Lahid
Kung ganoon, patay na pala ang prinsesa," pag abat ko sa kanyang kuwento.
"Hindi iyon nangyari," sagot ni Mercedes sa aking sinabi.
"Pinatakas ko siya. Bilang utang na loob ko sa pagsagip niya noon sa akin, pinakawalan ko ang prinsesa mula sa kanyang pagkakulong sa bartolina ng kaharian. At simula noon ay hindi ko na muling nakita ang pinakawalan kong prinsesa," ani Mercedes. Nagsalita man siya sa wikang Tagalog, may bigkis pa rin sa dilang dayuhan ang kanyang pananalita.
ตอนยอดนิยม