Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaires Son

The Billionaires Son

“Lord pahiram ng anak ko! Please lang huwag mo muna siyang kuhain sa akin, hindi ko kakayanin. Sobrang bata pa ng aking anak! Huhuhu!” napasandal na lang ako sa wall ng hospital at humahagulgol na nananalangin. Bago pa ako makapagsalita ulit ay nakita ko ang Arnaldong iyun na nakatingin saming dalawa ni Regan, nakatayo lang din ito sa isang sulok malapit samin, yumuko siya ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Bumitiw ako sa pagkakakapit ko kay Regan at lumapit ako papunta sa lugar kung nasan si Arnaldo, hinabol lang ako ng tingin ni Regan at hindi ko na napigilan ang aking sarili, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ni Arnaldo. Nagsusumigaw ang galit sa aking puso't isipan Nakita kong napakapit siya sa kanyang pisngi at nagatataka siyang napatingin sakin"Hay*p ka! nakapawalang hiya mo talaga. Nagpakalayo-layo na kami ni Anthony nasundan mo pa rin kami. Wala ka ng dinala sa buhay naming mag-ina kundi puro sakuna.(pinaghahampas ko ang kanyang dibdib habang patuloy ang aking pag iyak, Sobrang galit ang aking nararamdaman, hinahayaan lang naman niya ako sa kanyang ginagawa, maya-maya ay naramdaman kong niyakap na niya ako para huminahon, ) Hindi na ako nanggulo sa buhay niyong mag-asawa kagaya ng gusto mong mangyari! kaya please lang lubayan mo na kaming mag-ina. HUHUHU" bigla naman akong nanghina at tila nawalan ng lakas ng yakapin na niya ako, pakiramdam ko ay nasa maayos akong mga kamay sa piling ng bisig nito. "Naguguluhan ako! anong ibig mong sabihin?! Hindi kita maintindihan, Una kitang nakita sa bahay namin, kasama ko sa kwarto , yun na ang una at huli nating pagkikita!" sagot sakin ni Arnaldo
Romance
1031.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Her Obsession [gxg]

Her Obsession [gxg]

Lumipat ang kaniyang kaluluwa sa asawa ng Mafia Boss na kung saan ay matagal nang nakakaranas ng paghihirap habang kasama ang asawa nito. Clyde Cleomonte, a 21 years old na kung saan ay pinakasalan ng sapilitan ni Silvia Kill na Mafia boss. "Hon, are you okay?", tanong ng babae saakin. Hon? Bakit niya ako tinatawag na Hon at bakit nandito ako sa hospital? Ang huli kong naaalala ay itinulak ako ni Blue, may tumulong ba saakin? "Nasaan sina Blue? Nakulong naba sila?", tanong ko sa mga lalaking nakaitim. I think mga pulis sila pero bakit hindi sila nakauniporme? "Whose blue? Hon, what happened back then?", tanong ulit ng babae. Bakit ba Hon ang palaging tawag niya sakin? Hindi ko naman siya kilala. Napatingin ako sa salamin na kung saan ay nasa side wall, I saw that this is not my face. Nanlaki ang mata ko sa gulat, anong nangyari sa mukha ko at sino sila. Lalapit na sana ang babae ng itinago ko ang katawan ko hanggang sa leeg ng kumot. "Stay right there!! Wah mokong lapitan", sigaw ko kaya napahinto naman siya at nag aalalang nakatingin saakin. "Do you- do you forget about me?", nauutal na sagot niya. Biglang may lumitaw na batang babae around 3 ata galing sa kaniyang likod. Nakatingin na siya saakin ngayon. "Mama?", tanong nito. Wait, naguguluhan na ako. Sino ba sila at bakit tinatawag akong Mama ng bata. "Hindi ko alam ang sinasabi niyo at wag mokong tinatawag na Mama!!" ,sigaw ko sa kanila. Biglang umiyak ang bata at nagpabuhat sa babae. Kinarga niya ito at nagdilim ang tingin nito saakin. Sino ba sila? I don't understand what's happening. Mama, i need you.
LGBTQ+
8.716.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1024.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
444546474849
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status