Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
358 viewsOngoing
Read
Add to library
Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Sorry, pero Hindi Ikaw Ang Groom Ko

Isang video ng boyfriend ko na nagpo-propose sa kanyang secretary ang nag-trending. Lahat ay kilig na kilig at sinasabing napaka-romantic at nakakaantig ang eksena. Nag-post pa mismo ang secretary niya sa social media: "Matagal kitang hinintay, at buti na lang hindi ako sumuko. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sayo, Mr. Emerson." Isa sa mga komento ang nagsabi: "Diyos ko, sobrang sweet nito! CEO at secretary—bagay na bagay sila!" Hindi ako umiyak o nag-eskandalo. Sa halip, tahimik kong isinara ang webpage at hinarap ang nobyo ko para humingi ng paliwanag. Doon ko siya narinig na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Wala akong choice. Mapipilitan siyang pakasalan ang isang taong hindi niya mahal kung hindi ko siya tinulungan." "Eh si Vicky? Siya ang totoong girlfriend mo. Hindi ka ba natatakot na magalit siya?" "Eh ano naman kung magalit siya? Pitong taon na kaming magkasama—hindi niya ako kayang iwan." Sa huli, ikinasal ako sa parehong araw ng kasal nila. Nang magkasalubong ang aming mga sasakyan, nagpalitan kami ng bouquet ng kanyang secretary. Nang makita niya ako, labis siyang nasaktan at humagulgol.
Short Story · Romance
3.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy

Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy

Mahal ni Camila si Brix kaya sobrang saya niya nang ikasal sila at magkaanak. Pero bago siya manganak, nalaman niyang kukunin ni Brix ang bata at ipapaalaga sa kababata nitong si Daisy dahil ayaw nitong si Camila ang makagisnang ina ng anak. Sa sakit at galit, naaksidente si Camila at humiling ng divorce. Makalipas ang tatlong taon, bumalik siya kasama ang anak nila, pero nalaman niyang hindi itinuloy ni Brix ang divorce. “Do you think you can run away from me, Camila? Think twice. Dahil kahit saang sulok ng mundo, mahahanap kita. You're my wife and forever you'll be,” ani Brix at unti-unting lumapit kay Camila na panay ang urong ngayon. “No! I don't want you to be my Daddy! Divorce my Mommy right now!” sigaw ng bata na nasa likod pala ng dalawa.
Romance
1016.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Billionaire's First Love

Mr. Billionaire's First Love

sᴇʀᴀᴘʜɪɴᴇ
After the big downfall of The Cervantes Group Of Companies, Daniella Vianna ‘Davina’ Cervantes was forced to marry the richest bachelor in Asia, the ruthless Roscoe Davidson. Walang choice si Davina kundi sundin ang utos ng magulang niya. Kahit na ayaw niyang ipakasal— hindi lang ipakasal, kundi’y binenta siya ng sariling magulang para masalba ang kanilang kompanya. Kapatid niya dapat ang ipapakasal kay Roscoe, ngunit dahil mahal ng magulang niya ang nakakatandang kapatid at ayaw nitong masaktan ang kapatid sa kamay ng isang Roscoe Davidson. The ruthless and heartless billionaire that no woman can tame. Siya ang pinakasal sa binata. She wanted to cry during her wedding day because she knew her life would become more miserable with Roscoe. Ngunit hindi. Dahil sa araw ng kasal nila’y hindi niya aakalain na si Roscoe Davidson ay ang lalaking hindi niya makalimutan. Hindi siya makapaniwala. Magulo ang utak at puso ni Davina sa muling pagkikita nila ng lalaking minsan na niyang minahal, ngunit nasira lang. Pero ito siya ngayon, ikakasal na dito. Gusto ba nitong maghiganti sa kanya dahil sa pang-iiwan niya sa binata noon? Lalo na’t sobrang yaman na ito ngayon? Mas lalo siyang natakot lalo na sa mga binitawang salita nito nang makasal na sila. “Finally… you’re mine again, Davina.”
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaires Regretted Fury

The Billionaires Regretted Fury

Ahhhhh...... Tama na Luther maawa ka, maawa ka sa magiging anak natin... Umiiyak na pagmamakaawa ni Abby ng maramdaman niya na tumama sa likod niya ang latigo na inihampas sa kanya ng kanyang asawa na si Luther. Puro pasa na din ang aking mukha at katawan sa walang tigil na pananakit nito sa akin. Sobrang sakit nito at pakiramdam ko matatanggal pati balat ko tuwing hinahampas sa akin ang latigo na gamit nito. Nakadapa ako sa lapag habang walang tigil sa pananakit sa akin si Luther. May mga bakas na din ng dugo sa sahig na nanggaling sa akin. "Your Slut Abby... Pagbabayaran mo ang lahat ng ito. Alam mong ayaw ko sa lahat ang niloloko ako. Sigaw ni Luther sa akin sabay hawak sa aking mukha ng mariin at sinampal ako. Halos mabagok ang ulo ko sa sahig sa lakas ng impact nito. Nandito kami sa basement ng mansion. Alam kong walang makakarinig sa akin kahit na ilang beses akong sumigaw para humingi ng tulong. Parang mga bingi ang mga tauhan ni Luther sa pagmamakaawa ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na mabilang kong ilang suntok, sampal, at latigo ang tumama sa aking katawan. Siguro kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito na lang ako. Marahan kong kinapa ang aking tiyan. "Sorry anak, hindi kita magawang ipagtanggol. Siguro hanggang dito na lang tayo. Pangako mamahalin kita sa kabilang buhay." anas ko sabay pikit.
Romance
10120.2K viewsCompleted
Read
Add to library
THE SEX CONTRACT 3:  MAXI and MARCO

THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO

WARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages. ********** Masakit ang kontratang pinasok ni Maxi, magpapanggap siyang ibang babae habang nasa kama ni Marco De Guia. Isang babae na kahit mabuhay siya uli hinding-hindi niya magagawang tapatan sa puso ng bilyonaryong ranchero, si Anna Medrano. Ang kapalit, impormasyon na halos dekada niyang hinahanap na parang maliliit na puzzle lang nitong ibinibigay. Parang masarap na lason na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan. May hangganan nga ba ang kanyang pagtitiis sa kamay ng lalaking walang pagtingin sa kanya? ****** Malupit na parusa.  Iyon si Anna para kay Marco dahil tuluyan siyang nabaliw sa babaing ito sa puntong isusugal niya ang lahat ng yaman niya at sarili niyang buhay makuha lang niya ang puso nito na may iba nang nagmamay-ari at matalik pa niyang kaibigan, si Jared Mendez. At para matakasan ang sobrang sakit na pinagdadaanan niya, kinailangan niya si Maxi. Ang tanging babae na sa kabila ng matinding galit sa kanya ay may kakayahang buhayin ang lahat ng emosyon at pagnanasa ng kanyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. May lugar ba ito sa miserable niyang buhay kung pag aari na ng ibang babae ang puso at kaluluwa  niya? At mapapatawad ba siya nito sa dami ng kalupitang ipinaranas niya dito? Karapat-dapat ba siya sa puso nito kung may ibang lalaki nang naghihintay dito oras na matapos ang kanilang kontrata?
Romance
5.8K viewsOngoing
Read
Add to library
A PERFECT MISTAKE

A PERFECT MISTAKE

GINAWANG PAMBAYAD sa utang si Yza ng kanyang ama. Masamang-masama ang kanyang loob, kaya nilunod niya ang sarili sa alak. Sa sobrang kalasingan ay natumba siya ngunit bago pakinabangan ng matigas na simento ang malambot niyang katawan ay nasalo siya ng lalaking estranghero. Kinabukasan ng magising siya ay nagimbal si Yza sa kanyang natuklasan. Wala siya sa sariling kwarto. Higit sa lahat hubo’t hubad din siya. Naramdaman niya rin ang munting kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. She’s lost her virginity… Sa lalaking hindi man lang niya namukhaan. Ang isang gabing pagkakamali ay nagbunga. Paano na siya? Gayon naglayas siya sa kanila at pagala-gala na lamang siya sa kalsada… She’s meet Manuel ang lalaking hindi yata marunong ngumiti at ubod ng suplado. Naging Knight and shining armor niya ang binata... Nakahanda akuin ni Manuel, ang anghel nasa sinapupunan ni Yza. nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Manuel at Yza. Pero dahil sa natuklasan ni Yza ay hindi natuloy ang kasal. At pagkalipas lamang ng ilang linggo ay nagpakasal si Yza sa ama ng binata,kay Don Hector...
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Prince Uncharming

Prince Uncharming

M.A. Lejo
Eighteen year-old Bryle Cassius Muerte is a trouble-maker and reigning King of Jerks at Fleur University. Baliw lang daw ang magkakagusto dito dahil sa sama ng ugali ng lalaki. Tamang-tama namang ipinaganak na yatang siraulo si Geneveva "Bebang" Dela Fuente. Siguro dahil sa sobrang pang-aaping naranasan niya kamay ng Tita Pots niya, lumuwag na yata ang turnilyo niya sa utak. "Hindi siya Prince Charming, Bebs! Diyos ko, demonyo 'yang lalaking 'yan," protesta ng kaibigan niyang si Luna. Ayaw nito kay Bryle para sa kanya. Napangisi siya, ngising baliw. Eh, ano naman? Hindi rin naman siya santa santita. Bagay na bagay sila ni Bryle kung ganoon. Pero gustuhin pa kaya niya si Bryle 'pag nalaman niya ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Because Bryle keeps a dark secret, so dark even real monsters shakes in fear.
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Dark Hidden Secret

His Dark Hidden Secret

May isang malaking organisasyon sa bansang Pilipinas na pasimuno ng lahat ng iligal na gawain kaya buong tapang na tinutugis ng gobyerno pero sa sobrang makapangyarihan ay hindi nila ito magawang mahuli. Ang mga matataas na opisyal ng pulisya ay kusa ng sumuko na hulihin at pakialaman ang sinasabing orginasasyon na kung tawagin ay Tushkin Mafia pero iba ang paninindigan ni Kiara Gallano. Kiara Gallano is a loyal police officer of the Philippines. Sumumpa siya sa bansa at sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para sugpuin lahat ng masasama at iligal na gawin dito. And, when she heard about the Tushkin Mafia, she challenges herself to dig deeper even if her higher officials surrendered. As she investigate alone about the huge Mafia organization, she got to know an ordinary and low-key lawyer that she thought could help her upon investigating the Tushkin Mafia. Pinilit niya itong tulungan siya at nagawa niya naman itong kumbisihin. Sa bawat araw na magkasama sila ay napalapit na siya sa lalaki. She wants to protect him with all her heart, but what if she discovers his dark secret? Paano kung ang lalaking palaging nasa tabi niya siya ring lalaki na hinahanap niya upang sugpuin? Patuloy niya bang panghahawakan ang sinumpaang tungkulin o pagbibigyan niya ang puso? Can she accept the fact that she's falling for the Mafia Boss? She's falling for Xavier Jan Tushkin, the man behind those illegal doings in the nation she wants to protect.
Romance
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status