Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Love

The Billionaire's Love

EVS
Isang baligtad na mundo, Isang mundong mahirap, walang batas at walang moralidad. Kabilang na rito sa mundong ito si Alice Armani, wala siyang ibang iniisip kundi ang magkapera at maka alis sa kaniyang kahirapan na dinaranas. Sa kabilang mundo naman, ay puno ito ng kasaganaan sa pamumuhay, kahalagahan sa isang bansa, mayroong batas at pinuno. Namumuhay dito si Mark Liam Reed, isang binatang ipinanganak na Bilyonaryo, gwapo at maluho sa buhay. Hanggang sa ipinagtagpo sila ng tadhana, sa taglay na kagandahan at alindog ng katawan ni Alice ay nabihag nito ang puso ni Liam. Paano kung malaman ni Liam ang lihim ng dalaga o intensyon? Tatanggapin ba siya ng binata o kamumuhian? Paano kung may mga pusong biglang tumibok sa pagmamahal at naiba ang pananaw sa buhay? Kaya bang kalimutan ni Alice si Liam o pipiliin na lamang niya ang buhay na kinagisnan?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Her Contract with Her Boss

Her Contract with Her Boss

Sa araw, siya ang mahinhin at maparaan na chief secretary, at sa gabi, siya ang malambot at charming na kapares sa kama. Paglipas ng tatlong taon ng mutual support, akala niya ay minahal siya nito. Nagpropose siya sa binata, ngunit narinig niya ang sinabi nito: "Ito ay laro lamang na kasali ang katawan pero hindi ang puso. Sa tingin mo seseryosohin ko to?" Sobra siyang nasaktan at lumingon paalis. Simula non, ang buhay niya ay umangat, umangat din siya sa career, at naging gold medal lawyer na walang sino mang nangahas sa legal community. Merong hindi mabilang na manliligaw sa paligid niya. Pinagsisihan iyon ng binata at tinulak siya sa dingding na may namumugtong mata: "Ang katawan ko, ang buhay ko, lahat ay sayo, will you marry me?" Maliwanag ang mga ngiti niya: "Pasensya na, gumilid ka, hinaharangan mo ang panibagong buhay ko."
Romance
5.55.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
446 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Owned You

Owned You

Hindi inakala ni Sapphira na mag-mamahal ito ng lalaking higit pa sa buhay niya, mamahalin ba siya nito ng lubos o paglalaruan lamang ang marupok na puso nito.
Romance
1045.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
DIVORCE HIM

DIVORCE HIM

ARICIA PISCES-95
“He has the power. The power to manipulate and the power that makes your life miserable.” Nang dahil sa pagtataksil ay tuldukan ni Caren ang kanilang pagiging mag-asawa ni ni Jerome Fordman. Ang pagsasama na wala ng pagmamahal. Jerome used her and manipulated her. Hanggang sa nahuli niya ito na may ibang babae. Gagawin ni Caren ang lahat para lang pumayag ang asawa sa nais niyang hiwalayan. At doon papasok sa buhay niya si Vince Fordman ang tiyuhin ng kanyang asawa.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Poor Husband Returns as a Billionaire

The Poor Husband Returns as a Billionaire

Iniwan siya dahil akala nila wala siyang mararating. Bumalik siya bilang lalaking hindi nila kailanman malilimutan. *** Limang taon siyang nanahimik. Isinantabi ang yaman, kapangyarihan, at pangalan. Nagpanggap bilang isang karaniwang lalaki upang malaman kung sino ang tunay na totoo sa mundo ng kasinungalingan. Sa kanyang pagbabalik, dumurog siya ng mga inaakalang mas makapangyarihan sa kanya—at kabilang dito ang babaeng pinakamamahal niya. Para kay Lilly Ybañez, si Damon Salvatore ay isang mabait ngunit mahirap na lalaking walang kinabukasan. Kaya’t sa gitna ng pangarap at panlilinlang, pinili niyang iwan ito para sa mas marangyang buhay—kasama ang lalaking may pera, impluwensiya, at lihim na motibo. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya ay ang pinakamayamsng negosyante sa bansa—isang bilyonaryong mas mapanganib sa katahimikan kaysa sa sinumang makapangyarihan. Sa kanyang pagbabalik, bitbit ni Damon ang yaman, katotohanan, at bangis ng isang pusong nasaktan ngunit hindi kailanman nagpatalo.
Romance
10903 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
One Night To Remember  (One Night Stand With A Billionaire)

One Night To Remember (One Night Stand With A Billionaire)

Parang sinukluban ng langit si Rica ng malaman ang kondisyun niya sa doctor. Lalo pa siyang nalugmok sa kalungkutan ng sabihin nitong bilang na ang panahon niya. Halos hindi na naging normal ang Buhay niya magmula noon.Isang alok ng kaibigan ang sasagip sa kanyang lugmok na kapalaran pero hindi akalain ni Rica na iyon ang magdudulot ng samot saring paghihirap sa kanyang buhay
Romance
1013.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Secret door in the dark forest

Secret door in the dark forest

Aya Lyka C.
Sa Isang mahiwagang mundo na binuo ng pag iibigan ng isang diwata at isang engkanto, isang kilalang hari at reyna sa palasyo ng gardenya. Nabuo ang kanilang pagmamahalan sa pagdating ng isang supling na babae. Isang napakagandang bata na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Binigyan ng pagkakakilanlan ang sanggol at tinawag nila itong Princess Lucia. Pinagdiwang nila ang pagdating ng bagong itinakdang maghari sa buong gardenya. Subalit sisirain ito ng isang mapaghiganti na may maitim na mahika ang kasiyahang nagaganap. Dumilim ang kalangitan at namatay ang lahat ng mga puno at halaman ang buong kaharian. Kagimbal-gimbal ang mga pangyayari dahil napakalakas ng itim na mahikang taglay ng kung sino man ang gumagamit nito. Dahil sa takot na mapahamak ang sanggol ay pinaubaya ng hari at reyna ang kanilang anak sa isang diwata na si Lila. Mabilis na itinakbo ng diwata at inilayo sa lugar na yun ang prinsesa. Dinala niya ito sa isang diwata na si Kala na umibig sa isang mortal at namuhay bilang tao. Bago tuluyang nagpaalam si Lila ay may binigay ito na kwentas at kapirasong papel kay Kala. Di na rin pinaalam ni Lila kung ano ang nangyari at kung sino ang sanggol para sa ikatatahimik ng lahat. Pinalaki ng maayos ng mag asawa ang batang pinagkaloob sa kanila at pinangalan nila itong Callea. Lumaking maganda at masayahin ang bata ngunit sa pagsapit ng ikalabing-walo niyang kaarawan ay matutuklasan ang hiwagang at misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Sa pagtuklas sa nakalipas ay makakatagpo siya ng isang taong lobo ngunit ang lobong ito ang magdadala sa kanya sa kapahamakan. Maibalik pa kaya ang ganda ng nasabing kaharian na nagmistulang isang madilim at nakakatakot na kakahuyan? Sino ang nasa likod ng paggamit ng itim na mahika? Sino o ano sa buhay ng dalaga ang taong lobo?
Fantasy
3.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling for my Ex-Fiance's Uncle

Falling for my Ex-Fiance's Uncle

Si Hailey Gaile ay pinagkasundong ipakasal kay Cedric na isang good for nothing playboy. Hindi sumipot ang lalaki sa araw ng kasal nila. Ikatutuwa na sana ni Gaile ang hindi nito pagsipot pero mukhang to the rescue ang gwapo at bilyonaryong uncle ni Cedric na si Tristan Venzon! Kayanin kaya ni Gaile ang buhay may asawa sa piling ng dominanteng CEO na 10 years ang agwat sa edad niya?
Romance
10646 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1718192021
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status