Halinghing Sa Sarap: Alipinin Mo Ko, Travis
Ako ay sinumpa para parusahang substitute at alipin.
Kapag may dapat mahalin, hindi ako iyon.
Kapag may dapat paniwalaan, hindi ako iyon.
Kapag may dapat sisihin, palaging ako iyon.
Noong bata pa kami, iniligtas ko ang buhay ni Travis Mondragon.
Pero ang kapatid ko ang tinawag niyang bayani.
Minahal niya siya nang buong puso habang ako'y nanatling nakakubli, pinapanood ang lalaking mahal ko na ibinibigay ang lahat sa babaeng nagnakaw ng katotohanan ko.
At hindi iyon ang pinakamasakit.
Ang pinakamasakit ay nang pilitin niya akong pakasalan bilang kapalit ng babaeng talagang mahal niya.
.
Limang taon akong naging asawa, natulog sa tabi ng lalaking hindi man lang ako matingnan bilang tao.
Para sa kanya, isa lang akong pagkakamali na nakatali sa kanyang pangalan.
Pagkatapos ng lahat ng iyon, isang pirma lang ang ibinigay niya sa akin.
Parang wala akong naging halaga.
Lingid sa kanya, dala-dala ang anak niya sa sinapupunan ko habang nanginginig kong tinatanggap ang diborsyo.
Pero kung may itinuro sa akin ang sakit, iyon ay ito....
Ang mga babaeng dinurog nang paulit-ulit ang kadalasang pinakamapanganib kapag napagod nang lumuha.
Kaya umalis ako.
At binuo ko ang sarili ko mula sa wala.
Hanggang sa maging babae akong hindi na kayang tapakan ninuman.
At balang araw, kapag nalaman ni Travis ang lahat ng katotohanang ipinagkait sa kanya...
Kapag nakita niyang may lalaking minahal ako sa paraang hindi niya nagawa...
Kapag napagtanto niyang ang babaeng itinapon niya ang siyang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya...
Huli na.
Dahil ang puso kong minsang nagmakaawa para sa pagmamahal niya...
ay pag-aari na ng ibang lalaki.
At ang tanging matitira kay Travis Mondragon ay isang habambuhay na parusa...
ang makita akong masaya habang siya naman ay nabubuhay sa pagsisising hindi na kailanman mapapatawad.