Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1018.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status