Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Sassy Maid

The Billionaire's Sassy Maid

"Mayaman ka lang, Sir. Pero Hindi ibig sabihin no'n, lagi kang tama." - Sophie Akala ni Elias Gabriel "Gab" Monteverde, pera ang kayang magpasunod sa lahat. Bilang isa sa pinakabatang billionaire sa buong bansa, sanay siyang sumunod sa lahat ng gusto at utos niya. Walang empleyadong nagtatagal sa kanyang mansyon dahil sa pagiging suplado, istrikto at perfectionist niya. Hanggang sa dumating si Sofia "Sophie" Montereal. Isang babaeng madaldal, makulit, nakakairita at walang takot na maid na hindi marunong yumuko sa kahit sino—lalo na sa kanyang amo. Sa halip na matakot… nagagawa pa niyang sagutin-sagutin ang isang billionaire na kagaya ni Gab. Mula sa walang katapusang bangayan, nakakahiya ngunit nakakatawang mga insidente, at mga asarang nagpapabilis ng tibok ng puso, unti-unting nababasag ang malamig na puso ni Gab. Ngunit paano kung ang simpleng maid na pilit niyang gustong tanggalin… ang siya ring babaeng hindi niya kayang pakawalan? Sa isang mansyon na puno ng lihim, tawanan, at pagmamahalan—sino ang unang susuko? Ang billionaire na sanay na nasusunod… o ang Sassy Maid na hindi kailanman nagpapatalo?
1067 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as tawanan
Read
+Library
Married to the Wrong Billionaire

Married to the Wrong Billionaire

Naniniwala si Sloane Persephone Rivera o mas kilala sa tawag na Percy na ang tanging makakapagligtas lang sa pamilya niya laban sa kahihiyan ay iyong pumayag siya na makipagpalit nang pwesto sa kanyang kakambal na si Blaire sa kasal nito pansamantala. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang maaksidente si Blaire at magpanggap si Percy bilang kakambal niya at mapunta sa buhay na hindi naman niya kinabibilangan. Hindi handa si Percy na makilala ang lalaking pinakasalan niya noong araw na 'yon lalo na ang pakisamahan ang ugali nito. Nangako siya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking hindi naman niya talaga asawa dahil nagpapanggap lang naman siya.Pero sa bawat gabi na nagkakasama sila sa iisang bubong, mga pag-uusap at tawanan na tanging sila lamang ang may alam, ay unti-unti no'n nabasag ang pader na pilit niyang itinatayo para protektahan ang sarili niya. Nakulong si Percy sa pagkatao na kailanman ay hindi niya pinili na naging sanhi nang pagkahulog niya sa lalaking hindi niya naman dapat mahalin pero aksidente niyang minahal. Ang mapaglinlang ba na pag-ibig ay kayang mabuhay kapag dumating na ang katotohanan? Paano kung kailan handa ka nang ipaglaban ang taong mahal mo ay saka pa bumalik ang taong nagmamay-ari naman talaga nito?
629 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as tawanan
Read
+Library
Night Under the Mask

Night Under the Mask

Sa malamig na lungsod ng New York, nagsimula ang kakaibang kwento ng isang simpleng Filipina na si **Azia Montenayor** at ng isang mayamang CEO na si Edward Falcon. Isang aksidenteng banggaan sa loob ng kumpanya ang naging daan upang alukin ni Edward si Azia ng isang hindi pangkaraniwang kasunduan—isang one-year contract marriage kapalit ng malaking halaga ng pera. Para kay Azia na may pamilyang tinutulungan sa Pilipinas, tila praktikal itong desisyon. Ngunit hindi niya inaasahan na mas magiging komplikado ang lahat nang malaman niyang siya ay buntis. Unti-unting nabunyag na bago pa man ang kasal, may koneksyon na pala sila sa isang gabing may maskara—isang charity event kung saan nagtagpo ang kanilang mga landas sa ilalim ng emosyon at kahinaan. Mula sa isang lihim na alaala at hindi planadong pagbubuntis, nagsimulang mabuo ang isang relasyong higit pa sa kontrata. Habang hinaharap nila ang selos mula sa dating kasintahan ni Edward at ang mga pagsubok na dala ng kapangyarihan at impluwensya, mas tumitibay ang kanilang samahan. Sa bawat problema—mula sa aksidenteng pinaghihinalaang sabotahe hanggang sa panghihimasok ng nakaraan—pinatunayan nilang ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat ng pera o pirma sa papel. Sa huli, ang flash marriage na nagsimula bilang isang kasunduan ay nauwi sa isang totoong pamilya. Sa pagitan ng tawanan, selos, panganib, at lambingan, natuklasan nina Azia at Edward na ang pagmamahal ay maaaring magsimula sa maling oras at maling paraan—ngunit kung ito ay totoo, ito ang magiging pinakamatibay na pundasyon ng kanilang bagong buhay bilang pamilya Falcon.
10250 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as tawanan
Read
+Library
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status