Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
411 viewsOngoing
Read
Add to library
 Ayeisha : Her Broken Piece

Ayeisha : Her Broken Piece

“I-I will never like you. N-never. S-si Jena ang mahal ko kaya itigil mo na itong kalokohan mo, Ayeisha. Ikakasal na rin kami. K-kapatid lang ang turing ko sa ‘yo. Get it? Kaya kahit maghubad ka sa harap ko habang nagdedeliryo ako dito, hinding-hindi ako maakit. Dahil wala kang dating sa akin bilang babae.” -KING HERNANDEZ. ‘Yan na yata ang pinakamasakit na salitang binitawan ni King Hernandez kay Ayeisha Santillan, na nagdulot ng malaking sugat sa puso niya. Lalo na nang magpakasal ito sa nobya nito. Pakiramdam niya, dinurog at piniraso nito ang puso niya. Kaya napilitan siyang magpakalayo para makalimot. Pero paano kung muling pagtagpuin sila ng tadhana sa isang lugar na iba ang kan’yang katauhan? Makikilala kaya siya nito? Mapipigilan pa kaya niya ang muling pagtibok ng durog niyang puso?
Romance
10144.4K viewsCompleted
Show Reviews (52)
Read
Add to library
Bing Mariano Acebias
ako Yung nasaktan at naiyak para kay ayiesha.. DAHIL SA SOBRANG PAGMAMAHAL NGWA NIYANG SAKTAN SARILI NIYA ... GANITO ANG WGAS NA NAGMAMAHAL .. DI MAKASARILI ... PINAKILIG TAYO, LUMUHA, AT NA INSPIRED SA KUWENTO NIYA DI LANG BILANG BABAE KUNDI BILANG INA ...
Rafael Septimo
like ko talaga lahat ng gawa mo ms. ava nah. kung true to life story story lang lahat ng gawa mo lahat ng male leads kkutusan ko hahaha. but kidding aside 2 thumbs up po. maganda po lahat ng novels nio. ndi lang itong story na ito though nkakainis itong c King tlaga hahaha.
Read All Reviews
HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?

HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?

soulful
Sumugal si Ashy sa isang bagay na walang kasiguruhan. Piniki niyang magmahal pero hindi siya sigurado kung kaya nga ba niyang masaktan. Nagibg masaya naman sila ni Storm sa kabila ng katotohanan na may ibang taong masasaktan. Ang akala ni Ashy ay siya ang pipiliin ni Storm nung dumating ang panahong kailangan na niyang mamili. Naiwan siya sa ere, mag-isa, walang matakbuhan, nabalot ng kahihiyan. Nakakabangon na siya pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan okay na sana siya, tsaka pa ito nagbalik. Para saan? Para muli siyang saktan? Paano nga ba maghihilom ang sugat ng nakaraan? Kung hanggang ngaub ay patuloy ka paribg nasasaktan?
Romance
106.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE UNHAPPY STAR

THE UNHAPPY STAR

Sinichikudo26
Lumaki sa hirap si Kendall na isang napakagandang babae at naging puhunan ito ng kanyang sakim na ama para siya ay pagkakitaan. Sa tulong ng boyfriend niyang si Scott na isang lawyer, buong tapang nilang ilalaban sa korte ang kalayaan ni Kendall mula sa conservatorship para matuldukan na ang paghihirap ni Kendall sa mahabang panahon.
Romance
1.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Khloe
Isang aksidente ang nagpabago ng lahat. Nawalan ng dalawang buhay. At hindi ito hahayaang mangyari muli ni Ricardo Ford Buenavista, isang makapangyarihan at intelihenteng bilyonaryo. Kung ang aksidente sa kanilang mga pamilya ay bunga ng paghihiganti, ang tanging hiling ng kanyang mga kamay ay ang paghihiganti rin. Ngunit, paano niya ito magagawa kung siya ay nakatali sa isang babae, si Victorina Khae Robles? Magiging hadlang ba ito sa kanyang misyon? Sa gitna ng pag-aalsa ng damdamin at galit, pipiliin ba niyang sumunod sa landas ng katarungan, o matutunton niya ang landas ng pag-ibig at kapatawaran?
Romance
10808 viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Matapos siyang malasing, patuloy patuloy niyang isinisigaw ang pangalan ni Iris Relova. Nang magising siya kinabukasan, wala siyang maalalang kahit ano, at sinabi sa kaniya “Hanapin mo ang babae mula kagabi!” “......” Sa wakas, nawalan ng pag-asa si Solene at nagsumite ng divorce agreement. Ang dahilan ng diborsyo ay: gusto ng babae ng mga bata, ngunit ang kaniyang asawa ay baog, na nagdulot ng pagkasira ng kanilang relasyon! Si Noah na walang kaalam-alam sa sitwasyon, nakatanggap ng balita at ang kaniyang mukha ay nagdilim. Inutusan niya ang isang tao na dakipin si Solene upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Isang gabi, si Solene ay kadarating palang sa bahay galing sa trabaho at na-corner ng isang tao sa hagdan. “Sinong nagpahintulot sa iyo na makipag-diborsyo nang wala ang aking pagsang-ayon?” Tinanong ni Solene, "Wala kang kakayahan, kaya bakit hindi mo ako pinapayagan na makahanap ng ibang makakagawa?" Nang gabing iyon nais ni Noah na malaman niya kung may kakayahan ba siya o wala. Ngunit nang ilabas ni Solene ang isang pregnancy report mula sa kaniyang bag ay nagalit muli si Noah. “Kaninong anak ‘to?” Hinanap niya sa lahat ng dako ang ama ng bata at ipinangako na papatayin ang bastardo! Sinong mag-aakala na ang imbestigasyon ay mahuhulog sa kaniya…
Romance
13.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Obsession

The Mafia's Obsession

Dahil sa pag-imbita kay Thiago na pumunta sa isang illegal na Auction kung saan nagbebenta ang isang sindikato ng isang babaeng berhen ay nakilala niya si Keyla. Ang unang babaeng bumihag sa kanya. Ang babae binili niya kapalit ng isang daang million. Isa kasi ito sa inihain sa Auction nabihag agad siya sa ganda ng katawan at mala-dyosa nitong mukha. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala itong alagad ng isang secretong organization na tinatawag na Trial and justice secret organization or TAJSO. At layunin nitong iligpit at humuli ng mga taong may illegal na gawain. At ang pakay nito ay patayin ang isa sa mga bumibili ng babae sa Auction. Kitang-kita niya kung paano ito tumalon mula sa stage habang tangan ang baril mula sa security na inagawan niya. Kahit string bikini at kulay pulang lace na gown lamang ang suot nito. Ay walang kahirap-hirap nitong napatay ang kalaban. Sinubukan niya itong pigilan sa tangkang pag-alis ngunit nagdatingan ang mga pulis at maski siya ay hinuli. At hindi niya makakalimutan ang huling ginawa nito. Makita pa kaya niya ulit si Keyla? At maitatago kaya niya ang kanyang pagkatao bilang isang makapangyarihang MAFIA?
Romance
10101.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Dearest Villain

My Dearest Villain

Hiraeth Faith 2
"Wala kang pagpipilian kundi tanggapin ang alok ko, Estelle," sabi ni Raziel na namumula ang mga mata. Ang tanging hangad lang ni Lady Vienna ay makasama ang lalaking bida ng kuwento. Hanggang sa lumitaw ang isang salamangkero at inabot sa kanya ang isang libro isang araw. Ang libro pala ay naglalaman ng daloy ng kanyang buhay! Ipinagpalagay pa nga niya na siya ang pangunahing babae, ngunit siya ang kontrabida sa kuwento! Nang malaman niyang papatayin siya ng kontrabida, si Duke Raziel, sa edad na 22, ginagawa niya ang lahat para maiwasan ito! Lumapit siya sa kontrabida at nalaman ang sikreto nito, na naging dahilan upang imungkahi niya sa kanya ang isang kontrata ng kasal kapag natuklasan niya ang katotohanan tungkol sa aktwal na katangian ng lalaking lead. Sa karamihan ng mga kuwento, ang mga kontrabida ay pinapatay, ang lalaki at babae ay nagpakasal, at sila ay nabubuhay nang maligaya magpakailanman; gayunpaman, tinututulan ni Lady Vienna "Estelle" Thaleia Xaviera ang pattern na ito. It’s up to Vienna na pigilan ang mga pagkalason, pagbabanta sa kamatayan, pagkakanulo, at pagpatay na mangyari bilang resulta ng aklat. "Mas mabuting magmahal ng kontrabida dahil alam naming gagawin niya ang lahat para sa iyo. Ang bida, sa kabilang banda, ay handang isuko ang iyong buhay para sa ikabubuti ng lahat.”
Fantasy
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10789 viewsOngoing
Read
Add to library
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
Mafia
10472 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status