalaruan ng tadhana. At para bang wala talagang balak sumuko ang binata. Ano ang gagawin niya kung ang minsang nanakit sakanya ay pilit siyang binabawi? At wala siyang ibang pamimilian kung hindi ang mapasakanya ulit? Sa pagkakasakit ng kanyang anak ay mapipilitan siyang tanggapin ulit ang binata, para sa tulong nito. Malalaman kaya ni Clark ang katotohanan sa pagkakaroon ng anak ni Claire? Paano niya tatanggapin ang sikreto ng bilyonaryong lalake? Hahantong na ba sila sa kasalan? O sa panibagong hiwalayan?
Romance
1075 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

Calut qho
Blurb: Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon. Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan. Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Wonderful Mistake

A Wonderful Mistake

LiCaixin
Nagplano ng suprise bachelorette party ang kapatid at kaibigan ni Anya para sa kaniya, isang gabi bago ang nakatakda niyang kasal. Hindi tinanggihan ni Anya ang surpresa nilang one night stand dahil sa sobrang atraksyon sa inakala niyang simpleng escort. Nang malaman ng fiancé ni Anya ang tungkol sa one night stand ay iniatras nito ang kasal. Itinakwil din siya ng pamilya niya. Ilang linggo matapos ang trahedya nalaman ni Anya na siya ay nagdadalang-tao. At kung akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya, muling nabuhay ang lihim ng nakaraan nang hindi inaasahang magkita ang anak niya na si Althea at ang bilyonaryo nitong ama na si Trevan Cervantes. Ang isang gabi ng pagkakamali na sumira sa dapat ay masaya niyang buhay ang babago sa kasalukuyan niyang kapalaran. “Some mistakes are wonderful”
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire CEO's Great Love

The Billionaire CEO's Great Love

Isang guro si Faith sa Zambales, kilala sa kabaitan at kasipagan, ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay nakatago ang sugat ng nakaraan. Muling bumalik sa kanyang buhay si Austin, ang lalaking una niyang minahal, dala ang isang kasunduang magpapabago sa lahat, ang kanilang kasal alang-alang sa anak na si Jairee. Sa kanilang pagsasama, malamig ang pakikitungo ni Austin at mahigpit ang pagtutol ng kanyang ina na si Amy. Ngunit nang malaman nitong apo si Jairee, ginamit niya ito upang makuha ang kayamanan. Sa imbestigasyon, lumabas ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ni Austin, ang lihim na nakaraan ni Faith, at ang pagkakasangkot ni Amy sa mga trahedya. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti ang susubok sa kanila. Sa kabila ng panganib, matutuklasan ni Faith at Austin ang lakas ng tunay na pagmamahal—isang laban para sa pamilya, katotohanan, at pag-asa.
Romance
106.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Bound to the Billionaire Contractor

Bound to the Billionaire Contractor

Auditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire’s Successors

The Billionaire’s Successors

ManitaMeenara_
Jaxton Ricafrente came from a rich family and 'cursed' family. In able for them to inherit what rightfully is for them, they have to bear a child before they reach the age of 25. Pero hindi ganoon kadali ang lahat ng iyon dahil karamihan sa pamilya nila ay baog, na minana pa nila sa mga ninuno nila. They have to do everything; professionally, medically, traditionally. Lahat gagawin nila upang maging posible ito. And there is Cindy Gamboa. His long-time friend, who fell in love with him unexpectedly. She's aware of their family's background and don't want to be involved regardless on how much she loves Jaxton. Until one night came, they're both dr*gged and drunk. The unexpected thing happened. Hindi tanggap ng pamilya ni Cindy ang nangyari at gusto ng mga ito ipalaglag ang batang dinadala niya. Wala ring alam si Jaxton tungkol dito at wala siyang balak ipaalam sa binata. Just like the other girls he's been with, she'll be thrown out once he finds out that she's bearing his child. At ayaw niyang mangyari 'yon, so, she left Manila for good. Nandoon ang pangamba ni Cindy na kapag nalaman ni Jaxton na anak niya ang dalawang bata ay ilayo niya ang mga ito sa kanya at maiwan siya. Hanggang kailan maitatago ni Cindy ang katotohanan? Ngayong nakita niya muli si Jaxton, nanaiisin kaya nito na maging parte ito ng kanilang tahimik na pamumuhay?
Romance
10505 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
45678
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status