Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Strangers Got Married (Tagalog)

Strangers Got Married (Tagalog)

Malaking gulo ang nagawa ni Liam na maaaring magdulot ng pagbagsak ng kanilang kumpanya at malagay ang kanyang ama sa kapahamakan. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat upang mailigtas ito, kahit pa ang magpakasal sa isang taong hindi niya kilala. Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagtulak kay Crystal upang makilala ang sikat na tagapagmana na si Liam Spencer. Ang lalaking nag-alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga ng pera. Noong una ay nag-dalawang isip siyang tanggapin ang kanyang alok, ngunit nang marinig ni Crystal kung magkano ang kayang ibayad nito sakanya ay agad rin siyang sumang-ayon, dahil matagal na niyang hangad ang pamumuhay na mas marangya at komportable kumpara sa kasalukuyan niyang kalagayan. Kahit na walang alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, at hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng isang mahalagang desisyon, ang dalawang hindi magka-kilalang tao ay lumagda sa isang kasunduang kasal. Ngayon, kailangan nilang mabuhay bilang mag-asawa upang maiwasan na madungisan ang reputasyon ng Spencers.
Romance
1037.7K viewsCompleted
Read
Add to library
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
261 viewsOngoing
Read
Add to library
A Cruel Twist of Fate

A Cruel Twist of Fate

Haven Prado's mother sold her in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do something terrible to her. But due to fatigue she lost conciousness in the middle of a dark road and was rescued by a billionaire named Aries July Spinster. Nang magising si Haven sa isang hindi pamilyar na silid at nagulat ng makita si Aries na kamukhang-kamukha nito si Marco, ang nagtangka sa buhay niya! Ang ipinagtataka ni Haven ay walang alam si Aries sa kanya at pinandidirihan siya kumpara kay Marco na gustong-gusto siyang angkinin! Natagpuan na lamang niya ang sarili na ikakasal sa binata and this eventually leads Aries to hate Haven for putting him in a bad situation. "Now that we're married, paano kung tutuhanin ko ang paratang mo sa'kin? Will I convicted of sexual assault by my own wife? sarkastikong sabi ni Aries at muli't-muling nakaramdam ng takot si Haven Saan hahantong ang kapalaran ni Haven gayong sa mas malupit na tao siya napunta? Magka-iba nga ba sina Aries at Marco o iisa lamang sila? Paano kung pati ang puso niya madawit sa gulong kinasangkutan niya?
Romance
106.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Wife

The Wife

Isa lang naman ang hiling ni Alana at 'yon ay mahalin din siya ng lalaking kaniyang minahal noon pa man at iyon ay si Knight. Hiniling niya sa kaniyang mga magulang na maikasal siya sa binata na sa huli naman ay naisakatuparan din. Ngunit ang akala niya na matututunan din siyang mahalin ay hindi pala bagkus naging bangungot ito na malayo sa kaniyang pinangarap. Matitiis niya ba ang ilang taon ang knailang pagsasama kung gayon ay ni hindi naman siya itinuturing bilang asawa at kahit na pagkababae niya ay dinudurakan na? O sa huli ay makikita niya ang kaniyang kahalagahan dahil sa isang tao na hindi niya aakalaing tutulong at aahon sa kaniya na kalaunan ay nakita na lamang niya ang sarili na nasa bisig nito. Tama nga ba ang kaniyang naging desisyon o kailangan niya lamang na bigyan ulit ng isa pang pagkakataon si Knight? Sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Pinagtagpo nga lang ba talaga at hindi itinadhana?
Romance
1021.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

The Mafia's Unwanted Wife (Tagalog)

[COMPLETED] Dalawang hindi magkakilalang tao ang nagkaisa nang dahil sa kasal na magulang lang ang siyang may kagustuhan. Isang arogante na lalaki, at naging sunod-sunuran na babae. Isang nagngangalang Aurora ang tiniis ang lahat sa kamay ng napangasawa na si Lucas nang dahil sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang. Isang walang kaalam-alam na Aurora na pinakasalan ang isang lalaki habang hindi lingid sa kaalaman na ito ay isang kilala bilang isang makapangyarihang mafia sa bansa. Isang misteryoso at napaka-pribadong Lucas na walang ibang ginawa kung hindi ang manakit ng kaniyang asawa at isipin si Iris na kaniyang minahal simula pa noong una. Ngunit nang dahil sa kinabangga na isa pang makapangyarihan na grupo ng isang mafia at nadamay ang kaniyang asawa, posible nga ba na sa unang pagkakataon ay maging maayos ang pakikitungo niya kay Aurora? Posible kaya na sa unang pagkakataon ay maiparamdam niya kung ano ang tunay na kahulugan ng isang asawa o hahayaan na lamang ito sa mga kamay ng halang din ang kaluluwa?
Romance
1020.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Arranged Marriage to the Cold-Hearted CEO

Arranged Marriage to the Cold-Hearted CEO

Prologue Celine Dela Cruz never imagined na mauuwi sa ganito ang buhay niya. Sa probinsya, simple lang ang mundo niya—gising ng maaga para tumulong sa tindahan ng pamilya, makipagbiruan sa mga kapatid, at mangarap na balang araw… magkakaroon din siya ng love story na parang sa pelikula. Pero isang gabi, habang sabay-sabay silang kumakain, bumagsak ang bombang hindi niya inasahan. “Anak…” mabigat ang boses ng tatay niya. “May kasunduan tayo. Ikakasal ka.” Nag-freeze si Celine. “What? Papa, seryoso ka ba?” At doon niya narinig ang pangalan. Liam Alcantara. CEO ng Alcantara Group. Isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Maynila. Mayaman, guwapo raw sabi sa mga balita, pero kilala ring cold at walang puso. Arranged marriage. Hindi niya choice, hindi niya gusto. Pero dahil nalulunod na sa utang ang pamilya niya, wala siyang nagawa. Sa moment na iyon, narealize niya—hindi lahat ng love story nagsisimula sa kilig. Minsan, nagsisimula ito sa kontrata. At minsan, ang taong akala mong magpapabagsak sa’yo, siya pala ang matututunan mong mahalin.
Romance
108.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Hidden Heart

My Husband's Hidden Heart

"A happy girlfriend is a happy life." Iyan ang isa sa mga motto na pinaniniwalaan ni Alexandra Bautista o mas kilalang Alex. Dahil sa sampung taon niyang relasyon kay James Alexander Lopez, ay naging masaya siya. Ngunit ang sayang naramdaman ay napalitan ng pagdududa. Pinilit niyang unawain at huwag bigyan ng kahulugan ang kanyang mga naririnig sa paligid, at piniling pagkatiwalaang muli ang fiance. Ngunit ang pagdududa ay mas lalong napagtibay nang dumating sa buhay nila ang isang babae. Isang babae na tiyak niyang sisira sa sampung taon niyang masayang relasyon sa fiance na si James. Ano ang dapat niyang gawin? Bibitaw na ba o kakapit pa at muling bigyan ng pagkakataon ang sinisinta? Ano naman ang gagawin niya kapag malaman niyang siya ay nagdadalang tao? Paano haharapin ni Alex ang lahat ng pagsubok na darating sa kanyang buhay? Mahahanap kaya niya ang pagmamahal na deserve niya sa taong kanyang iniirog o sa iba niya mahahanap ang pagmamahal na iyon?
Romance
9.241.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
Romance
9.837.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO Compensation

The CEO Compensation

Si Angie, isang mahiyain na babae at normal na empleyado. Halos nga walang sino man ang nakakapansin sa kanya. Ngunit labis na mapagmahal na nobya kay Julius at mabait na kaibigan kay Trisha. Ngunit hindi niya aakalain na dalawang ahas ang inaalagaan niya. Nang isang gabi, dahil sa ginawa ni Julius na itaya ang pagkababae ni Angie sa isang sugalan, aksidenteng naka-One Night Stand niya ang isang arrogante at makapangyarihang CEO na si Mr. Zayruz Choi. Pilit siyang binayaran nito dahil ang akala sa kanya ay isang bayaring babae, ngunit hindi niya tinagap. Lumaganap ang scandal ni Angie at tinuring siyang basahan ng mga katrabaho niya. Marami siyang masasamang naririnig sa kanya. Nakipag-hiwalay si Julius dito at si Trisha ang nangunang taga-sira sa kanya. Hangang sa isang buwan ang nakalipas, di alam ni Angie na nagdadalang tao na siya, nang muling pinagtagpo ang landas nila ni Sayruz at kaagad siyang nawalan ng malay. "F*ck. How dare she is carrying my child?!" Usal ni Sayruz ng matuklasan nga nilang buntis is Angie. Na siyang ikinatuwa din ng Grandma ni Sayruz.
Romance
979.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
43
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status