Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back

Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back

Handa ka bang talikuran ang isang pagsasamang nabuo lamang mula sa isang kasinungalingan? "Naiintindihan ko kung bakit kinamumuhian mo ako, Diane. Huli na rin nang malaman ko ang ginawang panloloko sa'yo ni Caleb pero maniwala ka man o hindi, nagawa niya lamang ang lahat ng iyon para sa akin, para sa kapakanan naming dalawa ng anak kong si Theo. Kaya hanggang maari, huwag mo sana siyang sisisihin." "Malinaw sa akin ang lahat nang ikinasal kaming dalawa ni Caleb, Serena. Alam kong may limitasyon ang pagsasama naming dalawa at kung si Theo ang pag-uusapan, malinaw sa akin ang karapatan mo bilang biological mother." Ngumiti ito— isang ngiting hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Diane." Inilatag nito sa mesa ang isang dokumento at sinadyang itulak ng kamay papalapit sa kaniya. "Handa na akong bawiin ang mag-ama ko. Heto ang application for annulment ninyong dalawa ni Caleb..." Pinakinggan niya ang mga sinasabi nito mula umpisa hanggang dulo. "Ibig sabihin, handang ibigay sa'yo ni Caleb ang mansyon at ang rest house sa Tagaytay. Maliban doon, handa siyang bayaran ka ng limampung milyon bilang kabayaran sa limang taong pagsasama ninyong dalawa." Muling nagtama ang mga mata nilang dalawa, doon nasilayan niya kung paano naging nakakalason ang maamong ngiti ni Serena kanina. "If you think everything's okay. Pwede ka nang pumirma." Nanatiling blanko ang ekspresyon niya sa kinatatayuan. Hindi nito alam kung matutuwa ba siya o masisilaw sa mga ari-arian at milyones na alok ng dalawa. Dahil kung tutuusin, isa lang naman ang gusto niya...gusto nitong makalaya mula sa mala-impyernong buhay kasama si Caleb.
Romance
253 viewsOngoing
Read
Add to library
BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)

BEHIND THE BLINDFOLD (A Tagalog Story)

"Anyway, I'm Z. And I'm sorry for your blindfold. That's for your own good, woman..." ♡♡♡♡ Dahil sa kanyang inang nasa ICU, naipilitan si Calley na ipagbili ang kanyang sarili kahit labag sa kanyang kalooban. Sa loob ng isang gabi, nakasama at naangkin siya ng isang misteryosong lalaki na nagpakilala bilang "Z." Subalit sa halip na mapoot sa lalaking nakakuha ng kanyang pagkabirhen, namalayan na lang ni Calley na nahulog ang loob niya rito. Minahal niya ang hindi nakikitang lalaki at umasa pangakong babalikan siya nito at magpapakilala. Sa paglipas ng panahon, kahibangan mang maituturing, ngunit pinaghawakan ni Calley ang pangakong iyon ni Z. Lalo pa't ang isang gabing namagitan sa kanila nito ay nagbunga. Hanggang sa napadpad si Calley sa Coron at doon nakilala niya ang magkapatid na Zack at Zayne. Naging malapit ang dalawang lalaki sa kaniya, lalo na sa kaniyang anak, dahilan upang paghinalaan niyang isa sa mga ito si Z na ama ng kanyang anak. Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang inaasam na makita? Ang lalaking minahal niya sa kabila ng nakapiring niyang mga mata? Or will she open her heart again for a new love?
Romance
9.8120.4K viewsCompleted
Read
Add to library
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Best Friend Is My Husband Mistress

My Best Friend Is My Husband Mistress

MsSungit
PROLOGUE: Meet Celestina Guevara-Sy_ Isang Masayahing Babae , Walang ibang inaatupag kundi ang pagiging isang mabuting asawa. Maganda , Mayaman , Mabait , Matalino at higit sa lahat Sexy na halos kinababaliwan ng kalalakihan. Gabriela Javier_ Ang Matalik na kaibigan ni Celestina. Pinagkakatiwalaan at tinuring na kapatid. Sya ang KABIT ng Kanyang asawa. Zander Ford Sy_ Ang lalaking asawa ni Celestina. Na ubod ng sungit , malamig kung makitungo Simula ng bumalik sa pilipinas si Gabriela. Paano kung pinagtataksilan sya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan nya? Ang taong minahal nya ng lubos higit pa sa kanyang BUHAY.? Magpaparaya nalang ba sya? Dahil alam nyang wala syang puwang sa puso ng kanyang asawa? O ipaglalaban nya ito kahit sya pa ang masasaktan. "B-bakit nyo ito ginagawa sakin? Pinagkakatiwalaan KO kayo? Bakit? Bakit sya pa Gabriela? Alam mo kung gaano KO sya kamahal? Simula noon? Iniwan mo sya sa ere at ako ang laging nasa tabi nya? Bakit gab.? Ngayon pa na kasal na kami? Ngayon kapa bumalik at sirain ang nabuo kung pamilya? Tinuri kitang kapatid pero niloko at inahas mo sya sakin". Celestina. " Dahil mahal ko sya Celestina. Alam mo na simulat sapul palang ay ako na ang minahal ni Zander? Alam kung alam mo yon Celestina? Nagmamahalan kami ni Zander? Kaya pakiusap palayain muna sya. Alam kung mayron pang mas deserve sa pagmamahal mo. Pakiusap Celestina kung mahal mo ako palayain muna sya? Patawad kung niloko kita o namin. Patawad Bestfriend". Gabriela natameme Ako dahil sa sinabi nito na agad Kong kinatahimik at nanatiling nag proseso pa ng mga sinasabi nya. "I'll try to love you Celestina , but I'll fail. Alam muna noon na si Gabriela lang ang minahal KO at wala ng iba. Sorry kung padalos dalos Ako sa disisyon ko. I'm sorry and please Set me FREE Celestina.". Zander. ________ Date Started: 01_24_2024 Ended: Ongoing
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
His Pregnant Ex-Wife

His Pregnant Ex-Wife

iampammyimnida
Hindi makapaniwala si Octavia na sa ilang taong pagsasama nila ng kan’yang asawa na si Lincoln Grey Griffin ay magagawa pa siya nitong saktan at hiwalayan mismo sa kanilang third wedding anniversary. Halos gumuho ang kan’yang mundo nang malaman pa niya ang rason at totoo— “May mahal na akong iba, Octavia at si Dianna iyon. Ilang taon na tayong nagsasama ngunit hindi mo pa rin ako mabigyan ng anak. Sorry, but let’s have a divorce… I love her, Octavia. I love my secretary.” Iyan ang eksaktong sinabi ni Lincoln sa kan’ya at iniwan na lamang siya basta-basta. Ginawa niya ang lahat para maayos ang kanilang sitwasyon, halos lumuhod siya at magmakaawa sa lalaki ngunit hindi man lang ito naawa. Wala nang mas hihigit pa sa sakit nang malaman din niyang buntis ang sekretarya nito at sa araw ding iyon hindi niya inaasahang buntis siya ng anim na buwan.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ninong Is My Sister Lover But Becomes My Husband

My Ninong Is My Sister Lover But Becomes My Husband

"Isabel, what are you doing there!" madiin na sigaw sa akin ng kung sino. "Ninong, hindi ko po alam. Ano po ba ang nangyari?" pagtataka ko. "What? Stop acting like an innocent! Sabihin mo nga sa akin. Plano mo ba ang lahat ng 'to, Isabel!" mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Sa pangigigil niya kulang na lang ay mapilayan na ako. "Ninong, tama na po ang sakit po. Hindi ko po talaga alam kung bakit ito nangyari. Please, ninong tama na..." pagsusumamo ko sa kaniya. "Isabel! Wala ka na ngang kwentang anak! Ginanito mo pa ako! Alam mong fiancee ko ang ate mo! Kaya bakit ka narito sa kwarto ko!" Tila nadurog ang puso ko at ang mundo ko. Hindi ba niya naaalala ang angyari kagabi. Bakit ganito si Ninong. Ang ninong ni Isabel ay nagngangalang Ryan De Guzman, 30 years old. Isa siyang pinakamagaling at pinaka-sikat na doctor sa buong mundo. Galing siya sa mayamang pamilya. Kinakatakutan din siya ng karamihan dahil sa ugali niya ngunit hindi alam ng iba ang pagiging mapagmahal nito at masyadong obssessed. Si Isabel Cordova ay 20 years old. Galing sa pinakamayan na pamilya at isang tagapagmana. Naging single since birth dahil sa pagiging mahigpit ng ama niya. Nang mamatay ang kaniyang ina ay nagkaroon ng panibagong asawa ang kaniyang ama. Nagkaroon din siya ng ate. Matalik na magkaibigan ang ninong ni Isabel at ang ama nito. Ikakasal na rin si Ryan sa ate ni Isabel. Subalit, may isang pangyayaring naganap sa pagitan ni Isabel at Ryan na magiging dahilan ng pagbabago ng lahat. Paano nila haharapin ang pagbabago? Ito ba ay masama o magiging kabutihan?
Romance
1013.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
Romance
338 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Wife's Second Chance

The Unwanted Wife's Second Chance

Sa ika-dalawang anibersaryo ng kasal ng mag asawang Enrico Dela Muerte at Carmina Ocampo ay parehas silang may gustong sabihin sa isa’t isa. Hindi pinairal ni Carmina Ocampo ang kasabihang ‘ladies first’ sa kadahilanan na gusto niya munang marinig kung ano ang inihandang surpresa ng kaniyang asawa para sa kaniya. Subalit, biglang naghain ng divorce si Enrico na sobrang ikinagulat ni Carmina. Ikinagulat ito ni Carmina sapagkat, gano’n ba kabilis? Gano’n lang siya kabilis bitawan ni Enrico? Tumulo ang luha ni Carmina habang hawak sa kaniyang kamay ang isang pregnancy test sheet na nasasabik niya sanang ibabahagi kay Enrico para sa kanilang anibersaryo. Dahilan sa halo halong emosyon na nararamdaman ni Carmina ay hindi na niya naiwasang itanong kay Enrico kung paano kung sabihin niya na magkakaroon na sila ng anak? Ngunit hindi inaasahan ni Carmina ang naging sagot sa kaniya ni Enrico---bumalik na ang totoong minamahal ni Enrico. Makalipas ang ilang buwan, habang tinatahak ni Carmina ang kalsada upang tumawid, naramdaman niya ang kakaibang sakit ng tiyan niya kaya bigla siyang napahinto sa paglalakad, ‘manganganak na ata ako’, wika niya sa kaniyang sarili. Eksaktong hinto ni Carmina ay siya namang naramdaman niya ang sakit mula sa pagkabunggo ng isang sasakyan sa kaniya. Eksaktong kasal ni Enrico at siya ay nasa simabahan nang mabalitaan ang nangyari kay Carmina at agad itong lumisan. Humahangos, nakarating siya sa ospital kung saan dinala si Carmina at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita---DUGO! Nababalot ng dugo si Carmina at kitang-kita niya itong naghahabol ng hininga at paulit-ulit na sinasambit, ‘Pakiusap, pakiusap, iligtas n'yo ang anak ko.
Romance
1016.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Laced Beneath His Billion Desires

Laced Beneath His Billion Desires

TRIGGER WARNING This contains consensual BDSM dynamics, explicit adult scenes, and detailed references to intimate acts and toys. Intended for mature audiences. Reader discretion is advised. I'm Bianca Reyes, 22 yrs.old, full of dreams and innocence, virgin, walang karanasan sa mundo ng desire. Excited akong mag-apply sa Sovereign Seduction, ang company ni Renzo Valderama, pantasya ng lahat. Dala ko ang aking sketches, designs na puno ng Filipino touch, pero hindi ko inexpect na ang unang hakbang ko sa Valderama Towers ay magiging gateway sa isang obsessive nightmare at thrill. Pagpasok ko sa room, nakaharap ko siya..si Renzo, matangkad, dominant, eyes almost chasing my soul. "Strip," utos niya, bago ko ma-realize, naka-cuff na ako sa couch, kamay niya sa zipper ko, hawak ang sex toy na nagpapakaba sa akin. Halos magpumiglas ako, yung init ng tingin niya, yung hininga niya sa leeg ko, awakening something dark inside me. Wrong room, wrong time, pero bakit parang right ito? Humiliated, I walked out, yet his offer... eighty thousand... Enough for therapy ni Mommy Edith, tuition ni Diane, kaya nagpasakop ako. "My terms," sabi niya, at nagsimula ang erotic journey. Sa fittings, hinahawakan niya ako, introducing toys na nagpapaexcite sa buong katawan ko, edible sprays na dinidilaan niya mula sa dibdib ko pababa, BDSM ropes na nagbibigkis sa amin sa obsessive pleasure. From innocent sketches to designs full of fire, harnesses, sheer lingeries hit famous worldwide. Pero challenges come: Si Valeria, jealous bitch, sabotaging me; si Anthony, trying to steal me; family struggles na nakakadurog ng puso. Yet, with Renzo, our sex is thrilling, adventurous jets, obsessions, devouring each other hanggang umiyak ako sa ecstasy. He falls for me, possessive, but I evolve into fierce, dominant, owning him. Now, I'm the Queen of Seduction.But what if our love becomes our ultimate test?
Romance
181 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status