Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kanya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kanyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estranghero na lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari ng gabing iyon ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga dahil na rin sa matsa sa puting cover ng bed kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
101.5K viewsOngoingAdded to Library 37 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Ceo's Accidental Prodigy Baby

The Ceo's Accidental Prodigy Baby

"Who are you?" tanong ni Arlon habang hawak sa braso ang isang bata na babae. "Let go of me. You scumbag!" The arrival of his daughter awakened a longing for connection and love that he had never known. He loved Charlotte unconditionally but found himself lost, unsure of how to bridge the gap that had formed between them. Umiiyak si Charlotte sa isang kwarto. Puno iyon ng mga laruan na pambata, stuff toys at puno ang closet niya ng magaganda na dress ngunit wala sa mga iyon ang nakakuha ng ngiti at attention ng batang si Charlotte. As fate intertwined their lives, the complexities of love, sacrifice, and the unbreakable bond of family began to unfold. In their journey through the trials of life, would they discover that true strength lies not in perfection, but in the messy, beautiful reality of loving one another? "Wala sa inyo ni Miss Ophelia ang nagmatch ng blood type ng bata. Paano nangyari iyon?" May isang babae ang umiiyak na tumatakbo patungo sa emergency room na talagang kamukha ng nagpakilala na ina ni Charlotte at nakasama niya ng gabi na iyon. Cordelia Monteveros the woman who have a mentally unstable and walang kakayahan makapagsalita. Putikan ang dulo ng suot nito na puting dress at nakapaa. Hinawakan siya ng babae, puno ng pag-aalala at paulit-ulit na hinila ang sleeve niya— gumawa ng mga hand sign language na talagang hindi maintindihan ni Arlon. Nanatili si Arlon na nakatingin sa babae na akala niya na hindi na niya na ulit makikita at doon narealize ni Arlon na nakagawa siya ng malaking pagkakamali. In a world where family ties are tested by secrets, control and power.
3.2K viewsOngoingAdded to Library 73 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
2.1K viewsOngoingAdded to Library 55 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him

Nang sandaling malaman ni Hiraya ang pagtataksil at pagsisinungaling ng kan’yang nobyo na si Jack sa kababata nitong si Rosamie, labis na nasaktan si Hiraya ng sobra tila ba nadurog ng pino ang kan’yang puso nang piliin pa ng kasintahan ang kababata nito kaysa sa kan’ya. Dahil sa epekto ng alak ay naglakas-loob siyang puntahan ang kwarto ng kaibigan ng kan’yang nobyo na si Reyko Takahashi, isang sikat at magaling na doktor sa buong Asya. Matapos ang mainit na gabing pagtatalik, alam ni Hiraya na sa mga mata ng lalaki ay isa siyang maruming babae at hitad na kumakapit sa iba’t-ibang lalaki. Pinulot ng lalaki ang mga damit niya at inihagis iyon sa kan’ya. “Umalis ka na sa kwarto ko.” Nagulat si Hiraya ng ihagis nito ang panty niya’t sapol na sapol iyon sa kan’yang mukha. “Naiwan mo. Too cheap, it's not worth it to keep it.” Halata sa boses ng binata ang pagka sarkastiko at panunuya.
1014.3K viewsOngoingAdded to Library 386 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
476 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Glimpse of Loving You

Glimpse of Loving You

sachtych
Siya si Kellissa Elarque. Labing walong taong gulang na estudyante na nag-aaral ng kursong Business Administration sa isang unibersidad. Scholar na Bayan. Breadwinner ng kanyang pamilya. Bukod sa pagiging isang matalinong estudyante, marami ang nabibighani sa taglay niyang ganda sa kabila ng laging suot nitong may kalakihan na puting t-shirt at leggings na pinaresan ng lumang itim na rubber shoes. Binansagan pa ang dalaga bilang "Beauty and Brains" ng kanilang department. Tahimik lamang itong estudyante at tila ba walang pakielam sa paligid. Ngunit nagbago ang lahat sa takbo ng buhay niya simula nang buksan niya ang kanyang puso sa isang Cayden Guerrero. Ang isang sikat na basketball player na tinaguriang "King of Court." Isang binata na epitome ng "Tall, dark and handsome". Na para bang isang ngiti lang niya ay kaya nitong patibukin ang puso ng kahit sino man. Tama nga ba ang naging desisyon niya na bigyan ng pagkakataon ang binata o magiging sanhi lamang ng pagguho ng mundo niya?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 55 Times as tae ng kambing
Read
+Library
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
1.8K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Judge Me Now.  My Billionaire Husband

Judge Me Now. My Billionaire Husband

Sa gitna ng tirik na araw at putikan ng Divisoria, tanging galit ang nagpapatakbo sa pagkatao ni Claudia Diaz. Limang taon na ang nakalipas nang itapon siya ng pamilya Montefalco na parang basura—matapos siyang pagtaksilan ng asawang si Miguel, saktan, at pagbintangan ng nakaw na hindi niya ginawa. Namuhay siya sa dilim, nagtatago at naghihintay ng pagkakataong makabangon. Ang pagkakataong iyon ay dumating sa katauhan ni Vanruth Amores, isang makapangyarihang bilyonaryo, dating huwes, at kilala bilang "Ruthless CEO." Sa likod ng isang pormal na interview sa trabaho, isang mapangahas na alok ang inilatag ni Vanruth: Isang kontrata ng kasal. Ngunit hindi alam ni Claudia, ang kanilang pagtatagpo ay hindi isang aksidente. Si Vanruth ay may lihim na koneksyon sa nakaraan ni Claudia, at gagamitin niya ang lahat ng kanyang yaman at kapangyarihan upang maging sandata ni Claudia sa paghihiganti. Sa mundong puno ng mapanuring mata, kailangang patunayan ni Claudia na hindi na siya ang biktima noon. Handa na siyang humarap sa korte ng publiko at sabihing: “Judge me now.”
101.0K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Craving His Forbidden Touches

Craving His Forbidden Touches

Unica Hija si Venus Thane ng mga Cojuangco— ang pinaka makapangyarihan at mayamang pamilya Santiago, habang si Ariz, isang hamak na magsasakang naninilbihan sa Hacienda. Hindi lang langit at lupa ang pagitan nila. Para kay Ariz, si Venus ang araw na kahit kailan ay hindi niya pwedeng lapitan. Susunugin kasi siya ng lagablab ng init ng dalaga, pero para sa lalaking gaya ni Ariz na masiyado ng nabulag ng pag-ibig, wala siyang hindi susugal mapalapit lang sa babaeng hindi niya dapat ginugusto at inaangkin.
10126 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as tae ng kambing
Read
+Library
THE LOVE AFTER SECRET

THE LOVE AFTER SECRET

Sa isang gabing binalot ng alak, lihim, at pagkakamali, nabago ang kapalaran ng dalagang si Vienna Reign Gonzalez-isang bihasang secret agent na sanay itago ang emosyon sa likod ng malamig na titig at matatag na puso. Isang gabi ng labis na kalasingan ang naging dahilan ng isang hindi inaasahang bunga: isang buhay na lumalaki sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang mas masakit na katotohanan-ang ama ng kanyang anak ay ang lalaking itinalaga niyang patayin. Si Devereux Blue Ace Guevara Montague-isang makapangyarihan, misteryoso, at kinatatakutang pangalan sa ilalim ng mundo. Isang lalaking puno ng sikreto, kapangyarihan, at mga kasalanang maaaring gumiba sa buong sistema. Siya ang target. Siya ang kalaban. Siya rin ang ama ng batang dinadala ni Vienna. Habang lumalalim ang misyon, mas lalo ring gumugulo ang kanyang puso. Sa pagitan ng tungkulin at damdamin, galit at pagnanasa, Vienna ay mapipilitang pumili: Barilin ang lalaking kinamumuhian niya... o iligtas ang pamilyang hindi niya inaasahang mabubuo. Sa mundong puno ng baril, dugo, at pagtataksil-maaaring ang pinakamapanganib na misyon ay hindi ang pumatay... kundi ang umibig.
407 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as tae ng kambing
Read
+Library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status