Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE HEIR THAT NEVER EXISTED

THE HEIR THAT NEVER EXISTED

Si Xavier Zander ay kilala bilang ang pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, at pinakamalamig na bilyonaryo sa buong bansa. Hawak niya ang halos lahat ng negosyo, lupain, at kumpanya. Takot sa kanya ang lahat at hinahangaan ng marami. Pero sa kabila ng lahat ng kanyang yaman, iisa lang ang kwento na alam ng publiko: Wala siyang tagapagmana. Sa lahat ng interview, balita, at magasin, laging tanong sa kanya kung sino ang magmamana ng kanyang bilyun-bilyong yaman kapag wala na siya. At laging iisa lang ang sagot ni Xavier—na wala siyang pamilya, wala siyang anak, at mag-isa lang siya sa mundong ito. Naniniwala ang lahat na masyado siyang matigas ang puso para magmahal at bumuo ng pamilya. Akala nila, ang kanyang imperyo ay mawawala rin pagkatapos niya. Pero ito ang malaking kasinungalingang itinago niya sa buong mundo. Dahil sa likod ng lahat ng kanyang kapangyarihan at karangyaan, sa isang liblib na mansyon sa pribadong isla na walang ibang nakakaalam, naroon si Liam. Ang kanyang anak. Ang kaisa-isang dugo at laman niya. Noong bata pa si Liam, napuno ng takot si Xavier. Alam niyang dahil sa sobrang yaman niya, marami siyang kaaway, mga taong handang pumatay at kumitil para lang makuha ang kanyang ari-arian. Kaya ginawa niya ang pinakamahirap na desisyon ng kanyang buhay—pinili niyang burahin ang pagkatao ng kanyang sariling anak. Wala siyang birth certificate. Walang pangalan sa anumang dokumento. Walang rekord sa ospital o gobyerno. Wala kahit isang litrato na makikita sa labas. Sa mata ng batas at lipunan, hindi kailanman naging totoo si Liam. Wala siya. Hindi siya umiral. Lumaki si Liam na alam lang na espesyal siya sa mata ng kanyang ama, pero hindi niya naiintindihan kung bakit kailangan niyang manatiling nakatago sa mata ng lahat.
74 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?
1015.4K viewsCompletedAdded to Library 354 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
My Childhood Sweetheart

My Childhood Sweetheart

Bata pa lang ng magkakilala si Mazel at Duncan, at kahit konting panahon lang ang kanilang naging pagsasama ay naging malapit sila sa isa't isa. Pero katulad sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nagkalayo sila, ngunit tadhana ang maglalapit sa kanila at muli silang pagtatagpuin. Ang kanilang muling pagtatagpo ay hindi naging maganda dahil ang dating masayahin at makulit na si Duncan ay nagbago na marahil na rin siguro sa mga napagdaanan. Ngunit maikakaila ba ng puso ang nilalaman nito?
102.1K viewsOngoingAdded to Library 59 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss

Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss

Tubong-probinsiya si Adellilah Mantoha. May sakit ang kaniyang ina, kaya ay kinailangan niyang lumuwas patungong Maynila upang pumasok bilang kasambahay ng isang guwapo, mayaman at bilyunariyong si Ryllander Callares, lalaking malamig ang trato sa lahat, dahilan upang mahirapan ang dalaga na pagsilbihan ito. Kaya ba ng isang hamak na probinsiyanang-maid na paamuin ang ang isang cold-hearted bachelor? Ngunit paano na lang kung mahuhulog siya rito kahit alam niyang sa pantasya lang naisasakatuparan ang ilusyong pag-ibig para sa lalaki?
1022.6K viewsCompletedAdded to Library 497 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
My Sweet Karma

My Sweet Karma

Naniniwala ka ba sa karma? Sya si Danon Acosta. Nasa tamang edad, gwapo, macho, mayaman at habulin ng babae. Aminado syang hindi sya pahuhuli sa pagiging babaero sa kanilang magkakaibigan. Marami nang babae ang umiyak dahil sa kanya. Hindi naman nya kasalanan yun dahil unang una palang ay sinabihan na nya ang mga ito na wag mai-inlove sa kanya. Ngunit isang araw may isang matandang babaeng wala yata sa sarili nito at hinulaan sya. At ayon nga daw sa kapalaran nya ay nalalapit na ang karma nya. Ang babaeng magpapatibok ng triple sa bato nyang puso. Ang babaeng magpapaiyak sa kanya. Ang babaeng mahihirapan syang mapaibig kahit lumuhod pa sya sa asin. Tinawanan lang nya ito. Hindi sya naniniwala sa karma. Tao lang ang gumagawa ng karma nya. Pero ng makilala nya si Maggie ang hipag ng kaibigan nyang si Austin ay nagiba ang tibok ng puso nya. Unang kita pa lang nya dito ay alam nyang tinamaan na sya. Pero hindi pala ganun kadali ang pagdadaanan nya para mapaibig ito. Dahil desi syete lang ito at malaki pa ang pagkadisgusto sa kanya, laging nakasimangot tuwing nakikita sya. Ang isip nya ay nagsasabi na kalimutan na lang ito at ibaling na lang ang atensyon sa iba, ngunit ang puso nya naman ay ito lang ang hinahanap hanap kahit halos isumpa sya nito ng sirain nya ang date nito sa lalaking gusto nito. Danon Acosta and Maggie Caperiña story
1027.9K viewsCompletedAdded to Library 781 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
Chasing What's Gone: Husband's Regrets

Chasing What's Gone: Husband's Regrets

“Kael…please…make it fast. I want you.” ungol ko. At ginawa nga ni Kael, mabilis siyang gumalaw sa ibabaw ko, at sa sobrang bilis niya gusto ko na siyang tumigil lalo na’t mabigat ang paghawak niya sa baywang ko habang binabayo ako. “Kael…stop, ” Hindi natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumigil. Tumayo siya, mabigat ang bawat galaw. Nakatitig lang sa sahig. “Kael?” mahina kong tanong. Tahimik siya at saka dahan-dahan siyang tumingin sa akin. “Solene,” sabi niya, kalmado. “Let’s get a divorce.” Parang may sumabog sa tenga ko. “Ano?” halos hindi ko marinig ang boses ko. “Ano’ng sinabi mo?” Tuwid ang tindig niyang sumagot. “I already talked to my lawyer.” Huminga ako nang malalim, pilit na pinapaklam ang sarili ko. “Bakit?” “She’s sick.” Tumigil siya sandali bago tumingin sa akin. “Si Natalyn… she only has six months left.” Namilog ang mga mata ko. “So?” “She wants to spend her last days as my wife.” Walang pagbabago sa tono niya. “After that… I’ll come back to you.” Napangiti ako. Mapait. “Babalik ka?” bulong ko. “Para ka lang aalis sa bakasyon.” “Please, Solene.” Mahina pero mariin. “She’s dying. Don’t make this harder.” Natahimik ako. Ang hangin sa pagitan naming dalawa ay mabigat. Ang mga kamay kong kanina’y nakayakap sa kanya, ngayo’y nakalapat sa kama, nakakuyom. Anong kahibangan ito? Hindi pa kami tapos sa ginagawa namin pero bigla nalang siyang titigil at isang nakakagulat na balita ang sasabihin sa akin?
386 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
ISANG GABI SA PILING MO

ISANG GABI SA PILING MO

WARNING/ R-18+ Bata pa lang si Belyn Kho, sabik na siya sa atensyon ng kanyang magulang. Palagi kasing pabor ang Mommy at Daddy niya sa ate niya. Ika nga lagi siyang second choice kapag wala ng pagpilian.Kaya naman pala ganun kay Belyn ang Mommy at Daddy niya, at ni minsan ‘di niya nararamdaman na minahal siya ng kinagisnang magulang dahil natuklasan ni Belyn, sa mismong debut party niya na ampon lang siya ng pamilya Kho.Okay naman sana kay Belyn dahil wala ng bago. Ano nga naman ang pagkakaiba sa nalaman niyang ampon siya at malamig na turing ng ama at ina. Ni malasakit simula't sapul wala siyang nakuha.Kaya lang, nilayuan siya ng mga kaibigan, lalo na ang kasintahan ng malaman na hindi siya anak ng pamilyang Kho.Pakiramdam ni Belyn siya na ang pinakamalas na nilalang sa balat ng lupa. Walang may gusto sa kaniya. Kaysa magmukmok siya sa bugok niyang nobyo na walang balls, nag-focus na lang si Belyn sa pag-aaral.Paglipas ng dalawang taon, bumagsak ang negosyo ng magulang niya at sa loob ng dalawang buwan ay nakatakda siyang ikasal upang makabangon daw muli ang negosyo na minana pa raw ng Daddy niya sa mga magulang nito.Tumutol si Belyn. This time umalma siya. Gusto ni Belyn sa lalaking mamahalin lang siya magpapakasal, hindi dahil pambayad utang lang.Sa gabi ng kaniyang paglalayas, humingi siya ng tulong sa kaibigan niya. Kaya lang, iba ang dumating — ang bestfriend nito na nagngangalang Aaron Chong, na umaapaw tlsa kisig at hotness. Tuluyan nga kayang makakatakas sa kasal si Belyn?Abangan ang love story ni Belyn Kho at Aaron Chong, Isang gabi sa piling mo.
1048.4K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
I Wanted a Divorce, Benedict!

I Wanted a Divorce, Benedict!

Sa loob ng pitong taon ng kanilang pagsasama, nananatili si Benedict na malamig sa kaniyang asawa habang si Mikaela naman ay patuloy pa rin sa pagsisilbi rito bilang isang mabuting asawa. Umaasa kasi siyang isang araw ay matututunan din siyang mahalin ni Benedict ngunit hindi niya inakala na ang pagmamahal nito at pag-aalaga ay ibubuhos lang din pala nito sa ibang babae. Gayunpaman nanatili siyang matatag sa kanilang pagsasama. Hanggang sa araw ng kaniyang kaarawan, lumipad siya mula Pilipinas patungong Amerika upang makasama ang kaniyang mag-ama ngunit sinama ni Benedict ang kanilang anak upang makasama ang babae nito habang siya ay naiwan nag-iisa sa apat na sulok ng kaniyang silid. Pagod na siya kaya nagpasya na siyang isuko ang lahat lalo na sa tuwing nakikita niya ang kaniyang anak na mas gusto at mas masaya pa ang babaeng iyon na maging ina nito kaysa sa kaniya na tunay nitong ina. Masakit para kay Mikaela ang lahat ng iyon kaya naman nagpasya na siyang ibigay ang divorce agreement kay Benedict kasama ang kostodiya at bumalik ng Pilipinas nang walang paalam. Mula noon, hindi na pinansin ni Mikaela ang kaniyang mag-ama habang hinihintay na lang ang divorce certificate nilang mag-asawa. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at muling itinaguyod ang kaniyang career. Siya na noon ay inaalipusta ng lahat ay nagawa nang kumita ngayon ng bilyon. Sa kabilang banda, sa tagal ng kaniyang paghihintay, bigo siyang makuha ang divorce certificate na hinihintay niya gayundin ang taong matagal siyang iniwasan at ayaw na ayaw umuwi ng Pilipinas ay madalas niyang nakikitang umuuwi sa piling niya. Bukod pa roon bigla itong nagbago at mas naging malapit sa kaniya. Nang malaman nito na nakikipaghiwalay na siya, kinorner siya ng dating tahimik at walang pakialam na asawa at sinabi, "Divorce? impossible."
10782 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
Billionaire’s Desire (Tagalog)

Billionaire’s Desire (Tagalog)

Nang malaman ni Anastashia ang pagtataksil ng kaniyang nobyo ay talagang gusto niyang maghiganti. Si Michel ang kaniyang kaibigan na umagaw sa kaniyang nobyo. Dahil din doon, maghihiganti siya sa pamamagitan ng pag-seduce ng nobyo din ni Michel. Si Arthuro. Ngunit akala niya hanggang doon lang ang lahat. Na-in love siya sa isang napaka-dangerous na tao. Arthuro Gatciano, the leader of Gatciano group of Mafias, multi-millioner, and the member of Gatciano Circle. He is ruthless and arrogant man. Walang ibang hinangad si Anastashia kundi maghiganti lamang. Ngunit na-in love na pala siya kay Arthuro at ganoon na rin ito sa kaniya. But within that time, their love was not strong. Lalo pa sa mga twisted things that happened. May malaking kasalanan si Arthuro. Ang kanilang love story ay parang isang rollercoaster na isa lang ang dinadaanan ngunit mapanganib, paikot, at buhay ang kapalit. Pag-ibig kaya ang magwagi sa kanilang dalawa o hanggang sa silang dalawa na lang din ang magpatayan sa isa’t isa? “If you love someone, you are willing to kill or die.”
1023.8K viewsOngoingAdded to Library 855 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
Poisoned By The CEO's Tempting Love

Poisoned By The CEO's Tempting Love

Isang dalagang may pambihirang ganda ngunit may pusong naghahangad ng kalayaan. At Isang makapangyarihang lalaki na kayang kontrolin ang batas, ang tao, at ang kapalaran. Mula sa isang inosenteng pagkikita, unti-unting nahulog si Virgo sa marangyang mundo ni Leo. Isang mundong puno ng yaman, kapangyarihan... at kasakiman. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, mas lalo nilang nararamdaman ang higpit ng hawla na unti-unting bumabalot sa kanila. Dahil si Leo ay hindi lang mapagmahal. Siya ay possessive. Seloso. Manipulative. At handang sirain ang lahat para lang manatili ang babaeng itinuturing niyang pag-aari. Pero... Ang pag-ibig ba ay magiging panlunas para sa kanilang dalawa? O tuluyan lang nitong lalasunin ang isa't isa?
85 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as si mark tahimik lang
Read
+Library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status