Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Never let you go

Never let you go

Ms. Sagittarius
Minsan ng nasaktan si Axel at nangako na hinding-hindi na siya iibig ulit. Nagiwan ng malaking sugat sa puso ni Axel ang nangyari sa kanyang nakaraan na buong akala niya ay hindi na niya makakalimutan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala niya si Althea ang babaeng nagkaroon ng malaking impact sa buhay ni Axel. Simple lang si Althea, ordinaryo, may malambot na puso at gagawin ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay na kabaliktaran ni Axel. Nagkaroon ulit ng pagkakataon si Axel na magmahal at magtiwala ulit pero hindi sang-ayon ang Papa niya. Ang tingin kasi ng Papa ni Axel katulad lang din si Althea sa mga babaeng Pera at kapangyarihan ang habol sa anak niya. Gagawin niya ang lahat para paghiwalayin ang dalawa pero hindi makakapayag si Axel na muling manghimasok ang Papa niya kaya naman gagawin din niya ang lahat para protektahan ang taong mahal niya. Ngunit may dumating pa na isang pagsubok sa pagsasama ni Axel at Althea na talagang susubok sa kanilang dalawa. Bumalik ang nawawalang kapatid ni Althea na si Vivian na gusto ng Papa ni Axel para sa kanya. Dumating sa punto na kailangan pumili ni Althea kung ang kaligayahan ng mahal niyang kapatid o ang sarili niyang kaligayahan. Kung noon lagi na lang nagpaubaya si Althea para sa kaligayahan ng ibang tao ngayon hindi siya makakapayag na mawala sa buhay niya ang taong nagparamdam sa kanya kung paano mahalin at pahalagahan. Mahal ni Althea ang pamilya niya pero mas pinili niya ang taong mahal niya na alam niyang hindi siya iiwan kahit ano pang mangyari. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon ni Axel at Althea ay nagawa nilang lampasan ng magkasama. Pinatunayan nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa at mas tumibay pa ang pagmamahalan nilang dalawa.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
OFW Wife of a Billionaire

OFW Wife of a Billionaire

Si Kate ay Isang succesful OFW sa Dubai. Nagsakripisyo siya ng sariling kaligayahan para sa ikakaunlad ng kanyang pamilya ngunit mababago ang lahat ng mapagdesisyunan niyang sorpresahin ang kanyang pamilya sa biglaan niyang pagbabakasyon sa Pilipinas ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay siya ang nasorpresa ng malaman niyang nabuntis ng kanyang fiance ang kanyang kapatid na si Charlotte. SI James naman ay kilalang chick magnet sa hanay ng mga Batang Bilyonaryo sa kanyang henerasyon. Madami mga kalalakihan ang naiingit sa kanyang kakayahang mapaibig at makuha ang isang babae ng walang kahirap hirap ngunit mag iiba ang lahat ng makilala niya si Kate sa Isang resort club sa Boracay. Matatapakan ang kanyang pagkalalaki dahil ito ang unang beses na may tatanggi sa kanyang alok. Hindi niya ito iiwan bagkus ay I da-dare niya ito kung sino ang unang maiinlove sa kanilang dalawa ay siyang magbabayad ng kanilang mga ininom . Naparami na din ang kanilang nainom at hindi na nila alam ang mga sumunod nilang ginawa .Naunang nagising si Kate at nagmadaling umalis sa tabi ni James . Ayun na ang una at huli nilang pagkikita. Dumating na lang ang isang araw na kakailanganin ni Kate na hanapin muli si James upang ipaalam dito ang nairehistrong kasal nila hihiling siya ng annulment dito Ngunit hindi Naman papayag si James Dahil nalaman niya ang kalupitan ng pamilya ni Kate sa kanya, walang alam ang pamilya ni Kate sa estado ng pamumuhay na Meron si James kinailangan ni Kate kumuha ng cenomar dahil pinipilit siya ng kanyang ama na magpakasal sa isang mayamang tao na nag-alok sa kanya ng kasal sa Dubai. Maaawa si James kaya Naman aalagaan niya ito . Paano mapoprotektahan ni James si Kate kung pamilya MISMO nito ang kanyang kalaban.
Romance
10226.0K viewsCompleted
Show Reviews (24)
Read
Add to library
Snobsnob
Sana gawan mo po ng special chapters yung hihingi ng tawad pamilya ni Haime kay Nat. Kulang ng sumbatan eh kainis makaganti man lang sa pamilya ni Haime. O kung nagrereach--out pa ba si Haime sa pamilya niya after niyang umalis. Anong nangyari kay Pearl. Nakukulangan talaga ako sa huling mga chapter
Roxxy Nakpil
Hello Dear readers this month po mag 2 chapters update lang po ako . May Schedule po ksi ng MRI ang aking babyloves para malaman na kung pede ng tanggalin ang cyst niya sa brain... . Naka set na po kasi update ko daily. Thank you po sa continues support ninyo. Next month po bawi ako ng update ...️🫰
Read All Reviews
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
Romance
8.6108.8K viewsCompleted
Read
Add to library
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
Romance
1013.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
394041424344
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status