LOGINAko ay sinumpa para parusahang substitute at alipin. Kapag may dapat mahalin, hindi ako iyon. Kapag may dapat paniwalaan, hindi ako iyon. Kapag may dapat sisihin, palaging ako iyon. Noong bata pa kami, iniligtas ko ang buhay ni Travis Mondragon. Pero ang kapatid ko ang tinawag niyang bayani. Minahal niya siya nang buong puso habang ako'y nanatling nakakubli, pinapanood ang lalaking mahal ko na ibinibigay ang lahat sa babaeng nagnakaw ng katotohanan ko. At hindi iyon ang pinakamasakit. Ang pinakamasakit ay nang pilitin niya akong pakasalan bilang kapalit ng babaeng talagang mahal niya. . Limang taon akong naging asawa, natulog sa tabi ng lalaking hindi man lang ako matingnan bilang tao. Para sa kanya, isa lang akong pagkakamali na nakatali sa kanyang pangalan. Pagkatapos ng lahat ng iyon, isang pirma lang ang ibinigay niya sa akin. Parang wala akong naging halaga. Lingid sa kanya, dala-dala ang anak niya sa sinapupunan ko habang nanginginig kong tinatanggap ang diborsyo. Pero kung may itinuro sa akin ang sakit, iyon ay ito.... Ang mga babaeng dinurog nang paulit-ulit ang kadalasang pinakamapanganib kapag napagod nang lumuha. Kaya umalis ako. At binuo ko ang sarili ko mula sa wala. Hanggang sa maging babae akong hindi na kayang tapakan ninuman. At balang araw, kapag nalaman ni Travis ang lahat ng katotohanang ipinagkait sa kanya... Kapag nakita niyang may lalaking minahal ako sa paraang hindi niya nagawa... Kapag napagtanto niyang ang babaeng itinapon niya ang siyang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya... Huli na. Dahil ang puso kong minsang nagmakaawa para sa pagmamahal niya... ay pag-aari na ng ibang lalaki. At ang tanging matitira kay Travis Mondragon ay isang habambuhay na parusa... ang makita akong masaya habang siya naman ay nabubuhay sa pagsisising hindi na kailanman mapapatawad.
View More"Isuot mo 'yan kung ayaw mong mamatay sa gutom ang pamilya natin ngayon din, Luciana."
Mariing binitawan ni Mama ang mabigat na selyadong wedding gown sa tapat ko habang nanginginig ang buong katawan niya sa galit. Pulang-pula ang mukha niya, walang bakas ng pagmamahal, puro pandarahas lang ang nakikita ko sa mga mata niyang nakatitig sa akin habang ang amoy ng mamahaling pabango ni Bianca ay pilit na sumasakal sa maliit na silid na ito ng simbahan. Umalis si Bianca, tinakasan ang kasal na pinangarap niya, at ngayon, ako ang kailangang magbayad sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Pinilit kong iangat ang mukha ko, sinalubong ang mariing sulyap ni Mama habang ang mga kamay ko ay malamig pa sa yelo dahil sa takot. "Hindi ko ito buhay, Ma, bakit ako ang kailangang sumalo sa kalat ng anak ninyo?" "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala si Bianca ngayon!" Isang malakas na sampal ang lumanding sa kaliwang pisngi ko na nag-iwan ng lasang kalawang sa loob ng bibig ko habang pilit kong hinahawakan ang gilid ng mesa para hindi matumba. Ramdam ko ang pagkirot ng balat ko pero mas matindi ang hapdi sa dibdib ko dahil alam kong walang saysay ang kahit anong paliwanag ko sa harap ng pamilyang itinuring akong malas simula bata pa ako. Isinuot ko ang puting tela na mukhang mamahalin pero para sa akin ay tila isang telang sako na gagamitin sa aking sariling libing. Lumakad ako palabas ng silid patungo sa nakasarang pinto ng simbahan kung saan naghihintay ang lalaking labindalawang taon kong minahal sa tago, ang lalaking iniligtas ko sa nagngangalit na alon ng La Union pero walang kaalam-alam sa katotohanan. "Huwag kang titingin sa akin na parang may karapatan ka sa pwestong iyan, Luciana." Iyan ang unang bumasag sa pandinig ko nang bumukas ang malaking pinto ng simbahan at tumayo ako sa dulo ng aisle habang ang mga mata ng mga elitistang bisita ay nakatitig sa akin na may halong pagkabigla at dusa. Nakatayo si Travis Mondragon sa dambana, tuwid ang tayo sa kanyang itim na tuxedo, mukhang isang hari na handang pumatay ng sinumang humarang sa kanyang kaharian. Ang kanyang mga mata na dati rati ay madilim lang ngayon ay may halong purong poot at pagkasuklam habang pinapanood akong humahakbang papalapit sa kanya. Walang tugtog, walang masayang ngiti mula sa mga bisita, tanging ang tunog lang ng mabigat kong gown ang naririnig sa buong paligid. "Nasaan si Bianca?" Malamig ang boses niya nang makarating ako sa harap niya, hindi niya kinuha ang kamay ko, bagkus ay tinitigan niya lang ang mukha ko na tila nakakita siya ng isang maruming basahan sa gitna ng kanyang marangyang altar. "Hindi ko alam, Travis, pinilit lang ako nina Mama na pumunta rito." "Sinungaling ka, alam kong may kinalaman ka sa pagkawala niya dahil inggit na inggit ka sa kapatid mo simula pa noong mga bata tayo." Humarap siya sa pari nang hindi man lang ako binibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili ko, at ang seremonya ay natapos na parang isang mabilis na hatol ng kamatayan sa isang kriminal. Walang halik na naganap, walang sumpaan ng pag-ibig, tanging pirma lang sa kontrata ng kasal ang nagtali sa akin sa impiyernong alam kong naghihintay sa akin. Pagkatapos ng mabilis na pirmahan ay marahas niyang hinila ang braso ko palabas ng simbahan, hindi pinapansin ang mga photographer na pilit kumukuha ng litrato ng biglaang pagpapalit ng bride. Isinaksak niya ako sa loob ng kanyang itim na sasakyan, pabalas na isinara ang pinto na yumanig sa buong pagkatao ko habang ang luha ko ay unti-unting pumapatak sa mamahaling lace ng gown ni Bianca. "Huwag mong iiyakan ang posisyong ninakaw mo, dahil simula sa araw na ito, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang bawat hininga mo sa loob ng bahay ko." "Hindi ko ninakaw ang kahit ano, Travis, ikaw ang hindi nakakakita ng totoong nangyari noon pa man!" Sumigaw ako habang umaandar ang sasakyan patungo sa kanyang mansyon pero isang malamig na tawa lang ang naging sagot niya, isang tawang nagpatayo ng balahibo ko sa braso. Pumasok kami sa dambuhalang mansyon na walang kahit isang dekorasyon ng kasal, madilim ang bawat sulat, at amoy alak at lumang kahoy ang sumalubong sa akin. Binitawan niya ang braso ko nang may puwersa kaya napaupo ako sa malamig na sahig na gawa sa marmol, ang suot kong tiara ay natanggal at gumulong sa paanan ng kanyang sapatos. Lumuhod siya sa tapat ko, hinawakan nang mariin ang panga ko hanggang sa marinig ko ang bahagyang pagtunog ng aking mga ngipin sa tindi ng hawak niya. "Tumingin ka sa paligid mo, Luciana, tingnan mo ang bahay na ito dahil ito ang magiging kulungan mo habang buhay." "Bakit ba galit na galit ka sa akin? Ako ba ang umalis? Ako ba ang nang-iwan sa iyo sa araw ng kasal mo?" "Dahil ikaw ang ahas sa pamilyang ito, ikaw ang laging sumisira sa kaligayahan ni Bianca, at ngayon, gagamitin kita para pagbayaran ang bawat luha na kinuha mo sa kanya." Binitawan niya ang panga ko nang may pagkasuklam, pagkatapos ay kumuha siya ng isang basong tubig sa kalapit na mesa at walang pag-aalinlangang ibinuhos iyon sa mukha ko. Natigilan ako, ang makeup ko ay natunaw, ang buhok ko ay dumikit sa aking pisngi, habang siya ay nakatayo sa harap ko na parang isang diyos na nagpaparusa sa isang alipin. Ramdam ko ang lamig ng tubig na dumadaloy sa leeg ko pababa sa dibdib ko pero mas malamig ang titig ng lalaking ito na minsan kong binuwisan ng buhay para lang makahinga muli. "Dumi ka lang sa paningin ko, Luciana, isang basurang pumasok sa pamamagitan ng pilit na kasal." "Kung dumi ako, bakit hindi mo ako papagawin ng divorce papers ngayon din para matapos na ito?" "Masyadong madali ang diborsyo para sa isang katulad mong kriminal, gusto kong makita kung paano ka madudurog araw-araw sa ilalim ng pamamahala ko." Tinalikuran niya ako at lumakad patungo sa malaking bintana kung saan kita ang madilim na kalangitan ng gabi, ang kanyang likod ay tila isang pader na hinding-hindi ko matitibag kahit anong gawin ko. Tumayo ako nang dahan-dahan, pilit na inaayos ang sarili ko kahit na alam kong basag-basag na ang pagkatao ko sa unang araw pa lang ng pagsasama naming dalawa. Walang katulong na lumapit para tulungan ako, lahat sila ay nakatayo sa malayo, nakatitig sa akin na may halong awa at takot dahil alam nilang walang sinuman ang pwedeng sumuway sa utos ng isang Travis Mondragon. "Hinding-hindi ako iiyak sa harap mo kahit anong gawin mo sa akin, Travis." "Titingnan natin kung gaano katigas ang paninindigan mo kapag nasimulan ko nang kunin ang lahat ng bagay na natitira sa iyo." Humarap siya muli sa akin, ang kanyang mga labi ay nakakurba sa isang nakakatakot na ngiti habang ang kanyang kanang kamay ay dinala niya sa kanyang bulsa para kumuha ng isang bagay. Inihagis niya sa harap ko ang isang piraso ng lumang papel, ang sulat-kamay ni Bianca na naglalaman ng mga maling paratang laban sa akin tungkol sa aksidenteng nag-iwan ng peklat sa kapatid ko. Iyon ang patunay na kahit anong gawin ko, kahit magpakamatay ako sa harap niya, ang bersyon ng katotohanan ni Bianca ang laging mananaig sa utak niyang puno ng poot. Lumapit siya muli, ang kanyang sapatos ay gumawa ng malakas na tunog sa marmol habang bawat hakbang niya ay tila pagpako sa aking natitirang dignidad. "Basahin mo 'yan, basahin mo ang patunay kung gaano ka kasama, at tandaan mo iyan sa bawat gabi na matutulog ka sa sahig ng silid-tulugan ko." "Alam mong walang katotohanan ang bawat salita na nakasulat dito, Travis, bulag ka dahil lang sa pagmamahal mo sa isang sinungaling!" "Manahimik ka! Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ni Bianca gamit ang marumi mong bibig!" Isang malakas na tadyak ang ibinigay niya sa gilid ng sofa kung saan ako nakasandal, dahilan para mayayanig ang buong muwebles at mapapikit ako sa tindi ng takot. Hindi ko akalain na ang batang lalaki na nakita kong humihingi ng tulong sa gitna ng bagyo ay magiging ganito kalupit, ganito kadilim, at ganito kawalang-puso sa taong nagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon na mabuhay. Tinitigan ko ang lumang bracelet na nakatago sa ilalim ng aking palad, ang tanging alaala ng gabing iyon na hindi ko magawang bitawan, pero alam kong wala nang saysay ang singsing o ang bracelet na ito. "Magsisimula ang unang parusa mo ngayon, Luciana, hubarin mo ang gown na iyan at linisin mo ang buong sala gamit ang sarili mong mga kamay." "Kasal tayo, Travis, hindi mo ako katulong para utusan ng ganito sa unang gabi natin." "Asawa kita sa papel, pero sa bahay na ito, ikaw ang pinakamababang nilalang na walang karapatang tumanggi sa bawat hiling ko." Lumakad siya patungo sa hagdanan, hindi man lang nililingon ang direksyon ko habang ako naman ay dahan-dahang lumuhod sa sahig para simulan ang pagtanggal sa mabigat na kasuotan. Ang bawat butones ay tila tinik na bumabaon sa balat ko, ang bawat tahi ay paalala na ako ay isang bihag sa sarili kong kwento ng pag-ibig na naging isang malaking trahedya. Alam kong mahaba ang limang taon, alam kong madudurog ako, pero sa kaibuturan ng puso ko, may isang maliit na bahagi na nagsasabing balang araw ay mararamdaman niya rin ang tindi ng pagsisisi na nararamdaman ko ngayon. "Tandaan mo ito, Travis, darating ang araw na hihilingin mong sana ay hindi mo ako nakilala." "Huwag kang umasa sa isang bagay na hinding-hindi mangyayari, dahil sa paningin ko, habambuhay kang magiging isang basura na walang kwenta.""Hoy Luciana ano ba kaya mo yan."Nanginginig ako at napahagulgol nang marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Travis na umaalis palayo. Luha ko ang walang tigil na tumutulo habang nakatingin sa pintuan na kanina pa niyang sinara nang padabog. Parang dugo ang bawat hikbi ko dahil sa sakit na iniwan niya. Nilinis ko ang nagkalat na kape sa sahig gamit ang basahan kahit basa na basa ang damit ko at puno ng mantsa sa dibdib at hita. Mukha akong literal na basahan na iniwan sa gilid ng kusina."Ano ba itong buhay ko Travis bakit ganito na lang lagi," sabi ko sa sarili ko habang patuloy sa pagpupunas ng sahig. Mainit pa rin ang balat ko mula sa kape na ibinuga niya kanina pero mas masakit ang dibdib ko. Galit siya sa simpleng kape na walang init daw at tabang. Ako na naman ang walang kwenta sa paningin niya.Biglang tumunog ang telepono sa mesa. Kinuha ko ito at nakita si Maia na tumatawag. Pinilit kong punasan ang mukha ko bago sagutin para hindi niya maramdaman ang iyak ko."Maia salamat sa
"Hoy Luciana gumising ka diyan! At magluto ka ng breakfast ko dahil walang maid sa bahay natin maliban sayo. Pagsilbihan mo ang asawa mo!"Bigla akong napabalikwas sa pagkakatulog sa couch dahil sa malakas na sipa ni Travis sa kinauupuan ko. Punong puno ng galit ang boses niya habang nakatayo sa harapan ko na parang hari na handang magparusa. Kusang gumalaw ang mga paa ko para tumayo kahit punung puno pa ng antok at sakit ang katawan ko mula sa nangyari kagabi."Ano ba Travis bakit mo ako ginising nang ganito," sagot ko habang kusang inaayos ang damit ko na gusot na gusot. Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako na parang basura na nakaharang sa daan niya. Ramdam ko ang hapdi sa balikat ko kung saan siya sumipa kanina pero mas masakit ang pagkakatawag niya sa akin na parang katulong lang."Huwag kang mag reklamo. Ikaw ang asawa ko sa papel pero sa bahay na ito ikaw ang maglilingkod. Magluto ka na bago pa ako magalit nang todo," utos niya habang tinuturo ang kusina. Walang ch
"Bianca, bakit mo ako iniwan sa araw ng kasal natin?"Galit at malambing na sabay na lumabas sa bibig ni Travis nang bigla siyang pumasok sa silid. Laseng na lasing siya, ang mga mata niya ay half closed at puno ng pagkalito. Nakatayo ako sa harap ng salamin, bagong paligo at nakasuot ng simpleng damit, pero parang hindi niya ako nakikita nang maayos. Humakbang siya palapit sa likod ko at biglang niyakap ako nang mahigpit. Mainit ang hininga niya sa leeg ko habang ang mga kamay niya ay pumalibot sa baywang ko."Ako si Luciana, Travis. Hindi si Bianca," sagot ko agad habang sinusubukang alisin ang mga braso niya. Pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap. Parang wala siyang narinig sa sinabi ko. Hinila niya ako palapit sa kama nang walang kahirap hirap."Huwag kang magsinungaling, Bianca. Alam kong ikaw 'to. Ikaw lang ang kailangan ko," bulong niya sa tainga ko bago niya ako ihiga sa kama. Ang boses niya ay puno ng pagnanasa pero may halo ng galit. Hindi ko alam kung paano ko siya pip
"Isuot mo 'yan kung ayaw mong mamatay sa gutom ang pamilya natin ngayon din, Luciana."Mariing binitawan ni Mama ang mabigat na selyadong wedding gown sa tapat ko habang nanginginig ang buong katawan niya sa galit. Pulang-pula ang mukha niya, walang bakas ng pagmamahal, puro pandarahas lang ang nakikita ko sa mga mata niyang nakatitig sa akin habang ang amoy ng mamahaling pabango ni Bianca ay pilit na sumasakal sa maliit na silid na ito ng simbahan. Umalis si Bianca, tinakasan ang kasal na pinangarap niya, at ngayon, ako ang kailangang magbayad sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Pinilit kong iangat ang mukha ko, sinalubong ang mariing sulyap ni Mama habang ang mga kamay ko ay malamig pa sa yelo dahil sa takot."Hindi ko ito buhay, Ma, bakit ako ang kailangang sumalo sa kalat ng anak ninyo?""Wala akong pakialam sa nararamdaman mo dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala si Bianca ngayon!"Isang malakas na sampal ang lumanding sa kaliwang pisngi ko na nag-iwan ng lasang kalawan


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.