Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay. Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya. Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama. Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob. Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya. Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata! Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya. Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati... Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata. Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...
Romance
9.519.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1037.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ruthless Red

Ruthless Red

Kneekaa
Lucienne was a different person nang magpasya siyang bumalik ng Pilipinas. Matapos ang trahedyang nangyari sa kanyang mga magulang dalawang dekada na ang nakakaraan, she build herself to put everything in the right places. She is wiser and stronger this time. Ngunit kasabay ng kanyang pagbalik ay sya ring pagsisimula ng mga hindi inaasahang pagpaslang sa mga taong malapit sa kanya noon. What could be her connection to the person behind the killings? Will she withstand the dilemma if her heart will also be at stake?
Mystery/Thriller
1.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Kneel for me, Mayor (Politician Series#1)

Character: Zarina Czyrine Montereal Sixto Grey Zarkozi (Mayor X Secretary) Synopsis: Simula noong namatay ang mga magulang ko sa 'di malamang dahilan, tanging sumalo sa akin ang lola ko. Bata pa lamang ako tinatak ko na sa kukote ko na lahat ng gusto ko ay hindi ko makukuha, kung makukuha ko 'man ito, kailangang mag banat ng buto, miski nga pag-aaral ay hindi na natupad dahil sa hirap ng buhay na kinagisnan ko. Mas lalong naghirap ang buhay ko ng namatay ang lola sa katandaan, halos bumalik sa umpisa ang buhay ko. Ilang buwan akong nagmukmok sa pagkawala ng lola, kahit gutom ko ay tinutulog ko na lamang para hindi ko maramdaman ito. Isang araw, may silay ng liwanag ng pag-asa ang dumating pero kapalit nito ay walang hanggang pagsisisi, pero wala akong magagawa dahil isang kahig isang tuka ako. Inaya ako ng kaibigan ko sa isang trabaho na tiyak ay kikita ng malaki sa isang gabi lang. Ang mga pulitiko ang magiging customer namin. Pataasan ng presyo, bidding ng mga babae ang mangyayari kung sino ang pinakamalaking offer ay sakaniya na ang babae ng isang gabi. Isang kakaibang lalaki ang nakakuha sa 'kin, kulay luntian ang mga mata at may malapad na balikat at maskuladong mga braso na kitang kita sa polo na yumayakap sa katawan nito. Pagtapos nga ba ng gabi ay tapos na rin sila? O mapapaamo niya ang isang Mayor na mabangis pa sa mga tigre?
Romance
10277 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Bride's Mask

A Bride's Mask

tineta
"Pwede bang ako naman, Blaze? Pwede bang ako naman ang piliin mo?” nagmamakaawang wika ni Jane sa harapan ni Blaze. “Don't get me wrong, nagpakasal ako sa 'yo hindi dahil kamukha mo na si Gizelle kundi para manahimik na ang mga magulang natin. Kahit pagbali-baliktarin mo man ang utak ko, si Gizelle pa rin ang mamahalin ko. Siya at siya lang. Apelyido ko lang ang gamit mo pero kahit kailan hindi mo ako magiging pagmamay-ari! ” Para kay Jane, ang pagsusuot ng maskara lamang ang tanging sagot upang tanggapin siya ng lalaking mahal niya. Ngunit kailan nga ba siya matatanggap? Hanggang saan ang kaya niyang tiisin? Hanggang saan pa ang kaya niyang gawin sa ngalan ng pag-ibig? Hanggang kailan siya magpapanggap bilang ibang tao? May patutunguhan pa rin kaya ang pagmamahal niya para kay Blaze?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mafias' Runway Fiance

Mafias' Runway Fiance

(First Generation 1) Katerina Aguilar Romano, the sole heiress of Romano Real Estate is bound to be in an arrange marriage. Matapos ang kaalamang ipapakasal siya ng kanyang mga magulang sa lalaking kailanman ay hindi niya magugustuhan ay napagpasyahan niyang tumakas at lumayo. Damon Achilles Castellanos is a man born full of confidence and ego. He is rich, handsome, and mysterious. Women flock beneath his feet to beg for his affection. Nang mapag alaman niya na tinakasan siya ni Katerina ay nakaramdam siya ng labis na pagkainsulto. Pakiramdam niya ay inapakan ng babae ang kanyang ego. Planning his revenge, sinundan niya si Katerina sa pinagtataguan nito upang isakatuparan ang kanyang balak—ang paibigin ito at iwanan na nagdurugo ang damdamin. Magtagumpay kaya si Damon sa kanyang gusto o magiging kabaliktaran ang lahat? Paano kung ang simpleng mangingisda na minahal ni Katerina ay isa palang malupit na mafia boss?
Romance
1025.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
ONE NIGHT STAND WITH THE CEO

ONE NIGHT STAND WITH THE CEO

Maxine Ysabell De Lara.Nag-iisang babae sa angkan ng mga De Lara. Itinururing siya ng mga itong 'A gift of God'. Lumaki siyang sinusunod ang kaniyang magulang at kailanman hindi siya sumuway sakanila. Subalit, dumating ang gabing nagpagabo sa buhay niya. Roswell Dylan Montefalco. The Most Successful Young Businessman. Business Tycoon. And Workaholic. May iisang babaeng minahal. Si Fhreaya Flores. Ang babaeng inalok niya ng kasal, ngunit iniwan siya sa ere. Dahil sa labis na pagmamahal sa dalaga. Napagkamalan niya nasi Maxine De Lara ang babaeng bumigo at nang-iwan sakanya. Pinilit niyang makatalik at buntisin ito 'nang sa ganon ay hindi na siya nito iwan. And he got her virginity. Tatlong taon siyang hindi pinatahimik ng konsensiya. Ginawa niya ang lahat para matagpuan ang babae. Ngunit, isang iraw ito mismo ang nag-apply ng trabaho sa kanyang Kompanya. Magagawa kayang pagtagpuin ang kanilang mga puso ng nag-iisa nilang koneksiyon? Magawa kaya ni Maxine na masungkit ang puso ng lalaking may matagal ng minamahal? O kahit anong gawin niya, tingin lang nito ay ina ng anak nila?
Romance
9.4522.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Hot Night With The Billionaire

One Hot Night With The Billionaire

[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
Romance
1016.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife

The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife

Matapos ang tatlong taong paghihirap ni Cassandra Andrada bilang asawa ng isang CEO na nag-ngangalang Dylan Almendras, ay tuluyan nang natuldukan ang kaninang pagsasama. Nauwi sa pirmahan ng divorce paper at pagkamuhi sa isa’t-isa ang dalawa. Hindi makita ni Dylan ang halaga ng babae sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Habang si Cassandra naman ay tuluyan nang naniwala na kung sino man ang gustong pakasalan pa siya ay nasisirain na ng ulo. Itinuon din nito ang kaniyang atensyon bilang isang magaling abogado sa bansa— na iilan lamang ay may alam. Ngunit hindi rin nag tagal ay dumating rin sa pagkakataon na nanaisin muli ni Dylan na mabawi ang asawa. Gagawin niya ang lahat upang pumayag ulit itong pakasalan siya kahit pa umabot sa puntong naghahabol na siya rito. Subalit ang matigas at determinadong si Cassandra ay ayaw ng magpadala sa kahit anong mga sinasabi at mga ipinapangako ng lalake. Patuloy niyang tinataboy si Dylan sa kabilang ng lahat ng pagmamakaawa nito. Tuluyan kayang mababawi ni Dylan si Cassandra kahit lingid sa kaalaman nito na ang asawang kaniyang hiniwalayan ay maraming tinatago tungkol sa kaniyang pagkatao?
Romance
9.626.8K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (10)
Read
Idagdag sa library
Amaya
good evening! 2 new chapters are uploaded! pasensya na po at mabagal ang updates ko simula kahapon at ngayon, may upcoming exams po kasi kami at bukas na yon. babawi po ako ng updates bukas pagkatapos ng exams namin, promise! thank you for supporting our Casey and Dylan!
Nimpha
thank you so much miss A sa update po sana ipag patuloy nyo Ang palaging pag update nyo po kming mga readers ito Ang gusto nmin yong Hindi madamot Ang author mg update at mg patuloy kming susuporta sa aklat na ito God bless,!! And more readers to come
Basahin ang Lahat ng Review
Hide and Seek (TAGLISH)

Hide and Seek (TAGLISH)

Synopsis Bata pa lang si Katana ay mulat na s'ya maraming bagay, tulad ng kailangan n'yang malayo sa kan'ya ng mga magulang upang makapag trabaho sila para sa ikakabuti ni Katana. Lumaki s'ya sa puder ng kaniyang lolo at lola na magulang ng kaniyang ina. Namulat rin siya sa mundong hilig siyang i-chismiss kung saan-saan. Nang tumungtong siya sa edad na sampu ay do'n niya napagtanto na wala s'yang dapat pag katiwalaan kung hindi ang sarili n'ya lang at ang mga taong kilalang-kilala na n'ya. Grade 7 siya ng muling nalapit sa mga taong nakapaligid sa kaniya , si Trace ay isa sa taong nakilala niya at naging kaibigan–boyfriend niya no'ng grade 9. Si Vivian ang akala niya ay totoong kaibigan. Akala niya totoong kaibigan ang mga nakapalibot sa kaniya 'yon pala ay hindi. Grade 10 s'ya no'ng maakusahang gusto niyang patayin si Vivian ang akala n'yang kaibigan niya pero nag kamali s'ya, sobra-sobra ang pasakit na nangyari sa batang Katana at pinili na lang lumayo kasama ang taong hindi niya aakalain kakampihan siya at iintindihin siya. Akala niya ay ayos na ang lahat, ayos na ang bata niyang puso. Akala niya kaya na niyang muling makita ang mga taong pilit niyang pinapatawad no'ng nasa New York siya ngunit hindi pala gano'n kadali mag patawad, masakit pala. Gustong-gusto niyang mag patawad ngunit nasasaktan siya. Sabi nga niya ang bawat buhay natin ay may kasalanan tayong nagagawa at ang Diyos ay kaya tayong patawarin tayo pa kayang tao lamang? She found the forgiveness in her hearts. Napatawad niya ang lahat ngunit muli nilang wawasakin ang bagong Katana. Kaya n'ya bang muling mag patawad? kaya niya bang patawarin uli ang mga taong nagkasala sa kaniya ng paulit-ulit
Other
107.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2829303132
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status