Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bon Appetit

Bon Appetit

Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
Romance
10968 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Billionaire Ex-husband's Hot Twin

Marrying My Billionaire Ex-husband's Hot Twin

Nang maikasal si Charlaine Hidalgo kay Harris Jenkins, biglang isang iglap lang ay naglaho ang nakasanayan niyang masayang buhay. Her life turns chaotic, sadistic, painful, and nerve-wrecking. Gusto niyang i-divorce si Harris pero naguguluhan siya sa kaniyang sariling desisyon. Mahal niya ba ito o magpapatuloy na lang siyang nararanasan ang red flag nitong mga ugali. Harris Jenkins is the heir of Jenkins’s group of companies. He is a billionaire but a ruthless person; who enjoys sex and playing woman’s heart. Si Charlaine naman ay galing sa isang average family. Naikasal silang dalawa ni Harris dahil sa isang arrange marriage. Matagal na niyang crush si Harris pero hindi naman niya nakikita ang red flag nito. Nagkamali siya kay Harris. Harris is a lier, mamatay tao, sadistic person, at hindi man lang siya nito kinikilalang asawa. Gayunpaman, nang naging sobrang gulo na ng buhay nilang mag-asawa, nakilala niya ang isang David Jenkins-twin brother ni Harris. Isang hot, sweet, matalino, at hindi red flag. Gusto niyang maikasal dito, gusto niyang angkinin si David at gusto niyang mahalin siya nito. Kaso lang, nakatali na siya kay Harris. But she is eagerly wants David in her life. She planned something that made her life really chaotic. Akala niya may magbabago sa buhay niya nang mai-divorce niya si Harris. And David her new husband, it turns out, pinaglalaruan lang pala siya. O iyon ang kaniyang iniisip? Hanggang kailan matatapos ang kaniyang katatagan? Paano kung kailangan niyang mamili sa dalawa? Sino ba sa kanila ang totoo?
Mafia
906 viewsOngoing
Read
Add to library
Insane Agreement

Insane Agreement

Celia GN
Architect Miles Muñoz, isang matapang, palaban at kabigha-bighaning probinsyana. Nasa kan'ya na ang lahat pero lingid sa kaalaman ng iba ay ginapangan na siya ng pagkabahala sapagkat sa edad na dalawampu't siyam ay ni minsan hindi pa niya naranasan na magkanobyo. Nais na niyang magkaanak at bumuo ng sariling pamilya ngunit paano nga ba niya iyon maisakatuparan gayong kahit ni isang manliligaw nga lang ay ni wala siya? Engineer Jeffry Shaun Villafuente, isang matagumpay at mayaman na business tycoon. Isang happy-go-lucky guy at certified playboy. "What? You are looking for a baby maker?!" tila nawala ang pagkalasing ni Jeff sa narinig. Kasalukuyan silang nag-uusap sa bar habang umiinom ng alak. "Are you that desperate? You will be looking for an anonymous man para lang maging baby maker mo?" Umiling-iling ito at diretsang nilagok ang laman ng hawak nitong baso. "Ano naman ngayon? Uso na ngayon 'yan sa mga nais magkaanak lang." "You have a point." Tumango-tango ito ngunit sandaling natigilan. Nilingon sya nito at muling nagsalita. "Why don't you just ask for my cells then? By that, you don't have to look far." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. Siya naman ang nagulat. Sandaling tinitigan niya ang mukha ni Jeffry at napaisip sa suhestiyon nito. Sinubukan niyang basahin at sukatin kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Hanggang sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya. "Sa bagay pinamimigay mo lang naman kahit kanino iyang sperm cells mo. Fine. Just give me a baby, no more no less. How's that?" Isang desisyon ang kanyang pinakawalan, pasyang kahit siya ay lihim na nangamba. Tila napatda pa ito sa agaran na pagsang-ayon niya bagama't kalakip naman nito ay ang nabanaag niyang pagkislap ng mga mata ng lalaki. "Well, that's great! Then your wish is my command!" he said with a teasing smile.
Romance
872 viewsOngoing
Read
Add to library
Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall

Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
Other
852 viewsOngoing
Read
Add to library
I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jane ay kinasal sa lalaking dalawang beses palang niyang nakikita. Wala silang pagmamahal sa isa’t isa, para sa kanilang dalawa ang kanilang kasal ay sa papel lamang. Paano kung isang araw ay matuklasan niya na si Clegane, ang kanyang asawa ay hindi pala ordinaryong lalaki lang?
Romance
10651 viewsOngoing
Read
Add to library
The Devil's First Mistake

The Devil's First Mistake

yanalee
"He's maybe a devil, but he's my devil." Hindi inakala ni Valentina Jade Villamayor na sa dinami-rami ng manliligaw niya ay kay Devon Miles Joaquin pa siya na-inlove. Hindi lang ito isa sa "The Famous Orphans," nagmula din ito sa pamilya na mortal na kaaway ng pamilya niya. Bukod pa roon, halos isumpa niya ito noong una nilang pagkikita. But they fell in love with each other, at ipinangako nilang hinding-hindi nila hahayaang magtagumpay ang mga pamilya nila sa pagpapahiwalay sa kanila. Ngunit sadya yata talagang nakatadhana silang magkalayo. Inakala ni Val na iniwan siya ni Devon at napilitan siyang magbago ng identity at palakihin ng mag-isa ang anak nila. 10 years later, he came back as her boss and she's his secretary. Pero hindi maintindihan ni Val kung bakit galit na galit sa kaniya si Devon. Gayung ito ang nang-iwan pagkatapos makuha ang pagkabirhen niya. Ito ang umalis, so bakit ito galit na galit? At anong gagawin nito kapag nalaman nitong nagbunga ang pagmamahalan nila noon? The media call them The Famous Orphans - adopted and raised to be billionaire heirs. Five of them and Valentina fell in love with the one they called“THE DEVIL.”
Romance
780 viewsOngoing
Read
Add to library
Midnight Rain (Quijada Series)

Midnight Rain (Quijada Series)

Nabislayed
Sweet Margaux Villafranco a second-year college student taking a Bachelor of Science in Information Technology meets Jace Gael Quijada a volleyball player and taking a Bachelor of Science in Information Technology course. Nag kakilala sila sa hinding inaasahang okasyon. They started being friend in a chat until Gael courted Sweet and they become a couple. Isang araw nalaman niyang may sakit ang kanyang ama at kailangan nitong magamot sa Maynila. Umalis sila at pansamatalang siyang tumigil sa pag aaral. Sa kanyang pag alis hindi niya inaasahan ang isang pangyayaring sisira sa maganda at masaya niyang buhay. Naging malupit ang tadhana sa kanya hanggang sa may tumulong sa kanya ngunit kapalit nito iwan at kalimutan ang buhay niya sa Villanueva kasama si Gael. Sa paglipas ng apat na taon muli silang nagkita ngunit mag kaiba na ang kanilang mga mundo. Tuluyan na kaya nilang kalimutan ang isa't isa at patuloy na harapin ang kanilang bago at mag kaibang mundo?
Romance
9.5713 viewsOngoing
Read
Add to library
The Third Vow

The Third Vow

tinerites
Kontento na si Avaeh sa kaniyang pagiging mag-isa, ngunit hindi ang kaniyang mga magulang. Sa kagustuhang ilayo siya sa posibilidad na tumandang dalaga, ang mga ito na mismo ang nag-ayos ng kasal para sa kaniya. Subalit sa isang iglap, mababago ang kaniyang kapalaran. Nagising na lamang siyang kasama si Colt sa iisang kuwarto at pareho silang walang maalala. Paanong sa isang gabi lamang na iyon ay naging asawa niya ang lalaking unang beses niya pa lang nakita sa beach trip na iyon? Hindi naman siya papatol sa isang lalaking ikakasal na rin at hindi niya minsan man pinangarap ang maging isang kabit. Paano kahaharapin ng dalawa ang kani-kanilang kasal na plinano ng kanilang mga magulang kung sila na mismo ang naunang ikinasal? Pipiliin ba nilang baguhin ang iginuhit ng tadhana?
Romance
675 viewsOngoing
Read
Add to library
Revenge of the Billionaire's Wife

Revenge of the Billionaire's Wife

HMAESTORIES
Si Akiyama, Fumiya Harah ay isang Japanese na iniwanan sa Bahay ampunan ng kanilang inang Filipino. Lumaki si Harah kasama ng kaniyang kapatid na si Aryah sa Bahay Ampunan at doon sila kinuha ng mag asawang Rosemarie at Anthony Coleman. Mga magulang ni Jack Coleman. Lumaki si Harah sa pamilya Coleman at nahulog ang loob ni Jack sa dalaga. Kalaunan ay nabuo ang kanilang pag iibigan at naging mas malapit pa sa isa't isa. Nagpasya silang ikasal. Kaya lang sa mismong araw ng kasal nila Harah at Jack ay sinabotahe si Harah ng kaniyang kapatid na si Aryah. Nilagyan nito ng Aphrodisiac ang tubig na inumin ni Harah at nagkamali si Harah ng kwartong pinasukan. Pinadala ni Aryah bilang unknown sender ang mga larawan at video na nakuha niya sa Mansion ng mga Coleman at nagpanggap na inosente. Kinamuhian ng buong angkan ni Jack si Harah at itinaboy ito. Inagaw naman ni Aryah si Jack. Nang mapalayas si Harah ay naging isang pulubi si Harah, doon niya nakilala ang kaniyang ama at tinulungan siya nito. Makalipas lamang ang ilang taon ay bumalik si Harah sa Pilipinas kasama ng kaniyang triplets na anak para umattend sa gaganaping kasal ng kaniyang kapatid na si Aryah at ng ex boyfriend niyang si Jack. Ininsulto at pinahiya naman siya ni Aryah pati ng mga kamag anak ni Jack. Doon dumating si Shawn para iligtas si Harah kasama ng triplets nilang anak. Hindi lubos akalain ni Harah at ng ibang tao na ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon ay walang iba kundi si Shawn Ezekiel Peñafranco, isang hot billionaires. Paano kung alukin si Harah ng kasal ni Shawn? Tatanggapin niya kaya ang alok nitong kasal sa kabila ng paghihirap na naranasan niya dahil lang sa isang gabing pagkakamali?
Romance
10774 viewsOngoing
Read
Add to library
The Wife's Comeback

The Wife's Comeback

Maayos ang paghihiwalay ng mag-asawang Theodore Agoncillo at Janissa, nagkaroon ng bagong kinakasama si Theodore dahil hiwalay na siya sa kaniyang asawa, nagkaniya-kaniya sila matapos ang hiwalayan at naging masaya naman sila sa pinili nilang landas. Ngunit isang pangyayari ang hindi nila inasahan matapos ang ilang taong paghihiwalay at ilang taon na hindi pagkikita, inimbitahan silang dalawa sa kasal ng kanilang kaibigan, pareho silang nabigla nang makita ang isa't isa dahil hindi nila iyon inasahan. At sa araw din na iyon ay nagkaroon ng isang pangyayari na hindi nila pwedeng takasan, natukso ulit sila sa isa't isa, hindi inasahan ng dating mag-asawa na magagawa nila ang mapusok na gabing iyon dahil kung kailan sila naghiwalay ay saka naman sila makabubuo ng anak...when they're not ready to become a parent, lalo na ngayon at may ibang babaeng kinakasama si Theodore, 'yon ay si Emie Castro. Paano haharapin ni Janessa ang pagiging kabit sa dati niyang asawa?
Romance
534 viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status