Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO'S Abandoned Wife

The CEO'S Abandoned Wife

Lunoxlovesyou
Si Julia Perrywickles ay inabandona ng kanyang pamilya sa kanyang murang edad at napunta siya sa Isang bahay ampunan. Pinangarap niya na makadama ng pagmamahal ng Isang pamilya pero malabo itong mangyari hanggang sa pinakasalan niya si Harry Warner na Isang CEO na itinuring niyang kanyang kaligtasan. Inakala niya na masaya at madali ang buhay Kasama ang lalaki pero doon siya nagkakamali. Kabaligtaran lamang ang nangyari ng kanyang inaasahang masayang buhay. Lalo siyang nakaranas na abandonahin dahil harapan niyang ipinamumukha ang pambababae niya. Kung kaya siya tinaguriang "The CEO'S Abandoned Wife" Si Daniella na kanyang kabit ay Isang prostitute at naghahangad na umangat ang pamumuhay kaya pumatol sa lalaking may asawa. Ngunit paano kapag nalaman niya na hindi iba sa kanya ang Asawa ng kanyang nobyo?? At isang araw ay dumating sa buhay niya si Herbert Warner ang lalaking nagpadama sa kanya ng tunay na pagmamahal. Pero paano kung Ang lalaking ito ay Kapatid pala sa ama ni Harry at mortal nitong kakompitensya sa lahat ng bagay?
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Let Me Be The One

Let Me Be The One

Si Kassandra Celestine Gomez o mas kilala bilang Cassie ay isang dalagang puno ng pangarap. Hindi man nila natitikman ang karangyaan ng buhay, busog na busog naman siya sa pagmamahal at magandang asal na itinuturo palagi sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Walang ibang ginawa si Andra kundi ang mag-aral at magtrabaho upang makatulong sa kaniyang pamilya. Hanggang sa dumating ang araw na ha hindi inaasahan ni Cassie na magbabago sa buhay niya. Nakilala niya ang masungit na engineering student na si Jeremiah Nite Sanchez. Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang umibig. Tila kampi pa sa kaniya ang tadhana at hinayaan nitong maranasan kung paano mahalin ng kaniyang minamahal. Ang kanilang mga araw ay napupuno ng mga bahaghari at mga paro-paru ngunit lahat ng ito’y natuldukan dahil sa isang pagkakamali. Ano nga ba ang sukatan ng totoong pagmahahal? Ano ang gagawin kung hindi pa nga nag-uumpisa ang laban ay talo ka na? Paano mo masasabing siya’y mahal mo talaga? Itatama pa ba o tama na?
YA/TEEN
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Changing For You

Changing For You

Miss_Myth
Si Elina ay ang anak ni Demeter at mag-isang naninirahan sa gubat ng Elusian. Sa loob ng mga taon ay hindi bumalik ang kaniyang ina sa hindi matukoy na kadahilanan. Sa kaniyang pag-iisa sa buhay ay lungkot ang naipon sa kaniyang buhay. Hanggang sa mayroon siyang nakilalang misteryosong binata. Isang binatang malamig ang puso. Hindi niya tinulungan ang dalaga na maka-alis sa malawak na gubat. Pagkatapos ng araw na iyon ay tumindi ang lungkot ng dalaga sa kaniyang buhay at siya'y nawawalan na ng pag-asang may makatagpo muli. Sa hindi inaasahan ay biglang may pangyayari na hindi maipaliwanag. Ang mga nagliliwanag na paru-paro ang nagtipon-tipon sa kalangitan at patungo sila sa hilagang parte ng gubat. Iyon ang gubat ng Nysa. Ang mapanganib na parte ng Elusian. Hindi nagdalawang isip si Elina sa sundan ang mga ito, hanggang sa nakita niya ang bukid ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Gayundin ang nagliliwanag na pulang bulaklak. Ito'y mahiwaga. Nang bunutin ito ni Elina, ang kaniyang buhay ay biglang nagbago. Nakarating siya sa puder ng Mundong Ilalim, at nakilala ang diyos na namumuno dito, si Hades. Laking gulat ni Elina na ang diyos na nasa kaniyang harapan ay nakilala na niya noon. Nag-alok si Hades ng kundisyon sa kaniya, kapalit ng inutang na buhay. Ang maglingkod siya habang-buhay. Lumipas ang mga araw ay nakilala ni Elina ang totoong si Hades, at ang hindi inaasahan ay ang mahuhulog ang kaniyang loob sa kilalang malupit na diyos. Nagdaan pa ang mga araw na magkasama sila at ang mga pagbabago'y namumulaklak na tila mga rosas sa dilim. Ngunit, titibay ba ang kanilang pag-iibigan sa mga dadaang pagsubok sa kanila? Credits: Pinterest [ Book's Cover ]
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
Romance
1060 viewsOngoing
Read
Add to library
The Room Mate wife

The Room Mate wife

Sa masiglang lungsod ng Makati, kung saan tila hindi kailanman humihinto ang buhay, tatlong buhay ang nalalagay sa isang sapantaha ng pag-ibig, lihim, at pagtataksil. Si Talia, isang batang babae na may misteryosong aura, ay kasama ang kanyang kasintahan, si Robert. Ang kanilang pag-ibig ay tila tunay, isang ugnayang nabuo sa loob ng maraming taon ng pagsasama. Ngunit sila parehong may itinatagong lihim sina Talia at Robert na nagbabanta na sirain ang lahat ng kanilang itinaguyod. Ang bagay na iyon ay si Nelson, ang kanilang charismatic at kaakit-akit na kasama sa bahay sa prestihiyosong Ayala Condominium. Si Nelson ay hindi lamang isang kaibigan o tagapagtapat—siya ang lalaking nakakuha ng puso nina Talia at Robert sa mga paraang hindi nila maipaliwanag. Bawat nakaw na sulyap, bulung-bulong na usapan, at ipinagbabawal na haplos ay nagpapalalim ng tensyon sa kanilang pinagsasaluhang tahanan, na lumilikha ng isang emosyonal na bagyo na wala sa kanila ang handang harapin. Habang nagtatagpo ang kanilang mga buhay sa hindi inaasahang mga paraan, kailangan nilang maglakbay sa malabong tubig ng pag-ibig, pagnanasa, at katapatan. Ang misteryosong kalikasan ni Talia ay nagtatago ng kanyang sariling mga lihim, at ang tila kalmadong asal ni Robert ay nagsisimulang mabasag sa bigat ng kanyang guilt. Samantala, si Nelson, na nahuli sa gitna, ay nahihirapan sa kanyang sariling emosyon at sa kaguluhang hindi niya sinasadyang nalikha. Sa likod ng masiglang kalakaran ng mga kalye ng Makati at marangyang pamumuhay sa mga mataas na gusali, ito ay sumasalamin sa mga kumplikadong aspeto ng pag-ibig at ang kahinaan ng tiwala. Ito ay isang kwento tungkol sa mga pagpipiliang ginagawa natin, mga lihim na itinatago natin, at mga hindi sinasambit na pagnanasa na maaaring magbuklod—o sumira—sa ating mga relasyon. Kapag nagbanggaan ang mga puso at lumabas ang mga pagtataksil, makakaligtas ba ang pag-ibig sa mga epekto nito?
Romance
10448 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Bedwarmer

The Billionaire's Bedwarmer

There are just boundaries we shouldn't cross kaya dapat ay alam natin kung hanggang saan lang tayo sa buhay ng isang tao. When Almirah was paid to be his bedwarmer, alam niyang hanggang doon lang siya. She could only offer her body for the money that she needed —nothing more and nothing less. Kaya lang, nasira ang magandang plano niya sa buhay nang kaniyang nalaman na siya ay nagdadalang-tao. Dahil sa takot sa sasabihin ng iba, lalo na ng kaniyang mga magulang ay itinago niya iyon sa lahat, maging kay Lazarus na ama ng kaniyang dinadala. He had no idea that she was pregnant when she left until a baby was found of the gate of his mansion with a letter telling him that the baby was his child. He raised the baby on his own, but questions remained unanswered. Nasaan nga ba si Almirah? What happened to her over the past years?
Romance
1014.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Begging for Love

Begging for Love

Blurb: Mariemar Martinez isang simpleng dalaga na puno ng pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng taglay na kabutihan at ganda isa sa pangarap ng dalaga ay mahalin ng pamilyang kinabibilangan n’ya. Handa si Mariemar gawin ang lahat makamit lang ang pagtanggi sa pamilyang ni minsa’y hindi siya binigyang halaga. Maging lahat ng kanyang mga ginawa at nagagawa. Hanggang saan kayang ibigay ni Mariemar ang pag ibig na wagas para sa pamilya at sa lalaking natutunan na ng puso n’yang itanggi kahit pa sa una palang ay binawalan na siya at naitinala na sa kasunduan na walang pupuntahan ang pag-ibig na yun?. Mahahanap ba ni Matiemar ang daan para makalaya ang puso n’ya sa sakit at makamit nga kaya ang matagal n’yang ninanais?. Arthes “Azul” Hermoso bunsong anak ni Hayes Hermoso at si Sharina Hermoso taliwas sa isang anak ng mag asawang Hermoso ang gawi ni Arthes. Isang malamig at walang buhay na binata na ito mag mula ng iwan ng nobya na Erra Marco dahil sa mga isyu at pangarap sa buhay. Noon ay isang playful at buhay na buhay ang isang Azul ngunit dadalhin si Azul sa isang kasunduan na mas magbibigay ng gulo sa isip, puso at buong sistema niya. Gagawin ni Azul ang lahat upang mabawi si Erra sa kahit anong paraan para sa isang Azul ang naka plano na noon pa ay kailangan maisakatuparan kaya walang puwang ang bagong damdamin.Pipiliin kaya ni Azul ang paninindigan o susundin niya ang tunay na nararamdaman?. Mababago ba ng pagdating ni Mariemar ang matagal ng plano o mananatiling nanlilimos lamang ng pag ibig ito?. Samahan natin ang isa sa mga anak ng mag asawang Hermoso. Mahanap kaya nina Arthes at Mariemar ang ligaya na tulad ng tinatamasa nina Sharina at Hayes?
Romance
107.1K viewsCompleted
Read
Add to library
GARETT: The Lost Alpha

GARETT: The Lost Alpha

Hiraya Neith
Nang mawala ang lahat kay Garett Godfrey ay nawalan din siya ng deriksiyon sa buhay. Napasok sa madilim at magulong mundo ng underground arena kung saan buhay ang kapalit sa bawat laban. Ilang taon niyang niyakap ang kadiliman bago siya tuluyang natauhan. Muli niyang sinubukang ayusin ang sariling buhay kasabay ng pangakong hahanapin ang nawawalang kakambal. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Iris Archer. Ang kauna-unahang babae na hinayaan ni Garett na mapalapit sa kanya. Kung kailan natutunan na niyang mahalin ang babae ay saka naman niya natuklasan kung sino talaga ito. Ano ang pipiliin niya? Ang pagmamahal na gumamot sa sugat na gawa ng nakaraan o ang paghihiganti na maaaring maging dahilan para mawala sa kanya si Iris?
Other
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Keeping The Billionaire's Twins

Keeping The Billionaire's Twins

Sa buhay maraming beses kang magmamahal pero may isang taong hindi mo makakalimutan. Isang taong mag-iiwan ng marka sa puso mo. Hindi man siya ang makakatuluyan mo pero mananatili siyang parte ng buhay mo. Bata pa lang, pangarap na ni Ava na balang araw, maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Nagsumikap siyang mag-aral para matupad ang pangarap na 'yon. Ngunit ganoon na lang pagkasira ng lahat nang makilala niya ang lalaking magpapa-ibig at wawasak sa kanyang puso. She felt tired, devastated, betrayed and heartbroken after malaman na ang lalaking pinagbigyan niya ng lahat-lahat ay pinaglaruan lang pala siya. How do you forgive someone who has caused you pain? How do you forgive someone who never asked for forgiveness? Is love strong enough to let go and forgive?
Romance
9.9112.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Kiss of Ruin

Kiss of Ruin

Akala ni Elara Cruz, nakatakas na siya sa madilim na nakaraan ng pamilya niya. Tahimik na buhay na lang ang gusto niya—malayo sa gulo, malayo sa sakit. Pero lahat nagbago nang makilala niya si Damian Blackthorn—ang cold, ruthless, at sobrang dangerous na heir ng isang crime empire. He’s everything she should avoid. Pero isang halik lang mula sa kanya, at malinaw na: “Akin ka.” Mahalaga ba ang puso kung kapalit nito ay buhay? Hanggang saan kaya ang kaya niyang isugal para sa isang pag-ibig na bawal, mapanganib, at nakakatukso? Sa mundong ginagalawan ni Damian, ang loyalty sinusukat sa dugo… at ang betrayal binabayaran ng kamatayan. At sa huli, kailangang pumili ni Elara: lalaban ba siya—o magpapalunod sa halik ng sariling pagkawasak?
Mafia
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status