Nagdilim bigla ang paningin ko. Kusang kumilos ang katawan ko, inilabas ang patalim na nasa tagiliran ko at sinugod ang mga bampirang may kagagawan sa nangyari kay Yueno.
Mabilis na umatake rin ang mga bampira ngunit di hamak na mas mabilis ako sa kanila. Bawat indayog ng mga suntok nila ay madali kong naiilagan. Masyadong mabagal ang mga galaw nila. Gigil na gigil kong iwinasiwas ang hawak kong patalim ay pinuntirya ang leeg ng mga ito saka buong lakas na hinablot ang mga ulo.
Napugot ko na ang ulo ng tatlo ngunit hindi pa rin ako makontento. Hindi pa iyon sapat para mapawi ang galit na nag-uumalpas sa loob ko. Galit na lalong nagsisidhi kapag nakikita ko ang dugong nakakalat sa paligid at ang lupaypay na nitong katawang nakahandusay sa semento. Mayroon pang isang natira. Naroon at nasa tabi ng da
"Mukhang malalim ang iniisip mo."Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng taong hindi ko ninais na makaharap ngayon."Umaasa akong sa ikabubuti ng plano natin ang kung ano mang tumatakbo sa isip mo," ani pa nito ngunit nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya.Hindi ko man lang namalayang nakapasok na siya sa kwarto. Magkagayonman ay hindi ko pa rin siya hinaharap. Pinapakiramdaman ko lamang kung ano ang gagawin niya o kung saan siya pupunta. Ngayon pa lamang ay may hinala na akong nakarating na sa kanya ang nangyari sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay nais niya akong hulihin upang sa akin mismo manggaling.Naramdaman ko ang paghinto ng yabag ni
Parang lalong ginatungan ang nagliliyab na galit na nararamdaman ko nang makita ko nang malapitan ang estado ni Yueno. Mistula itong lantang gulay na nakahiga sa harap ko at hirap na hirap kumilos. Lumuhod ako sa harap niya at inabot ang pisngi nito saka mabilis na hinagod ng tingin ang kabuuan nito. Isang tingin ko pa lamang dito ay masasabi ko ng marami itong natamong sugat. Nagngalit ang mga ngipin ko.Hindi naman inaalis ni Yueno ang tingin sa akin na animo ay hindi makapaniwalang naroroon ako. Ang mga matang iyon na ilang araw ko nang pinanabikang makita. Maging ang maamo nitong mukha na ni sa hinagap ay hindi ko ninais na madatnan sa ganitong sitwasyon. Puno ng galos, hindi lang ang mukha nito, pati na rin ang buong katawan. Duguan naman ang ulo nito na siyang pinagmumulan ng mabangong amoy. Napalunok pa ako nang matuon ang tingin ko sa nagkalat na dugo sa semento. Wal
"Kamusta na siya?" Bungad ko kay Ada nang makabalik ako galing kay Elyxald. Makalipas ang ilang araw mula ng maging maayos ang lagay ni Yue ay agad akong nagpunta kay Elyxald. Mahirap kung hihintayin ko pang magkamalay si Yueno. Kung matatagalan pa bago magpakita dito ay siguradong makakahalata ito sa kung anong nangyayari. Alam kong hindi magtatagal ay makakarating sa kanya ang balitang nawawala ang Dovana. Hindi niya ako dapat mapaghinalaan.Naging maingat din ako sa pagbalik dito. Sinigurado ko munang hindi ako nasundan at dahil sa may kalayuan ang gubat na ito ay inabot pa ako ng ilang araw bago makarating. Tama si Ada. Masyado ngang malayo ang lugar na ito. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano nalaman ni Ada ay lugar na ito.Bago ako umalis ay iniwan ko si Ada rito. Naglagay din
*Yueno*Dinala ako ni Kieran sa kwarto saka dahan-dahang ibinaba sa kama na tila ba babasagin ang hawak niya at anumang oras ay maaaring mabasag. Napansin ko pang sa iba siya nakatingin at nang susundan ko na kung saan iyon nakatuon ay mabilis na nitong naisaklob sa akin ang kumot. Saglit pa akong nagtaka bago maisipang sipatin ang sarili.Bahagyang nakalilis ang nightgown kaya't halos nakalantad na ang hita ko. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon. Umakyat na yata lahat ng dugo ko sa ulo. Noon ko lamang napagtantong iba na pala ang damit ko. Nakasuot na ako ng nightgown. Ang bastus na lalaking ito, sa hita ko pala nakatingin kanina. At sinong nagpalit sa akin? Si Kieran? Pinagsamantalahan ba niya ako habang wala akong malay? Bakit hindi ko alam? Nakaramdam ako ng inis. Dapat alam ko! Ngaling-ngaling k
*Yueno*Sinuklay ko pa ng isang beses ang buhok bago ko marinig ang mahinang pagkatok sa pinto. Agad naman akong napalingon doon at natagpuan ang pinakagwapong bampira na nakilala ko. Nakasandal pa ito sa hamba ng pinto habang walang kiming hinahagod ang mga mata nitong punong-puno na naman ng pagnanasa sa kabuuan ko. Kung hindi ko lang ito mahal ay baka naibalibag ko na rito ang salaming nasa harap ko.Tulad ng nakasanayan ay pormang assassin pa rin ito. Pulos itim ang suot. Ngunit sa kabila noon ay nangingibabaw ang matikas nitong pangangatawan na sinamahan pa ng tangkad nitong kung hindi ako nagkakamali ay aabot na ng six feet. At ang mga pulang mata na iyon. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang araw na titingin sa akin ang mga iyon na puno ng pagmamahal. Hindi yata ako kahit kailan makakahuma sa kagwapuhan ng isang ito.&nbs
"Umalis ka dyan, Yueno," asik ni tiya ngunit hindi ako tuminag. Nanatili lamang ako doon habang nagkikipagsukatan ng tingin sa kanya.Sumulpot agad mula sa likuran ni tiya si mama at Oswald. Para tuloy gusto kong tumakbo at yakapin ng mahigpit si mama. Agad na rumehistro sa mukha niya ang tuwa ng makita ako ngunit napalitan din iyon ng pag-aalala ng mabaling sa lalaking nasa likuran ko ang tingin niya. Naramdaman ko ang pagiging tense bigla ni Kieran mula sa likod ko. Biglang gumapang ang kilabot sa katawan ko nang maramdaman ko ang tila madilim na aurang nanggagaling sa kanya. May hinala naman akong dahil iyon kay Oswald dahil nang malingunan ko ito ay masama rin ang tingin kay Kieran. Kulang nalang ay may lumabas na kuryente sa mata ng mga ito."Yueno!" Sigaw ni tiya na siyang nagpabalik ng atens
*Kieran*Mula nang umuwi kami ng Magji ay bihira ko nalamang makita si Yueno. Kung hindi kasi ito isinasama ng tiya niya para sanayin ay nasa piling naman ito ng mama niya. Pakiramdam ko tuloy ay parang gusto kong pagsisihan na iniuwi ko siya dito. Kung naroroon lang sana kami sa bahay ay solong-solo ko siya, hindi tulad dito na tila ayaw kaming pagsamahin. Pakiramdam ko tuloy ay parang ginagawa ng pamilya niya ang lahat upang mailayo siya sa akin.Ipinilig ko ang ulo sa kung anong naiisip. Kung sabagay ay ilang araw ding nawala si Yue at isa pa ay kagagaling lamang niya sa kapahamakan kaya't hindi ko rin sila masisisi kung ayaw nilang mawala sa paningin nila ang dalaga. Ayokong maging makasarili, ang kaso nga lang ay nami-miss ko na si Yue. Tatlong araw ko na ring hindi ito nakakasama. Pakiramdam
*Yueno*Nahimas ko ang batok habang umaakyat ng hagdan. Pakiramdam ko kasi ay parang nangalay iyon sa maghapon na lumipas. Parang napakahaba noon. Napakarami kasing ipinagawa sa akin ni tiya. Pagsasanay daw iyon para makontrol at magamit ko ng mabuti ang kapangyarihan ko. Magiging malaking tulong daw iyon lalo na sa nalalapit kong pagbalik sa mansyon ng mga Cayman. Ilang araw din iyong na-delay dahil sa mga nangyari.Napahugot ako ng hininga. Mula ng umuwi kami dito ay hindi ko na muling nakasama si Kieran. Muntik pa nga akong mainis kay tiya dahil sa tuwing magkikita kami ni Kieran ay lagi nalamang akong hihilahin nito at sasabihan na magsanay ako ng magsanay. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw niya kaming magkasama ni Kieran. Isa pa ay madalang din kasi itong lumabas ng kwarto. Pakiramdam ko tuloy ay pa