Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Divorced While Pregnant: The Billionaire's Accidental Heir

Divorced While Pregnant: The Billionaire's Accidental Heir

Akala ni Seraphina Alvarado natagpuan na niya ang perpektong buhay nang pakasalan niya si Adriano Villareal, ang makapangyarihang CEO ng Villareal Group. Kahit paulit-ulit siyang nasasaktan sa IVF treatments, tiniis niya ang lahat para lang mabigyan ang asawa niya ng anak. Pero sa araw na nalaman niyang buntis na siya, aksidente niyang narinig ang isang pag-uusap na tuluyang sumira sa mundo niya. Hindi pala kailanman gustong magkaroon ng anak ni Adriano sa kanya, hindi sa kanya. Gusto lang nitong gamitin ang sinapupunan niya. Para dalhin ang anak nito at ng babaeng tunay nitong mahal—si Vittoria Salcedo. Sa kanila, si Seraphina ay walang iba kundi isang breeding machine. Basag ang puso at puno ng galit, bumalik siya sa ospital para alamin ang buong katotohanan, pero mas malala pa ang nadiskubre niya. Ang batang dinadala niya sa sinapupunan… Ay hindi anak ni Adriano Villareal. Dahil sa isang medical mistake, ang ama ng batang iyon ay si Cassian Monteverde—cold-hearted at makapangyarihang billionaire heir ng Monteverde empire. Niloko ng asawa. Pinahiya ng pamilya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na iiyak si Seraphina, lalaban siya. At siya mismo ang mang-iiwan. Divorce ang susi niya, at palalakihin niya ang anak niya. At balang araw… Pagsisisihan ng lahat ang ginawa nila sa babaeng akala nila ay kaya nilang sirain.
181 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
Lucy Pearl SPG

Lucy Pearl SPG

Lumaki si Lucy Pearl na palagi lang nasa likod ng anino ng kanyang ate Angelica. Magmula sa kanilang mga magulang hanggang sa mga taong nakapaligid sa kanila ay puro si Angelica ang magaling at si Lucy Pearl ang hindi. Maging sa lalaking napili nyang mahalin ay ang ate Angelica pa rin nya ang nagwagi. Ano ang gagawin ni Lucy Pearl kung malaman nya na pati ang lalaking nagugustuhan nya pala ay ginamit lang pala sya para mapalapit sa kanyang ate Angelica?
10225.1K viewsCompletedAdded to Library 9.0K Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
Love Me Again

Love Me Again

Buong akala ni Ellie ay wala nang hahadlang sa pag-iibigan nilang dalawa ni Uno. Ngunit bago ang araw ng kasal nila, naaksidente silang dalawa ni Uno. Pagkagising ni Uno mula sa aksidente, hiniwalayan niya si Ellie at pinili na umalis ng bansa kasama si Sandra, ang kaniyang kababata na pinagkasundo sa kaniya. Bumalik si Uno ng bansa upang balikan si Ellie ngunit malapit na itong ikasal kay Judah. Magagawa pa kayang paibigin muli ni Uno si Ellie o tuluyan nang matutuldukan ang kanilang nakaraan?
1012.4K viewsCompletedAdded to Library 447 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
1029.7K viewsCompletedAdded to Library 860 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
THE BATTERED WIFE

THE BATTERED WIFE

Dolly
Kuntento na si Annabelle na mahalin nang palihim si Cedric, ang boyfriend ng kapatid niya. Ngunit sa gabi ng engagement ni Angelica at Cedric, ay nangyari ang hindi nila inaasahan. Paano nga ba siya nagising sa kwarto kasama si Cedric at pareho pa silang walang saplot?
108.0K viewsOngoingAdded to Library 167 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
My Female Boss

My Female Boss

Jhuke
Mula sa mayamang angkan si Gladyz siya na ang namamahala sa mga kompanyang naitatag ng kanyang ama. Nag-iisang anak at nakukuha nyang lahat ng gusto sa isang senyas lang ng kanyang daliri. Pero hindi lahat ng pagkakataon ay umaayon sa kanya lalong-lalo na pagdating sa pag-ibig. Minsan na siyang nasaktan sa una nyang relasyon minahal nya ng husto si Jake pero nagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Hindi nya alam kung paano magtiwala ulit sa isang lalake dahil tingin nya lahat ng lalake ay manloloko. Ayaw na nyang sumugal at magtiwalang muli sa mga lalake dahil sa sakit na kanyang naranasan. Pero nagbago ang lahat ng makilala nya si Adrian isang simpleng tao, gwapo, magino pero medyo bastos..Nagtatrabaho ito sa kanya bilang isang assistant.
104.1K viewsOngoingAdded to Library 132 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
Hiding The CEO's Quintuplets

Hiding The CEO's Quintuplets

Nagsilang si March ng quintuplets. Mag-isa niyang pinalaki ang mga ito habang nagtatago sa kaniyang boss no'ng siya ay isang intern pa lamang. Ang ama ng quintuplet ay si Rod. Ito'y kasal na sa iba dahilan kung bakit ayaw ni March ipakilala kay Rod ang mga anak niya. Makalipas ang pitong taon, nakita ng ina ni Rod si March. May hiningi itong pabor dahilan para magkita muli si March at Rod. Sa kanilang pagkikita, matatago pa ba kaya ni March ang mga anak nila? O siya ang itatago ni Rod sa mundo kung saan tanging siya lang ang makakapiling nito?
10242.4K viewsCompletedAdded to Library 6.3K Times as si basilio sa ateneo
Show Reviews (32)
Read
+Library
MeteorComets
List of my completed stories you can read. The Lust Love Hiding The CEO's Quintuplets Binili Ako ng CEO Pag-aari Ako ng CEO Asawa Ako ng CEO Binihag Ako ng CEO His Personal Affair Love In Mistake Shade Of Lusr I Put A Leash On My Boss
Dinalynn
grabe eto yung author na lahat ng libro niya hindi nawala excitement ko kada update niya lahat ng chapter maganda talaga ramdam mo yung puso , dedication at emosyon bawal chapter more power po sana madami pa kame mga story mo mabasa ......
Read All Reviews
The Mafia's Dispensable Woman

The Mafia's Dispensable Woman

Pinagtangkaang patayin ni Griff ang kanyang asawang si Althea upang masolo nito ang kompanya ng babae at makasama na nito ang childhood sweetheart nito na si Britney. Ngunit nang araw na itapon sa bangin ni Griff ang bangkay ni Althea ay sakto namang nagmamanman ang mafia boss na si Rigor at nasaksihan niya ang mga pangyayari. Sinagip ni Rigor si Althea at binigyan ng bagong mukha na kawangis sa mukha ng kanyang yumaong asawa na si Sophia. Subalit habang tumatagal ay may kakaiba na silang nararamdaman para sa isa't-isa. Akala ni Althea ay happy ending na ang kanyang love story sa piling ni Rigor. Hindi niya akalaing may darating palang kontrabida. Si Sophia, ang original na nagmamay-ari ng puso ni Rigor. At ang original na nagmamay-ari ng kanyang hiram na mukha. Talaga bang malas siya pagdating sa pag-ibig? At paano nangyaring nabuhay ang matagal ng patay?
1015.6K viewsCompletedAdded to Library 343 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
Maid Inangkin Ng Bilyonaryo (SPG)

Maid Inangkin Ng Bilyonaryo (SPG)

Dulot ng matinding kalasingan nakipag one night stand si Rash sa pangit nilang katulong. Laking gulat niya nang makita ito kinabukasan na katabi na niya. Galit niya itong pinalayas ng kuwarto at pinainom ng pills. Kaya lang expired na pala ang nainom ng kasambahay kaya kalaunan nabuntis si Heimie dulot ng isang gabi nila ng amo niyang si Rash. Kilalang guwapo, mayaman at higit sa lahat masungit pero soft hearted pagdating kay Heimie. Kaya lalong nagalit ang lalaki dahil pangit, kuba at kamuka ni Bakekang ang dalaga. Pero habang tumatagal na sinusungitan ito ni Rash. Tila nagkaroon ng milagro dahil unti-unting gumaganda si Heimie at napapansin ng lalaki. Hindi naman talaga pangit ang kubang kasambahay. Hindi lang siya nag aayos at nagpapanggap lang siyang kuba para wag pagkainteresan ng mga lalaki. Ilang beses silang muntikan ng magkiss. Inakala naman ng kasambahay na ikakasal ang amo sa kasosyo nito kaya umalis siya at di sinabi na nabuntis siya. Hanggang sa ipanganak niya ang batang si Raiden. Makalipas ang ilang taon na paghihirap at pagpapalaki sa bata. Nagkasakit naman si Heimie at napilitang mamalimos ang bata para ipagamot ang ina. Saktong namalimos ito sa harap ng kompanya ni Rash at naabutan ng binata. Naawa siya rito at tinulungan. Nagmakaawa naman si Raiden na tulungan ang kaniyang ina kaya doon nagtagpo ulit ang landas nila ni Heimie nang sumama ito. Bumawi si Rash sa babae at nalaman niyang anak niya si Raiden nang ipa-DNA niya ito. Mapapatawad kaya ni Heimie ang lalaki? Magkakaayos kaya sila? O magiging isang kuwento na lamang ang kanilang pag iibigan at magfo-focus sa kanilang anak?
157 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
Ang Mukha ng Pag-Ibig

Ang Mukha ng Pag-Ibig

Maria Angela Gonzales
Nang iwanan si Zak Zapanta ng asawa niyang si Irene, isinumpa niyang hindi na siya maniniwala at magtitiwala sa kahit na sinong babae pero, bakit kinain niya ang kanyang sinabi ng makita niya si Candelaria Ynares, ang asawa ng kanyang kaibigan? At bakit nakikita niya rito si Irene gayung ibang-iba naman ang hitsura nito sa kanyang ex?
5.5K viewsOngoingAdded to Library 201 Times as si basilio sa ateneo
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status