Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10274 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10362 viewsOngoing
Read
Add to library
My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

Si Dylan Asher del Valle, isang sikat at mayamang psychiatrist, ay mayroong lahat maliban sa tunay na pag-ibig. Isang hopeless romantic at possessive, patuloy siyang naghahanap ng babaeng mamahalin siya ng buong puso. Samantala, si Xena Celeste, isang simpleng dalaga at anti-romantic, ay kuntento sa kanyang buhay at pamilya. Ngunit ang lahat ay magbabago nang magtrabaho si Xena bilang sekretarya ni Dr. Dylan. Sa loob ng isang buwan, puro pang-aapi ang natanggap ni Xena mula sa kanyang boss. Ngunit dahil sa pangangailangan sa pera, nagtitiis siya. Isang araw, aksidenteng nasaksihan ni Xena ang mapait na hiwalayan ni Dylan sa kanyang kasintahan, na akala niya ay magpapakamatay. Kung kaya sinagip niya ito. Dahil dito, inalok ni Dylan si Xena ng isang kakaibang deal: isang "Dating Experiment" para sa kanyang research, kapalit ng 6 milyon. Ang twist? Si Dylan mismo ang magiging "boyfriend" ni Xena sa experiment. Pagkatapos ng isang buwan, kailangan nilang magpakasal para sa susunod na level, at manirahan sa iisang bubong. Sa gitna ng isang kontrata na puno ng mga clause at kondisyon, haharap si Xena sa isang malaking pagsubok. Mapapanalo kaya ni Dylan, ang isang hopeless romantic, ang puso ng isang anti-romantic na babae? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang Dating Experiment? At higit sa lahat, matutuklasan kaya ni Xena ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?
Romance
1027.6K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Lust To Marriage

One Night Lust To Marriage

Isang gabi ng pagkalimot. Isang gabi ng pagnanasa. Isang gabi ng pagkakamali. Ito ang paulit-ulit na itinatatak ni Eli sa kanyang isipan upang hindi pagsisihan kung ano man ang namagitan sa kanila ng kanyang boss. Subalit, ang isang gabi na iyon ay gagamitin ni Leon upang maitali siya sa isang kasal. "Do you want to try to be Mrs. Royce?" Would Eli accept his boss offer?
Romance
10207 viewsOngoing
Read
Add to library
WAVES BENEATH THE SILENCE

WAVES BENEATH THE SILENCE

Tahimik. Mahiwaga. Perpekto sa paningin ng lahat. Si Celestine “Celle” Alvarado ay lumaki sa mundo ng kapangyarihan at kontrol. Pero isang gabi ang tuluyang gumulo sa kanyang buhay — isang gabi ng takot, pagtakas, at isang aksidenteng hindi niya kailanman malilimutan. Pagkalipas ng ilang taon, sa isang wild na party sa BGC, nakilala niya si Lorenzo “Renzo” Navarro — isang successful at guwapong businessman na may hawak ding mabigat na nakaraan. May galit siya sa dibdib, at isang misyon: hanapin ang taong muntik nang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi nila alam, sa pagitan ng mapusok na halik at mainit na gabi, nakatali na pala ang mga puso nila sa isang trahedyang pinagtagpo sila noon pa man. Sa pagitan ng kasalanan at pagnanasa… Sa pagitan ng katotohanan at pag-ibig… Pipiliin ba nilang lumaban o tuluyang lamunin ng mga alon sa katahimikan?
Romance
528 viewsOngoing
Read
Add to library
My Crush, My Groom (Tagalog)

My Crush, My Groom (Tagalog)

Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
9.856.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid in Love

Maid in Love

dser
Nang makatakas si Ella sa pagmamalupit at pangmomolestya ng kanyang amain ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Maynila at iwanan maging ang ina niyang parang wala na ring pakialam sa kanya. Nakatapos man ng pag-aaral ay inilihim niya ito at namasukan bilang isang kasambahay sa mansion ng isang mayamang businessman na amo ng kanyang tiyahin. Ang pagtatagpo kayang ito ay magiging simula ng isang wagas na pag iibigan o mananatili lamang siyang isang kasambahay sa paningin nito?
Romance
7.83.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Maalindog na Charlie Wade

Ang Maalindog na Charlie Wade

Sa Charlie Wade ay ang manugang na nakatira sa bahay ng kanyang asawa na kinamumuhian ng lahat, ngunit ang kanyang tunay na pagkatao bilang tagapagmana ng isang makapangyarihang pamilya ay nanatiling isang lihim. Sumumpa siya na isang araw, ang lahat ng tao na nanghamak sa kanya ay luluhod sa kanya at hihingi ng awa sa huli!
Urban
9.74.7M viewsOngoing
Show Reviews (753)
Read
Add to library
Pol Maya
kainis Naman..dalawang kabanata lng araw2x..ano pa't.my..pa top up pang nalalaman..daming magagandang basahin..Hindi mabasa -basa..dahil sa dalawang dalawang kabanata lng.ilalabas araw2x..ano silbi Ng top up Kung dalawa lng na kabanata ilalabas araw2x😠😠😠😠😠😠
Marivic Serrano
nkkabitin ,nkkaexcite abngan ang mga susunod n kbnata .msydong interesting ang nllpit n suprise ni charlie ky claire ..wooohhh..,srap bshin at subaybayn .sna mgkaroon ng gnito telenovela n mppnood at subaybyn s television at mggling n actor at actress ang llbs ..wooh..very interesting tlga.
Read All Reviews
THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)

Si Althea Cruz ay isang simpleng babae na may pangarap na makalaya sa mahigpit na mundong ginagalawan niya. Ngunit isang pagkakamali ang nagtulak sa kaniya sa kamay ng lalaking kinatatakutan ng marami—Governor Silas Montenegro, isang makapangyarihan, mayaman, at misteryosong lider na sanay makuha ang lahat ng gusto niya… maliban sa puso ni Althea. Dahil sa isang lihim at kasunduang hindi niya maiiwasan, napilitang pakasalan ni Althea ang lalaking ayaw niyang makasama. Sa mata ng mundo, isa silang perpektong mag-asawa. Pero sa loob ng kanilang tahanan, malamig ang bawat titig, at mas malamig ang bawat salitang hindi binibigkas. Ngunit gaano katagal mananatiling bato ang pusong pilit pinapainit ng isang lalaking sanay makuha ang lahat sa pamamagitan ng pwersa? At gaano kalayo ang kayang gawin ng isang obsessed na gobernador… para makuha ang babaeng hindi siya kayang mahalin?
Romance
107.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1314151617
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status