Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Billionaire's Innocent Maid

The Billionaire's Innocent Maid

Dulot ng kahirapan, maagang nagtrabaho si Hera dala na rin nang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa kaniyang magandang mukha at katawan, wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Dahil sa kagandahang taglay, natanggap siya sa isang fancy restaurant bilang waitress pero hindi rin naman din siya nagtagal doon. Bumalik ulit siya sa dati, kung saan-saan lang naglilibot at naghahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi, may bigla na lang estranghero ang nag-alok sa kaniya ng isang trabaho. Malaki ang sahod at hindi kailangan ng magandang background. Tinanggap ni Hera ang trabaho. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang trabaho na kaniyang pinasukan ay simula na pala ng panibagong hamon at kalbaryo ng kaniyang buhay. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw, natagpuan na lang ni Hera ang kaniyang sarili na may kakaiba at hindi normal na relasyon sa kaniyang amo?
1025.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 748 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
My Step- Brother's Temptation

My Step- Brother's Temptation

Scorpiowarrior
Sinisi ni Kidlat ( Light Aero) si Shein sa pagkamatay ng girlfriend nitong si Azalie. Namuhi ang binata sa dalaga subalit mariin ding nitong itinanggi ang akusasyon sa kanya. At gusto ni Kidlat na makulong si Shein, subalit nalaman din na hindi sadya ang mga nangyari. Subalit nanatiling namumuhi si Kidlat kay Shein at hindi naniwala sa mga ebidendsyang ipinakita sa kanya. Hanggang sa isang pangyayari ang naganap at naging step- siblings silang dalawa. Lihim na natuwa si Kidlat dahil chance na nitong mapahirapan si Shein. Hanggang kailan kamumuhian ni Kidlat si Shein? Wala na nga bang kapatawaran na natitira sa puso nito upang kapwa na sila matahimik? Anong klaseng paghihiganti ang gagawin ni Kidlat kay Shein?
102.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 68 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
She's A Rose (TAGALOG)

She's A Rose (TAGALOG)

Rouzan Mei
I'm just a simple girl who only want is to graduate and help my auntie. 'Yon lang ang tanging pangarap ko sa kabila ng pag-aaruga niya sa 'kin. Kaya nag-aaral ako nang mabuti. But one day, inilipat niya ako sa isang University. University na walang specific name. Weird ang place... Weird ang mga students... Weird din ang mga nangyayari... Hindi ko alam pero parang baon-baon ko na palagi ang takot at kaba. Should I face this kind of circumstances kahit na mapanganib ang kahahantungan ko?
1.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 44 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
Becoming my Ex's Stepmother

Becoming my Ex's Stepmother

Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ng aming bahay ay nakarinig ako ng tila may nalaglag sa loob ng silid ng aking ina. Sa pagkakaalam ko ay walang tao doon dahil nagbabantay ng hardware namin si Mommy kaya naman nagpunta ako don para i-check. Ngunit nanlaki ang aking mga mata ng makita ang aking ina na nasa hindi kaaya-ayang posisyon kasama ang aking nobyo at parehong walang damit!
1034.0K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.2K kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
The Billionaire Actor's Son

The Billionaire Actor's Son

lovinsious
BEHIND THE CAMERAS Series #1 A famous actress and model Esther Amity Ignacio with her billionaire on-screen partner who brought so much joy and as inspiration to their devotees. They are the centered of the spotlight, everyone were using them to gain views from the audience because of their heyday and chemistry to each other. Behind the camera, they have their own life that needed to hide, everything were surreal to them and someone ruined all they had worked so hard- the catastrophic on their spot.
102.0K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 70 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
2.0K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 75 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
The alpha's destined mate

The alpha's destined mate

AReinSI
There are things about endings and beginnings that we can’t control. They were misunderstood in their past lives for killing their own family and have now been given a chance to live again. They found love and care in each other. But the curse lured them, and it has to be broken. They found themselves in that situation again. Will they make the same mistake or take all the risks to change what happened before?
1.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 40 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
The Mafia's Hidden Wife

The Mafia's Hidden Wife

MissD
Para tantanan ni Robert sa panggigipit at pamimilit si Alexa na pakasalan ito ay pinakiusapan ng dalaga na pakasalan siya ni Travis; ang lalaking natagpuan niya na walang malay at duguan sa gilid ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa kanya ay pumayag si Travis sa pakiusap ni Alexa. Lihim na natuwa ang dalaga pagkat may lihim itong pagtatangi sa lalaking iniligtas niya kahit na ilang Linggo pa lamang silang magkakilala. Ngunit pagkatapos ng kanilang kasal ay sinundo ito ng mga kamag-anak ngunit nangako ito na babalikan siya para kunin. Isang Linggo ang lumipas ay sinundo siya ng tauhan ni Travis at isinama sa hotel kung saan ito nakatira. Ngunit sa halip na mahigpit na yakap ay isang contract marriage agreement ang isinalubong nito sa kanya. Napansin niya na ibang-iba na ito sa Travis na nakasama niya sa probinsiya. Seryoso at arogante ito na malayong-malayo sa mabait at mapagmahal na Travis na kilala at pinakasalan niya. At higit sa lahat ay natuklasan niya na isa pala itong miyembro ng mafia at tumatakbo bilang pinuno ng mafia organization. Paano haharapin ni Alexa ang tila naging estrangherong asawa lalo pa at itinatago nito sa lahat na siya ay asawa nito? Makakaya ba niyang makita na may kasama itong ibang babae o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang nag-iisa at legal nitong asawa kahit pa may contract agreement silang pinirmahan?
102.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 66 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
1010.6K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 244 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
Billionaire's Legal Wife (Taglish)

Billionaire's Legal Wife (Taglish)

Akala ni Luna, magiging katulad ng sa mga magulang niya ang buhay-pag-ibig niya—isang "happy ending" na puno ng tamis at saya. Pero nagkamali siya. Dahil sa likod ng marangyang buhay kasama ang bilyonaryong asawa na si Caleb, may mga madidilim na sikretong unti-unti siyang dinudurog. Natuklasan ni Luna ang isang masakit na katotohanan: Noong bago pa lang silang magkarelasyon, may nabuntis na pala si Caleb at itinago ito sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Sa kabila ng pagtataksil na ito, mas pinili ni Luna ang magmahal kaysa magalit. Sinisi niya ang sarili dahil hindi siya magkaanak—iniisip niyang kaya lang nagawa iyon ni Caleb ay dahil sa sobrang paghahangad nito ng isang pamilya na hindi niya maibigay. Dahil sa takot na mawala ang lalaking mahal niya, tinanggap niya ang bata... pati na ang kabit ni Caleb sa loob ng sarili nilang tahanan. Ngunit hanggang kailan kaya ni Luna ang magtiis? Araw-araw niyang nakikita ang kabit ng asawa sa sarili niyang bahay, unti-unting kinukuha ang kanyang pwesto, at dahan-dahang pinapalitan siya sa puso ni Caleb. Hanggang kailan mananatiling "Legal Wife" si Luna kung ang sarili niyang bahay ay naging kulungan na ng kanyang pait at selos? Kakayanin ba niyang ilaban ang pagsasama nila, o huli na ang lahat para sa kanyang masayang pangarap? "Ako ang legal, ako ang asawa; pero bakit sa sariling bahay, ako ang laging kawawa? Ako ang reynang may korona sa paningin ng iba, pero sa puso ng asawa ko, may nakasingit nang iba."
336 DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 7 kali sebagai the master's sun
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
4445464748
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status